Rae's POV Literal na napanganga kaming lahat nang ituro ng tour guide naming ang pupuntahan naming isla. Napakaganda, parang gusto ko na tuloy manirahan dito basta kasama ko lang si Mikey. Para siya maliit na paraiso sa gitna ng tubig. "Woahhh..." Manghang saad namin nang sabay-sabay. Mapapatayo ka talaga sa gandang taglay nito. Ililibot mo ang 'yong paningin buong paligid ang susiriin ang bawat parte nito. I feel proud na nakikita at napuntahan ko ang lugar na ito, parang nadagdagan na naman 'yung liwanag at saya aking buhay. Pagdaong pa lang ng bangkang sinakyan namik ay bumungad kaagad ang napakaraming makukulay na starfish. Ang ganda! Ito talaga ang gusto kong makita dito at gusto ko silang paglaruan... "Mikey! Ang daming starfish!" Turo ko sa mga ito kay Mikey na ikinangiti niya,

