Rae’s POV
Mataas na ang sikat nang araw at alam kong late na akong nagising dahil na rin siguro sa pagod at pag-aalala kagabi. Mabuti na lang at sabado ngayon at walang pasok. Isa lang rin ang alam ko, hindi ko makokompronta ang babaeng impakta na iyon. May isip rin pala ang bruha kaya wala na akong magagawa kung hindi maghintay nang eksaktong araw para sa pagtutuos naming dalawa. Pasalamat na lang siya at nalihis ang araw dahil kapag nakita ko siya ngayon, hindi ko siya sasantuhin. Makikita niya kung paano magaling ang isang Raelan Welck, the most venomous gay in the world.
Napabuntong hininga ako bago bumangon, I feel suffocated nitong nagdaang gabi. Kailangan kong mag-breathe in sa labas, gusto kong gumala at mamasyal para maipaling sa iba ang atensyon ko. Pero bigla na lang akong napabusangot nang malakas na kumalan ang tiyan ko.
Oo, nga pala, oatmeal an gang kinain ko kagabi at mukhang expire na’ata iyon dahil medyo pumapait ang lasa. Tiniis ko na lang dahil wala naman akong ibang kakainin. Sa totoo lang gusto ko na talagang umiyak kagabi eh, pero ayokong lumuha na ang babaeng iyon ang dahilan. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako magpapaapi kahit kailan ‘no? At tumutupad ako sa mga pangako.
'Nakakasira talaga ng mood ang babaeng iyon, kaya pala hindi ko na siya nakita pa kahapon sa school dahil nandito na siya sa dorm ko at nagkakalat. Para na siyang magnanakaw sa ginawa niya, kung tutuosin ay pwede ko na nga siyang kasuhan. Well, sinusubukan talaga ako nang bruhang iyon! Isa pa ‘yang landlady na ‘yan, siguro binayaran nila kaya hindi man lang nagpakita!' Mahaba at nanggagalaiti ko pang sambit sa aking isipan. Jusko! Nakakasira ng umaga.
Tama na nga ‘yan, masyado na akong stress. Ayoko na muna silang isipin pa, uunahin ko muna ang pagkain ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at iniligpit ang aking pinaghigaan, tumungo na rin ako nang banyo pagkatapos kong magligpit at naghilamos. Habang nasa loob naman ako ng banyo ay napapaisip pa ako ng masarap na ulam, first time ko kasing bumili nang makakain sa mga sari-sari store.
Mabilis rin naman akong natapos at napagdesisyonan ko ng lumabas.
Nandito na ako ngayon sa tindahan ni Aling Doring para bumili ng paborito kong breakfast na itlog at hotdog. Yeah, that’s my favorite at ‘yang mga utak niyo kung anu-ano na naman ang naiisip. At saka, remember! Walang laman ‘yung ref dahil pinagtatapon nilang lahat, balak pa ‘ata akong gutumin nang demonyitang iyon! Ang sarap pa namang kumain.
"Tao po!" Pagtawag ko pa sa harap nang tindahan. Ilang saglit lang naman ay lumabas na rin ang may kaedaran nang babae.
"Ano ‘yon?" Sagot naman nito at ngumiti sa akin, ngumiti lang rin naman ako pabalik. “Ngayon lang kita nakitang bumili dito, hijo. Bago ka lang ba?” Dagdag na tanong pa nang matanda. Wow, ha? Kabisado na niya ang mga bumibili dito, kung sabagay ay sa kaniya naman pala ito.
“Opo,” ngumiti naman ako ulit at tumango sa kaniya. "Ale, dalawang itlog nga po at saka isang buong pack nang hotdong, ‘yung jumbo po ha?" Para hindi na humaba pa ang tanungan portion namin ay sinabi ko na ang bibilhin ko. Ganito kasi sa mga napapanood at nababasa ko eh, ‘yung mga chismosang tinder, chichikahan ang mga customer nila. Pagkatapos ay ang mahal na nang presyo, kasali kasi sa babayaran mo ‘yung talent fee. Talent nila sa pagbabalita ng mga fake news, mas peke pa sayo!
Kita ko naman itong binuksan ang kanilang ref na mukhang ilang daang taon nang hindi nalilinisan, joke lang. Malinis sila dito, makikita naman kasi walang kaali-alikabok kahit dito sa labas. Maya-maya pa ay malungkot itong lumingon sa akin at napailing.
"Ubos na, hijo, huli na pala ‘yung kahapon." Sabi niya sabay peace sign pa. Pa-cute lang? Palihim pa akong napaikot ng mata.
"Magsara na lang po kayo, total wala naman pala kayong tinda!" Biro ko sa matanda. Na siya namang ikinalaki nang kaniyang mata, nagulat siguro siya sa sinabi ko. "Charot lang po…" Bawi ko rin naman agad. Mahirap nab aka ipabarangay tayo nang wala sa oras dito. HAHAHA!
“Biro lang rin, hijo. Naloko ba kita? Hahaha…” Sagit niya at saka tumawa nang malakas, ‘yung parang hindi na masisikat nang araw.
'May sense of humor rin pala si mother sa kabila nang seryoso niyang mukha. Infairness natakot ako kanina,’ isip-isip ko pa.
"Sandali lang, ha?" Tinanguan ko lang naman siya bilang tugon.
"At saka mantika na rin po, naubusan na pala ako, hehe..." Dagdag ko pa nang maalala kong nabuhos pala ‘yung mantika doon.
Naupo muna ako sa may kahabaang bangko dito sa harap nang tindahan nila habang napapasipol na naghihitay. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya, dala-dala ang mga bibilhin ko.
"Ito na," iniabot niya sa akin ito nang nakasupot. Kinuha ko rin naman iyon at binayaran. Nagpaalam na rin ako kaagad dahil gutom na gutom na ako.
Binilisan ko na ang paglakad pauwi pero bago iyon ay binilang ko muna ang barya ko. Oh, alam na this! Ganito kasi ang mga kuripot na tao. Nagulat pa ako nang makita ko ang isinukli niya sa akin.
'Jusko! Ang abusado naman nang matandang iyon, dinaig pa ang mall sa kamahalan nang paninda!' Napapailing ko pang bulong sa isip ko. Akala ko pa naman friends kami, ang saya pa naman niya magtinda. Sabi ko sainyo eh, gano’n ang mga galawan nang mga tinderang gustong kumita nang malaki. Halos dinoble na ‘yung presyo!
Pabalik na sana ako ng unit ko nang may biglang tumawag sa akin. Isang baritong boses at alam kong ngayon ko lang ito narinig. Lumingon naman ako sa aking likkuran at tumambad sa mga mata ko ang isang lalaki. Infairness, gwapo siya!
"Rae!” Tawag niya pa sa akin ulit. Nangunot naman bigla ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala, ngunit alam niya ang pangalan ko. Maybe this man knows a lot from me, baka anak siya nang kaibigan ni Dad.
Tumakbo ito palapit sa akin dahil nandito na ako sa may hallway. Mukhang kagagaling niyang mag-jogging dahil pawis na pawis ang matcho niyang katawan. Jusko! Naaalibadbaran ako sa itsura niya, para bang may sumusunog sa akin at humihila palapit sa kaniya. Baka impyerno lang?
"Rae, right?" Pagkukumpirma nito nang makalapit na siya. Tumango naman ako dito at ngumiti pabalik.
"Yeah," mmaikli kong sagot. Aba! Kahit naman pogi siya, hindi naman ako basta-basta na lang nagtitiwala ‘no? Don’t talk to strange sabi nila pero ‘wag siya, gwapo eh. Hahaha…ngayon inaamin ko ng malandi talaga ako.
Shit na pusit! Ang hot niya mga kasi, ikaw ba naman ang well toned ang mga muscles at bakat ang matigas at malaking dibdib. Semi fit kasi ang suot niya sando at basing basa nang pawis, for sure may abs rin ito. Oh so yummy, inshort borta ang lolo niyo! Ganito ba ‘yung tinatawag ilang afams? Sorry bakla lang ako pero wala po talaga akong alam. Isa na siguro ako sa mga ikinakahiya nang pederasyon.
Hindi ko naman alam na napatulala na pala ako sa kaniya. Napabalik lang ako sa huwisyo nang marinig ko itong nag-clear throat. Jusko! Nakakahiya ako. Ganito ba talaga kapag wala jowa o never pang nagka-jowa? Sabihin niyo namang normal lang ito. Napaiwas na lang ako ng tingin at palihim na pumukit. Lupa kainin mo na ako ngayon, please…
"Ah... Azrael Ike Alvarez nga pala, Azi for short." Pagpapakilala niya sabay extend nang kaniyang kamay paharap. Kita ko pa ang pag-flex nang kaniyang bicep. Oo, inaamin kong makasalanan ang mga mata ko.
Teka, Alvarez ang apelyedo niya ‘d ba? It sounds familiar to me, para may kakilala akong ganya ang surname. Hindi ko lang siguro matandaan. Ewan ko ba, may mga bagay na kusa ko na lang naalala. Katulad na lang ng mga napapanaginipan ko and it’s strange sa akin. Parang may alala kasi ako sa nakaraan na… I don’t know, hindi ko maaala.
Inabot ko naman ang kamy nito at nakipag-shake hands. Magaspang ‘yung palad niya at halatang makapal na ang kalyo sa kakabuhat nang barbells sa gym. s**t na malupit, hindi ko maiwasang kiligin sa loob ko mga bakla!
" I-I’m Rae, Raelan Welck. Nice to meet you, Azi." Hindi ko alam pero nautal ako, parang nanginig ang bibig ko. But I manage to have a wide smile. Sige, magpaka-plastic tayo ngayon!
Ngumiti rin naman siya nang pakalaki sa akin. That smile, makalaglag panty! Hindi ko naman alam na kanina pa pala ako nakahawak sa kamay niya. Mabilis ko naman iyong tinggal napangiti na lang ulit. ‘Yung ngiting halos hindi na makita ang mata. Pakshet, nakakahiya ako.
Ilang asandali lang ay agad rin naman siyang nagsalita, na bumasag sa namumuong katahimiksan sa pagitan naming dalawa.
"For you to know, ako pala ‘yung tumawag sa landlady kagabi. Tutulungan pa sana kita, kaso bigla mong isinara’ yung pinto."Pagpapaliwanag niya sa akin, then he flashed that killer smile. Kinikilig man ako pero sa loob-loob ko lang, magaling kaya akong magtago ng feelings.
"Hala! Sorry, ikaw pala ‘yon?” Saad ko nang maalala ko siya kagabi. “Oo, na mumukhaan kita, Azi. Naiinis kasi ako sa mga chiska kagabi kaya ko isinara ‘yung pinto," dagdag ko pa sa nahihiyang tono. I never know na may conern pala sa akin kagabi. Sa kabila nang napakagulong unit ko may isa palang gwapong lalaki na na gustong tumulong sa akin. Ngayon, na-realize kong napakasama ko.
"Wala ‘yon, ako nga dapat ang magso-sorry dahil hindi man lang kita natulungan." Paghihingi pa niya nang paumanhin, na siya namang ikinailing ko agad.
“Hindi, ako dapat. Pasensya na, wala ako sa matinong pag-iisip kagabi kaya siguro ako gano’n.” Dahilan ko. Ramdam ko naman bigla ang pagtapik niya sa balikat ko bago ngumiti.
Pagkatapos ay sabay na kaming naglakad pabalik sa dorm, doon ko nalaman na schoolmate pala kami at same year level, kaso ibang section siya. Nang makarating kami sa harap ng unit ko at mabilis ko iyong binuksan at pinapasok siya.
"Halika, pasok ka, Azi." Pag-aaya ko dito nang tuluyan kong mabuksan ang pinto.
"Salamat!" Malugod naman siyang sagot bago pumasok sa loob.
Dumiretso naman ako sa kusina para magluto, hindi pa rin daw siya nag-aagahan katulad ko kaya naisipan kong ayain siya dito. Naiwan siya sa sala, napansin ko pang tinitingnan nito ang mga picture na nakapatong sa cabinet. Basag pa naman ‘yung iba doon, hindi ko pa napapalita nang frame. Siguro hindi na rin kasi kapag nalaman ito ni Dad ay pauuwiin na niya ako sa bahay.
Nang matungo niya ang kusina ay nagpumilit pa itong tumulong pero hindi ako pumayag at pinaupo ko na lang siya sa may counter. Sosyal ‘no? Dorm lang pero may magandang kusina. At saka, bisita ko siya kaya dapat na maayos ko siya itrato at pagsilbhan, ‘yon ang turo sa akin ni Mom.
Habang nagluluto, pansin ko naman sa peripheral vision ko ang pagtitig nito sa akin. Naku, ha? Baka malusaw naman ako sa paraan nang pagtitig mo sa akin, kuya! ‘Wag ganyan, baka masunog itong niluluto ko dahil sayo. Ang bilis ko pa naman matulala sa mga bagay-bagay.
'Gano’n na ba ako kaganda?' Malanding tanong ko pa sa aking isipan. Ganito kasi kapag gandang ganda sa sarili. To be honest, may panlaban naman ako sa mga babae d’yan. Kung tutuosin mas mukha pa akong babae sa kanila, char!
Maya-maya pa ay bigla itong nagsalita habang nakaupo pa rin sa may counter. Nagfocus na lang rin ako sa niluluto ko at baka masunog talaga kapag tiningnan ko pa siya. Ang sarap niya kasi, joke lang! Dapat dalagang pilipina tayo kumilos.
"Bakit mo naisipang mag-dorm? Eh anak ka pala nang sikat na doktor?" Biglang tanong nito habang nagluluto ako. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ang iniisip ko kanina, na marami siya alam tungkol sa akin.
Hindi naman na nakapagtataka dahil pamilyar nga ang apelyedo niya sa akin. Siguro noong bata ako na-meet ko na siya or something na may kamag-anak siya kakilala ni Dad. Marami kasing kaibigan ‘yon, lalo na’t may kompanya rin naman kami.
Pinahinaan ko muna ang apoy ng aking niluluto bago ko siya balingan. Sumadal rin ako sa lababo habang hawak ang sandok bago nagsalita.
"Mahabang kwento eh, baka abutin tayo nang ilang taon kapag ikinwento lahat sayo," malokong sagot ko.
Muli naman akong bumaling sa niluluto ko. Nasa gano’n akong pwesto nang bigla kong maalala ‘yung business partner dati ni Dad. So, ama niya pala iyon! Speaking of that business, may sarili rin naman silang kompanya dito at sa ibang bansa. Naku, hind na nakapagtatakang mayaman rin ang Azi na ito.
"Eh ikaw? Anak ka nang may-ari nang AA Empire, nag-dorm ka nga rin." Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Napangalumbaba lang naman siya bago sumagot. Kung iba lang, iisipan ko talagang nagpapa-cute siya sa akin. Char!
"Mag- isa lang kasi akong anak at ayoko namang tumira nang mag-isa sa malaking bahay eh, si mommy at daddy lagi namang out of town." Paliwanag nito, na siya naman tinanguan ko na lang.
I can say na mapagkakatiwalaan ko siya dahil magkakilala naman ang mga magulang namin, hindi ko lang sure kung nag-meet nab a kami noon. Siguro, pero hind ko lang matandaan. Minsan nga iniisip kong may amnesia ako eh.
Ilang minute pa ay natapos rin akong magluto kaya inihain ko na ang pagkain namin sa hapag at masaya namin iyong pinagsaluhan. Dahil nga rin sa maganda ang pangangatawan niya ay tinanong ko pa siya kung kumakain siya nang processed food, sabi naman siya ay oo daw dahil hindi naman siya marunong magluto. Siguro rin ay nagbababad siya sa gym kaya malaki ang katawan. Nakakahiya kasi ‘yung itlog at hotdog na ipapakain ko sa kaniya eh.
Mabilis naman kaming natapos at nagpaalam na rin kaagad si Azi sa akin, magwo-work out pa daw kasi siya sa gym. Kailangan niya talagang tunawin ang kinain niyang hindi healthy. Inaya niya rin akong magsimba bukas kung free daw ako, pumayag naman ako sa gusto niya kasi iyon rin naman ang balak ko para bukas. Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang maghugas ng aming pinagkainan.
'Bwiset ‘yung mokong na ‘yon, hinddi na lang sinabi na gusto lang makikain.' Isip-isip ko habang naghuhugas ng mga plato. HAHAHA!
Pagkatapos kong mailigpit ang mga pinagkainan namin ay umakyat na ako sa kwarto para maligo. Gusto ko kasing lumabas at maggala ngayong araw. Gusto kong magpahangin sa labas at bibili na rin siguro ako ng konti kong stock ng mga pagkain dito.