Mikey’s POV Nandito ako ngayon sa rooftop ng bagay habang hihintay ko ang pagtawag ni Ate Nica sa akin. Ang gabi kasi dito ay umaga nila doo kaya minsan ay nagco-conflict rin ang schedule ko. Ilang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap simula noong sabihin ko sa kaniyang bumisita kami si puntod ni Mang Andoy, hanggang ngayon ay wala pa rin naman akong natatanggap na tawag mula sa kaniya. Sobrang dami ko ng chats pero wala pa ring response mula sa kaniya. Sa mga oras na ‘to ay hindi ko na rin maiwasan pang mag-alala. Araw-araw ko rin kasing tinitingnan ‘yung mga social media accounts niya kung active ba o hindi, pero off pa rin. Iniisip ko na lang na baka busy sila doon kaya hindi nila ako matawagan nang madalas. Habang naghihinatay ay inabala ko na lang ang aking sarili sa

