Ilang oras pa ang itinagal nila sa hotel na iyon bago sila nagpasyang magtungo sa ospital. Hindi na ginamit ni Julz ang kotse niya sapagkat nais ni Andrew na sa isang sasakyan na lang sila sumakay. Pagkarating nila ng ospital ay mahahalata ang kakaibang awra sa mukha ni Julz. Mapapagtanto mo ang itsura ng babaeng lubos na nagmamahal. Magkahawak kamay pa silang pumasok sa kwarto ni Mira. Nasa tabi nito ang asawa at pinapakain ito. Kaya naman naupo muna sila sa couch na nadoon hanggang sa makatapos kumain si Mira ay pumasok naman ang isang nurse at pinainom ito ng gamot. Nakaharap ngayon sa kanila ang mag-asawa at walang gustong magsalita. Nang mapansin ni Marco ang magkahugpong nilang kamay ni Andrew. Nais naman sana niyang kunin ang kamay niya. Pero ang pasaway na si Andrew. Wala yatang

