Rae’s POV
Bored akong nakaupo sa isang waiting shed dito sa loob nang university. Ang aga-aga ganito itsura ko, parang tinatamad na inaantok, na ewan. Sana pala ay hindi na lang ako pumasok at nag-stay sa dorm at matulog buong araw. Bahagya pa akong napahikab habang tulala at nakatuon lang ang paningin sa maliit na pond, na puno nang water lilly. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa mga naglalarong isipin sa utak ko. Jusko, may insomnia na ‘ata ako!
Kahapon kasi ay hindi na rin kami natuloy pa ni Azi sa botanical restaurant, which is isanag hakbang na lang ay nakapasok na kami. Bigla kasig sumama ang pakiramdam ko sa nakita ko. That man who’s in black hoodie jacket, kamukha niya ‘yung batang nasa mga panaginip ko. Mukhang siya rin ‘yung nakita ko from the window, na parang nagmamasid sa akin lagi. Is this real? Kinakabahan ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
Aze, the asked me kung okay lang ba ako but I just say na nahilo ako at gusto ko na lang umuwi sa bahay upang magpahinga. Mabuti na lang rin at pumayag siya sa gusto ko at lumiko na rin kami pauwi. While on our way back home, natulog na lang ako at sinubukan ko ikalma ang sarili ko but I can’t. May nakita kasi ako sa mga mata niya and I bet that was anger and dislike. Kinakabahan rin ako sa mga oras na ‘yon dahil baka sumunod siya sa amin. Panay pa ang tingin ko sa side mirror kung may nakabuntot bang sasakyan pero wala. Hindi ko na lang pinahalata sa katabi ko ang takot na aking nararamdaman.
And know, pinag-iisipan ko kung uuwi na ba ako sa bahay namin. May oras pa naman ako para makapag-empake ng mga gamit ko sa dorm. Gusto ko rin tawagan si Kuya Raven kahapon but I decided to rejected the idea dahil masyado na akong nakakaabala sa kaniya sa trabaho. Hindi pa nag-uumpisa ang klase ngayong araw dahil maaga akong pumasok. I just have three classes lang naman ngayon at hindi rin naman major subjects kaya iniisip kong mabuti kung babalik na lang ba ako sa unit ko.
Afterwards, I just found myself inside the classroom habang nakaupo na sa designated seat ko. Ang mas ikinagulat ko pa ay wala si Zein, which is merely good dahil wala ako sa mood makipagsagupaan sa impaktang ‘yon. Pero hindi mawawala ang pagkasuklang ko sa babaeng ‘yon sa ginawa niya. ‘Wag niya lang sabihin sa akin kung saan matatagpuan ang bahay nila dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ‘yon. How I wish that to do so.
Kahit naman inaantok ay pimilit ko na lang ituon ang sarili ko sa klase. Nakakalumbaba pa ako habang papikit-pikit na tinitingnan ang guro. Nakikinig ako pero walang pumapasok sa utak ko. It just that, walang silbi ‘yung mga pinagsasasabi niya sa harapan dahil wala rin naman nakikinig sa kaniya. Binabasa lang naman kasi nang paulit-ulit ang definition nang word na ‘literature’, which is nakakaantok talaga, sa totoo lang. Hindi rin naman nakikinig sa kaniya ang mga kaklase ko dahil may sari-sarili silang mundo. In the end, ayun, nag-walk out ‘yung teacher na may pabanta pa.
Matapos ang klase na ‘yon ay lumabas na rin ako. Napagdesisyon ko na lang rin na umuwi na lang. Wala rin si Kim ngayon dahil naroon sila sa training center para sa kanilang concentration and I founf out that this Azrael ay kasali rin pala sa patimpalak na iyon. Dahil wala rin naman akong kasama ay dire-diretso lang akong lumabas nang university. Hindi rin sana ako papalabasin nang guard pero nagdahilan ako nang kung anu-ano.
While on my way, I just see an old man crossing the road. Nag-alala naman ako bigla kaya mabilis ko siya nilapitan at inalalayan, baka kasi mapa’no pa. Ngumiti lang rin naman ako sa kanina pagkalapit ko.
“’Lo, tara na po.” Ubod nang ngiting saad ko bago ako humawak sa kaniyang kanang braso.
“Aba’y salamata, hijo.” Paos ang kaniyang boses at halatang mahina na. Sino kayang kamag-anak nito na wala pakialam at hinayaan na lang ang matanda na tumawid sa napakahabang daan. Napakapabaya naman nila!
I know wala akong karapatan na husgahan sila dahil hindi ko naman sila kilala, pero mali ito. Paano na lang kung may mangyari sa matanda? Paano kug nabunggo siya at binawian nang buhay? Saka naman nila iiyakan gano’n? Aba! Ang dami talagang plastic sa mundo. Nagiging mapapel na rin sila sa buhay nang bawat isa dahil sila na lang palagi ang may eksena. Eksena sa pagbuo nang chismis at kung anu-ano pang hindi maganda.
“Saan po ba kayo pupunta, ‘Lo?” Pagkunwa’y tanong ko habang tinatawid naman ang daan. Mabuti na lang ang alam pa niyang tumawis sa edad niya ‘yan. I think nasa otsenta na rin si lolo.
“Bibili lang sana ako nang makakain d’yan,” sagot naman niya sa akin, sabay turo sa malapit na kainan.
“Kung bumalik na lang po kaya tayo at ako na lang po ang bibili?” Suhestyon ko na siya namang ikinangiti na lang niya sa akin. Mabagal kasi talagang maglakad si lolo at baka maubos ang oras namin dito para lag bumili nang kaniyang pagkain.
Maya-maya ay bumalik na kami sa kabilang parte nang daan at pinaupo ko siya sa maliit na bangko doon. Mabilis na rin naman akong kumilos at tinanong kung ano bang bibilhin niya. Iniabot lang naman niya sa akin ang kinse pesos na barya at sinabing kung ano na lang daw ang mabibili niyon. Napapikit na lang ako sa awa dahil sa nakita ko. Sadyang napakahirap nga naman talaga nang buhay.
Kaagad na rin naman akong tumawid at tumungo sa karinderyang itinuro niya. Dahil na nga rin sa tingin ko ay tinapay lang ang mabibili nang pera niya ay naglabas na lang ako sa akin bulsa nang dalawang daan at bumili nang pagkain. Kumuha ako nang isang supot na crackers, dalawang klase nang ulam, gano’n rin sa kanin. Pagkabalik ko naman sa pwesto niya ay napaiyak siya nang iabot ko sa kaniya ito. Parang nadadala rin ako.
“Tahan na, ‘Lo, ‘wag na po kayong umiyak. Hindi o ba kayo masaya sa binili ko?” Pagpapatahan ko sa kaniya at hinimas ang kaniyang likod. Bahagya pa itong nagpunas nang mata bago magsalita.
“Maraming salamat, hijo, napabuti mo. Sobra-sobra na ito para sa amin nang mga apo ko.” Sambit niya na ikinagulat ko. So, para pala sa kaniya at sa mga apo niya ito? Napangiti na lang ako nang tipid bago muling dukutin ang wallet ko.
“Wala po ‘yon, ‘Lo, at saka gustong gusto ko rin naman pong makatulong.” Sagoit at bahagya akong tumigil. “Tanggapin niyo poi to, baka kulang kasi ‘yan para sainyo.” Dagdag ko pa at inabot sa kamay niya ang isang daan. Tumangi pa siya pero wala rin nagawa nang magpumilit ako. Sinabi ko na lang rin sa kaniya na utusan na lang niya ang kaniyang mga apo na bumili sa susunod dahil napakadelikado. Baka kung may nagkataon masamang loob ang nakakita sa kaniya ay bunggoin siya sa daan.
Matapos rin naman iyon ay nagpaalam na ako sa kaniya. Gusto ko pa sana siyang ihatid sa kanila pero kaya naman daw niya. Nakakahiya na daw kasi masyado dahil inabala pa niya ako para lang sa pagbili niya nang pagkain. Nagumiti na lang naman ako sa kaniya at kumaway bago ko siya talikuran.
Nang makauwi naman ako ay nag-umpisa na akong magbalot ng mga gamit habang nagpapa-music ako dito sa kwarto. Kaunti lang naman ang gamit ko dito kaya mabilis ko rin naman iyon natapos, maliban na lang sa mga nasa sala. Dahil na rin siguro sa pagod at antok ay hindi ko na namalayang makatulog.
Raven’s POV
“Dad, he has an idea na and I think it’s for him to know.” Sagot ko sa kabilang linya.
Nandito ako ngayon sa opisina ko habang nakatanaw sa glass wall. Dahil nga sa mataas ang palapag kung saan ang office ko ay tanaw na tanaw ko ay buong siyudad habang pabalik-balik na naglalakad.
I heared a deep sigh mula sa akign ama bago siya sumagot sa akin.
“I will meet him later, kailangan ko lang i-meet ang mga importanteng pasyente ko ngayon dito sa ospital.” Mabilis niyang saad. I bet, he’s busy checking his patient room by room. Mabilis ko rin naman pinutol ang tawag nang mapaliwanag ko ang lahat sa kaniya.
Nag-aalala ako para sa kapatid ko at hindi ko maiwasang maramdaman iyon. He’s the gem in our family umpisa nang mawal si Mom at kahit na hindi niya kami pinapansin dati ay iniintindi namin siya. Iyon nga lang at hindi mahabang ang pasensya ng ama namin at nagkakasagutan sila paminsan-minsan. Hindi rin namin siya masisisi kung nagtatanim siya nang galit sa amin dahil sa nangyari.
He’s the precious one, to the point na gagawin namin ang lahat upang protekrahan siya dahil may banta sa pamilya namin and we know na siya ang pinupunterya nang kung sino mang ‘yon. We love him kasi nakikita namin ang Mommy sa kaniya. Kamukhang kamukha niya kasi ito, pati na rin ang kaniyang ugali at kilos. We even accepted his personality dahil hindi naman big deal sa pamilya namin ang pagiging kasapi sa ikatlong kasarian. Hangga’t wala siyang ginagawang mali ay susuportahan namin siya sa abot nang makakaya namin.
At his young age, marami na siyang pinagdaanan at ayaw na namin’yon pang madagdagan pa dahil iba ang epekto nang masasamang kaganapan sa kaniya. Nagrerebelde siya, nawawala sa katinuan at ang mas malala pa noon ay nananakit. I remember kung paano niya sabunutan si Nica dati habang pilit namin siya pinapakain. It just ended na lang na umiyak ang babaeng iyon dahil ang daming nalagas sa buhok niya, kaya rin siguro hindi sila malapit sa isa’t isa.
Wala nga naman talagang permanenteng bagay sa mundo, everyone changes for te better at isa doon si Rae. Masaya kaming bumalik na siya sa dati and I know that he’s doing great na ngayon. Ang ipinag-aalala ko lang ay epekto nito sa kaniya kapag nalaman na niya ang lahat. I worried na baka kaya na niyang kitilin ang buhay niya this time. Bilang panganya ay dapat ako ang umuunawa at isa sa mga gumagabay sa kanila, sa kanilang dalawa ni Nica. I will do my best para magampanan ko ng maayos ang pagiging kuya ko.