Rae’s POV Totoo nga namang talaga ang pag-ibig ay isang misteryo. Sino ba kasing mag-aakala na may mutual understanding pala itong kasama naming dalawa, wala naman ‘di ba? Parang sa amin rin ni Mikey. Nagsimula kami sa pagiging stranger hanggang sa unti-unti nang nagkakaroon ng espesyal na damdamin. Shet na malupet! Kinikilig tuloy ako sa intro kong ganito! At ‘yon na nga! Dahil sa nahuli namin itong si Kim, ayun nagkulong sa kwarto nang tinutuluyan naming hotel. Hinabol ko pa siya kanina nang bigla siyang tumakbo and she just said na nahihiya na daw siya sa amin. Sinabi ko naman na hindi ‘yon kailangan, ang mahala ay nasabi na niya ang kaniyang nararamdaman para kay Azi. Kung tutuosin ay wala naman siyang dapat ikahiya dahil parehas naman sila ng feelings, saka na lang siya umakto nang

