Mikey's POV 'Yung ngiti ko sa bawat pagkilos niya kanina ay bigla na lang naglaho. Napapansin ko na kanina na parang may sumusunod sa amin pero hinayaa ko lang kasi one hundred percent sure kaming hindi mahahanap. Hindi ko lang lubos matanggap sa sarili ko na nakuha siya nang dahil sa akin. Parang mas dumoble 'yung takot na nararamdaman ko noon. Parang nawalan ako bigla nang lakas dahil sa nangyari. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko sa pagkakakuha sa kaniya. I can't stop crying habang pabalik kami sa may pampang, patuloy lang naman akong humihingi ng sorry kay Dad dahil sa kapabayaan ko. Ang sakit sa part ko na parang 'yung pangako ko ay hanggang salita lang. Pinapahina rin ako nang takot na baka may mangyaring masama sa kaniya at hindi ko 'yon kakayanin. Hindi ko na kaya

