Nicholo's POV Napapapikit na lang ako sa hapdi habang nilalagyan ko ng ointment ang mga namumulang parte sa katawan ko. Hindi nga pala ako sanay sa init kaya ako nagkakaganito lagi kapag pumupunta kami sa mga beach. And what more worst ay nagkakalagnat pa ako, pero sana naman ay hindi na dahil sumisingaw ang init sa aking mga mata. All in all, okay lang as long as nakikita kong masaya ang mga anak ko. Matagal ko ng pinapangarap ito ulit and here, nakapag-bonding time ulit kami kahit na delikado para sa lahat na siyang inaalala ko lalo na kay Rae. I never take off my eyes on him, ayokong mapahamak ulit ang anak ko, ngayon pang nagkaayos na kaming dalawa. Matapos kong malagyan ng ointment ang mga mahahapding parte ng aking katawan ay nagsuot na ako ng damit. Nandito lang ako sa cottage na

