Rae's POV "Happy birthday, baby Rae!" Naalimpungatan ako sa malakas na sigawan. Mga maiingay na torotot at putok ng party popper. Dahil doon ay napabango naman ako bigla habang kinukusot pa ang mga mata. "Thank you..." Bati ko naman sa kanila pero bigla akong napatakip ng bibig nang maamoy ko ang aking hininga. Natawa na lang rin sila sa akin, lalo na si Kim. Gumaganti 'ata ang bruha. Nagulat naman ako nang bigyan ako ni Dad ng isang maliit na box. Nagulat ako dahil inaasahan kong malaki 'yon. Napatingin tuloy ako sa kaniya nang nagtatanong. "Rae, buksan mo para makita mo." Natawa na lang rin tuloy ako sa sinabi niya, may ipinaglalaban! Inabot ko naman 'yon at saka binuksan, gano'n nanlaki ang mga mata ko nang mabuksan ko ito. Actually, sobrang hirap niyang buksan dahil balot na balot

