Rae's POV Napapapikit na lang ako ng mariin kapag inaasar ako nila Dad, Kuya, Ate at Azi dahil sa nangyari kanina. Nandoon 'yung inis pero kaakibat nito ang kilig na kumikiliti sa akin. Napapangiti na lang rin ako kapag naiisip ko 'yung kanina. Shet na malupet! Ang wild pala talaga ng pangyayari kanina, haha! After n'on ay dumiretso na kami sa mga sari-sarili naming kwarto dahil basa na rin kaming dalawa ni Mikey. Balak pa sana nilang pumunta sa turtle island pero hindi na natuloy. Sinisi tuloy kami ni Ate Nica. Ang sabi naman ni Dad ay bukas na lang para sa birthday celebration ko. Nakaka-excite naman... Nang makarating naman kami sa kwarto ay nanaig ang ilangan sa pagitan ni Kim at Azi. Natatawa na lang ako ng palihim kasi itong girlet kong friendship ay may nalalaman pang pakumot-kum

