Pagkauwi ng condo ni Andrew ay hindi niya malaman ang kanyang nararamdaman. Galit na galit siya kay Lucas. Pero nandoon ang pagkakataon na naaawa siya dito. Walang pag-aalinlanagan na tinungga ni Andrew ang bote ng alak. Hindi na siya nag-abala pang isalin iyon sa baso. Doon siya naabutan ni Julz. "Andrew?" Tiningnan lang ito ni Andrew at muling ininum ang alak na hawak. "May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Julz na ikinabuntong hininga ni Andrew. "Nagkita kami ni Lucas. Galit na galit ang kalooban ko para kay Lucas. Hindi ko matanggap na ang pinakamabait kong kaibigan ay gagawa ng ganoon sa babaeng mahal niya. Pero iyong pagsusumamo niya kanina. Parang natutunaw ang galit ko. Aminado siya sa ginawa niya kay Anna. Pero kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya." "Hindi naman pa

