Mikey's POV
It was a good start here at Palawan na sana, kung hindi lang ako nag-init ng ulo. Nasira tuloy 'yung mga plano ko for this day and I have nothing to do but to move it for tomorrow. Masyado kasing ginawang big deal ang nangyari, na nalaman ko rin namang aksidente lang.
According to Kim, Azi took her phone daw kasi nahuli siya nitong kinukuhanan nang picture kaya nag-agawan sila. And there, it happened. Sakto rin namang binuksan namin ang pinto at makita namin sila.
Sa pagkakakilala ko kasi sa kapatid ko ay hindi siya gano'ng klase nang babae. Yes, she's a smart blubbering girl pero hindi 'yan haharot nang gano'n-gano'n lang. I just didn't get kung bakit niya kinukunan nang litrato si Azi, that's why I asked her. Napairap na lang ako sa sinabi niya dahil may gusto siya sa lalaking 'yon.
Because of that nagtampo galit tuloy sa akin si Rae, I admit na kasalanan ko naman kaya mabilis ko rin siyang sinundan palabas. Ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi kami nagkakaayos.
Right away he closed the door, I followed him pero mabilis siya at hindi ko na naabutan. Nag-alala naman ako doon dahil masyadong delikado kapag mag-isa siyang naglakad-lakad dito, wala pa naman kaming kilala sa lugar na ito. Binilisan ko na lang ang pagtakbo at sumakay sa elevator papunta sa ground floor, I don't have any idea where to find him but in the shore. kadalasan kasi sqa mga pelikula ay doon napag-iisa ang mga may problemang tao and I hope, I can find him right beyond there.
Nang makakababa ako ay mabilis akong natanong sa front desk lady, kung may napansin siyang magandang lalaki na lumabas. Tumango naman ito at saka sinabi sa akin kung saang direksyon ito pumunta. Sinundan ko ang sinabi niya and there I found my love, while watching his footsteps.
Napahugot ako ng isang malalim na buntong-hininga nang makita ko siya, this time I have an assurance na safe nga siya. Papunta siya sa gawi ko habang nakatungo kaya hindi niya ako nakita. Sinalubong ko naman siya hanggang sa mahinto ang paa namin sa isa't isa.
Ang akala ko ay titingin na siya sa akin pero mali ako dahil bigla siyang umupo at saka kinuha ang isang shell. Habang nakatingin ako sa kaniya ay doon naman nabaling ang paningin niya sa akin. Doon ko nakita kung gaano siya kagalit sa akin. He glares at me while pouting his lips, gusto ko sana siyang biruin na ang cute niya pero hindi ko ginawa at baka lumala la itong tampuhan namin.
He was about to turn a back pero mabilis ang pagkilos ko kaya napigilan ko siya. Galit nga talaga siya sa akin dahil iniiwasan niya ako. Nag-sorry ako sa kaniya at doon kami nagkabati, na tanging dagat lang ang nakakarinig sa amin.
Matapos 'yon ay pumasok na kami sa isang seafood restaurant dahil magla-lunch na rin, na siya namang utos sa amin ni Dad kanina. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa tawag ko sa kaniya, nasanay kasi ako sa pagtawag ko ng "Tito". Pero kailangan ko na 'atang masanay dahil wala nang bawian 'to.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Kuya Raven sa amin.
Nandito na pala silang lahat at hinihintay na lang kaming dalawa ni Rae. Nagkatinginan naman kami ni Azi at binigyan ko na lang siya ng apologetic smile bago sumagot.
"We just walked around the shore, Kuya. Nag-aya kasi itong si Rae and so far it was really good." Palusot ko at saka ngumiti nang pagkatamis. Tumingin naman ako kay Rae nakangiti rin siya. Tamang sakay lang ang mahal ko.
Hindi naman na sila nagtanong pa kaya umupo na rin kami at sumalo sa kanila sa pagkain. Naging masaya naman ang lahat dahil masasarap ang mga pagkaing nakahanda. Enjoy na enjoy naman kami ni Rae dahil pareho naming paborito 'yung inihaw na pusit na may kamatis at sibuyas. I remember na una naming natikman 'yon sa iaang event doon sa bahay ampunan dati at parehas namin itong nagustuhan. Ang sabi pa sa akin ni Tita Reichel dati ay inire-request daw 'yon ni Rae tuwing birthday ko and here, nakakain kami ulit ng ganito.
Matapos kaming kumain ay bigla akong hinila ni Kim sa isang sulok at saka sinundot-sundot ang aking tagiliran.
"Idol... Napakalandi mo, nasuyo mo agad!" Pang-aasar niya. Ano na naman kayang ipinaglalaban nang babaeng ito? Na mas makati ako kaysa sa kaniya? Well, totoo naman dahil ganito talaga kapag literal na attractive. Hahaha!
Nag-pogi post naman ako bago siya kindatan. Todo kilig naman ang ultimate fan ko, pero hindi siya makakaligtas sa akin. Para-paraan rin 'to para tulungan ko siya kay Azi.
Habang nagsasaya siya ay bigla kong binigyan ng kutos ang ulo niya. Hinayupak na 'to, akala niya siguro makukuha niya ako sa mga ganyang style? Hindi!
"Aray naman, Kuya! Ganyan ka na ba talaga sa haras sa baby sister mo?" Nangongonsensya pa talaga siya. Tinatawag lang naman niya akong kuya kapag may kailangan siya, plastic rin ang babaenh 'to eh.
"Aral muna bago lumandi kay Azi!" Sambit ko pa at balak ko talagang asarin siya.
"Unggoy na 'to, parang hindi naman nilalandi 'yung kaibigan ko! Eng sherep leng kese ne fefe Eze, ehe!" Ayan, nagpapabebe na siya. Ang panget nang itsura, parang aso.
Babatukan ko na sana siya pero may biglang sumingit sa likuran namin. Nang lingunin naman namin ito ay nagulat kami nang makita namin silang lahat.
"Aha! Huli pero hindi ka kulong, Kim! Sinasabi ko na nga bang may gusto ka rin kay Azi! Yie..." Si Rae na namumula na sa kilig. Kita ko naman ang nakangiting si Dad, Kuya Raven at Ate Nica habang nakangisi naman si Azi.
Napatawa na lang ako kay Kim dahil huling huli siya at pulang pula ang mukha. Para siyang sinilihan sa pwet nang sampung beses. Napapala nang kalandian, nahuli tuloy sa sikretong pinapahalagahan.
Ito kasing babaeng 'to hindi matigil ang bibig pero inaamin kong kinikilig rin ako. 'Yung sikreto niya bistado na, hahaha! Yie...