Rae’s POV Months later, nag-start na rin ang klase ko na nangyayari pa rin sa bahay. Kailangan ko pa kasing kompletuhin ‘yung mga hindi ko natapos sa senior high school para maka-enroll ako sa college. Sa loob ng apat na buwan ay kailangan ko ‘yong tapusin para makasabay daw ako sa pasukan, kaya todo aral ako ngayon dito. Isinasabay ko na rin doon ang pag-aaral ko ng dutch para sa pagpasok ko sa school. Paminsan-minsan lang rin naman ‘yon sa loob nang isang lingo dahil bawal pa kasing mapagod lang utak ko sa pag-iisip. Mabuti na lang at madali lang ‘yung mga school works ko kaya mabilis ko lang silang natatapos. Mas nagkakaroon na rin ako ng marami pang oras na makasama ang pamilya ko. Last week, we went the city, pagkatapos ng check-up ko. Akala ko magla-lunch lang kami pero i

