Chapter 9

2067 Words
Rae's POV Parang bulang kusang naglaho ang ngiti sa mukha ko nang tumambad ang tila bodegang silid ko, dahil gulo ng mga nagkalat na gamit at basag na salamin. Nabitawan ko ang hawak-hawak kong selpon, parag hindi rumerehistro ang nakikita ko sa isip ko. I was in total shock, na hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko sa pagkagulat. I don’t know but I feel scared of what I see. "Oh my God! S-Sinong may gawa nito…?” Napasigaw ako ng napakalas, kung kaya't nabulabog at nagsilabasan ang mga kapitbahay ko dito sa dorm. "Bakit? Anong nangyari?" Nagtataka at nag-aalalang tanong ng mga ito. Na-speechless ako kaya mabilis silang lumapit sa akin at sumilip sa may pinto. Nang makita naman nila ang kabuoan ng akig silid ay gulat ang mababakas sa kanilang mga mukha habang napapatakip sa kanilang bibig. This time, maaawa na ba ako sa sarili ko? Maya-maya pa ay rinig ko na ang bulungan nila sa tabi ko. "Naku…sinong hayop ang may gawa niyan?" "Baka naman ninakawan?" "May nakakita ba sainyo?" Rinig ko pa ang mga hiniha nila sa gilid. Napaupo na lang ako sa sahig dahil hindi ko naman alam ang gagawin. Ang gulo ng silid unit ko, sobrang daming kalat at mukhang sinadya pa talaga ito. Hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa mga kaganapan ngayong araw. Nakaka-stress, parang ang dami nang nagbabanta sa buhay ko. Hindi ko man sigrado pero ramdam ko na Nagawa ko pa ring pumasok sa loob kahit na nanghihina ang aking mga tuhod. Tumawag naman ang mga kapitbahay ko ng pulis, pati na rin ‘yung landlady namin pero ang ikinainis ko ay hindi daw ito sumasagot sa tawag. 'Walang silbing landlady ‘yan paano na lang kung sinunog na itong buong dorm? Wala pa rin ba siyang pakialam?' Inis kong saad sa aking isipan. Patuloy pa rin naman sa mga walang silbing kwentuhan ang mga matatabil ang dilang babae sa may labas. Nakakarindi na sila. Nakikita na nga nilang ninakawan ‘yung tao, wala man lang mag-initiate na tulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit. Chismis lang ang ambag nila sa bansa ito. Sige, uunlad tayo nang husto, ‘yung tipong wala nang makaktalo pa sa atin. Uunlad tayo sa fake news, mga chismosang ‘to, ang sarap ingudngod! Kunot noo at padabog ko na lang na isinara ang pinto para tumigil na sila sa kakachika at nang hindi ko na rin sila marinig. Marahan naman akong umakyat sa taas kung saan ang kwarto ko dahil sa mga bubog na nagkalat sa sahig at baka masugat ako. Pagkarating ko naman doon ay nakakapagtaka lang dahil maayos naman sa parteng ito. Tsinek’ ko yung pera ko sa may ilalim ng kama pero kompleto naman. Walang bawas at halatang wala ring pumasok dito. Napaupo na lang ako sa kama at bumuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa buhya ko? Kanino ba ako nagkasala? At marami pa ankong naiisip na mga bagay-bagay. Kung ganito lang ang mangyayari sa buong buhay ko ay mas gugustuhin ko a lang na mamatay. Nakakapagtaka lang talaga dahil ‘yung sala at kusina lang ang ginulo kaya kung anu-anong naisip ko. Ang bobo naman nang magnanakaw na ‘yon. Siguro nagpapansin lang. Hay naku…ang dami talagang kulang sa pansin dito sa mundo! 'Siguro gutom ‘yung magnanakaw na ‘yon?' Napapaismid ko pang isip. Ilang saglit lang ay bumaba na ako upang ayusin ang lahat sa ibaba. Napa-face palm na lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Parang nag-import pa sila nang basura overseas para lang itambak at ikalat dito sa unit ko. Jusko lord…ang baho pa naman at saka inuuod na ‘yung iba. Nang lumaon, napagdesisyonan ko ring sa kusina muna ang unahin dahil lahat nang laman aking ng ref maliban sa mga yelong ginawa ko sa freezer ay nagkalat. Ang hirap naman ng ganito. Ito nab a ang kapalit ng kadugyutan ko? Pero regular naman akong nakakpaglinis dito. "Naku naman, pati ‘yung cookies ko pinagdiskitahan pa. Huhu…" Malungkot ko pang bulong sa aking sarili. Sayang kasi, ang mahal pa naman nang harina at saka ang hirap kayang bumili nang walang kasama, kailangan mong buhatin lahat pauwi. Sayang effort! Malungkot kong inilagay lahat ang mga iyon sa garbage bag dahil sira naman na lahat. Napapanguso pa akong dinadampot ang mga ito kasi pinaghirapan ko pa siyang gawin. Mas lalo pa akong nanlumo nang mahagilap ko ang mga itlog na ibinato sa dingding nitong kusina. Paano ko lilinisin iyan ngayon? Ang lansa-lansa pa naman nang itlog. Pati yung mga chocolates ko, tinunaw at ipinahid rin sa pader. Siguro mas sama talaga nang loob ang may gawa sa akin nito. Ang speaking of that stupid people na may sama nang loob sa akin, wala naman akong ibang sisisihin kung hindi ang bruhang iyon. Si Zein, siya lang ang alam kong may gawa nito. Humanda sa akin ‘yang hinayupak na ‘yan kapag nagkita kami dahil mas magulo pa dito ang igaganti ko sa buhok at mukha niya. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya lahat nang ito! Padabog kong itinabi ang hawak kong basurahan dahil sa inis. Maglalakad na sana ako upang umpisahang linisin ang dingding nang bigla akong tumumba sa sahig. Anong kamalasan ang meron ako ngayon araw na ito? Special ba? "A-Aray!" Malakas kong daing. Napahawak ako sa aking balakang dahil nakaramdam ako ng pagkirot sa parteng iyon. Hinimas-himas ko naman ito upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Nakakaputa! Habang patayo ako ay doon ko lang nakita ang natapong mantika sa sahig, na siyang dahilan upang madulas ako. Halos sumusok ang ilong ko sa tindi nang inis ko. f**k that stupid brat! 'Arrgghhhz! Pati ba naman mantika iinumin?' Asar kong asik sa aking isipan. Jsuko! Demonyita talaga ang babaeng iyon, ang sarap ibaon sa impyerno! Matapos kong maikalma ang sarili ay sinimula ako na ang pagliligpit. Mahirap lang dahil kailangan kong magdahan-dahan dahil baka meron na namang mantika o kahit na anong madudulas pa d’yan at matumba na naman ako. Ewan ko na lang talaga kung kailan ako matatapos dito. May role rin pala akong cleaner dito. Jusko, hindi ako na-inform! Inabot rin ako ng isang oras sa paglilinis ng kusina habang magkasalubong ang mga kilay at nakabusangot dahil sa lagkit ng sahig. Ang hirap pang walisan dahil nagsisimula na rin kasing gumapang ang mga langgam, ang sakit pa naman nang kagat nila. Naku, iipunin ko talag ang lahat nang langgam na ‘yan at sak ako ibubuhos sa mukha nang bruhang sambakol na ‘yon. Nakakainis, nanggigigil ako sa kaniya to the tenth power! Ipinagpatuloy ko pa ang paglilinis, kumakalam na rin ang tiyan ko pero hindi ko na lang iniinda dahil gola kong tapusin ang lahat ngayon gabi. Parang pangarap lang ano? May set of goals pa. Maya-maya pa ay naisipan kong tawagan si Kim pero gabi na rin naman at ayokong abalahin pa ito, nakakahiya kung paglilinisin ko pa siya dito. Napapakamot pa na lang ako sa batok habang habang tinutungo ang sala. Basag na salamin ang bumungad sa akin, pati na ‘yung family picture namin na nakapatong sa cabinet. Mga gusot at punit na kurtina, mabuti na lang at hindi sinira ‘yung TV dahil kung nasira ito ay may babayaran ako sa paimportanteng landlady na iyon. Maingat kong winalis ‘yung mga bubog at inilagay sa basurahan. Nagsuot pa ako ng gwantes at bota para lang linisin ang parteng ito, mahirap na baka masugatan pa ako. Ang dnami nang ipininsala nang Zein na ‘yon sa akin kaya ang masugatan ay kalabisan. Inalis ko ang mga kurtina at saka inilagay sa washing machine. Bumalik din naman ako kaagad sa sala at muling naglinis. Dinampot ko ‘yung family picture namin para sana iayos ito nang mapansin kong sinulatan ng ekis ang mukha namin ni Mom. Bigla ko itong nabitawan dahil kinilabutan ako sa takot ng maisip na... 'Hindi kaya, ‘yung lalaking nakaitim na jacket ang may gawa nito?' Nanginginig ko pang sabi sa aking isipan. Kinikilabutan ako sa takot nang maisip ko ang bagay na ‘yon, napapikit na lang ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay dahil delikado na rito. I thought it was Zein pero naglalaban talaga sa sa isip ko kung sino sa kanila. But somehow, sinasabi talaga ng utak ko na ang bruhang iyon ang may gawa sa lahat. Kung sino man ang nakaitim na lalaking iyon ay baka naligaw lang sa mga oras na ‘yon dati. Nagkataon lang rin siguro na nakita ko siya. Nang kumalma ang aking pakiramdam ay itinuloy ko na ulit ang aking pagliligpit. Rinig ko parin naman iyong mga chiska kong dormmate sa labas na ikinakunot ng noo ko.Isang oras na ang nakalipas pero ang tiyaga nilang tumayo d’yan at magkwentuhan. Aba! Matibay talaga ang mga chimsosa! Ialang minute pa ay natapos rin naman ako agad at napansin kong wala nang kalaman-laman itong unit ko. Ang luwang na kasi nang space at talaga namang nakakapanibago. "Mukhang uuwi na talaga ako sa bahay," malungkot ko pang sambit sa aking sarili at napabuntong hininga. Kinuha ko na ‘yung tatlong garbage bag na pinaglagyan ko ng mga gamit na nasira at nang maitapon ko na sa labas. Nang buksan ko naman ang pinto ay bumungad sa aking harapan ang dalawang pulis. 'Pati ba naman sa istorya ko mahuhuli kayo?' Inis na isip ko. "Magandang gabi po! Dito po ba yung nilooban?" Sigang tanong nang pulis na nasa harap ko. Kung makatanong, parang nag-aalinlangan pa. Napairap na lang ako ng palihim sa kanilang dalawa. "Walang maganda sa gabi ko! Obvious ba?" Pabulong kong sabi. "Ho?" Narinig’ ata ni mamang pulis. Napaayos na lag ako nang tayo at ngumiti sa kanila. "A-Ah, ang sabi ko po baka nagkamali po kayo nang napuntahan, hehe!" Sagot ko na lang sa kanila habang nauutal. Nakakainis rin sila eh. Sa mga pelikula lagi silang nahuhuli sa bakbakan. Pati ba naman dito? "Sigurado po ba kayo?" Paniniguro pa ng isa habang nakataas ang isang kilay. "Sasabihin ko po ba kung hindi totoo?" Pabalang kong sagot. Tinaasan naman ako ng kilay nang isa kaya ngumisi naman ako. Agad rin silang nagpaalam at nagbigay pa ng numero sa kanilang istasyon. Wala rin naman akong kailangan sa istasyon nila kaya isinilid ko na rin sa mga hawak kong basura. Lagi na lang mabagal ang serbisyo sa bansang ito. Pansin ko naman na nagbubulong-bulungan ang mga chiska dito at hindi na tumigil sa kakatalak pero nilagpasan ko na lang sila at hindi na rin pinansin pa. Makakadagdag pa sila sa sakit ng aking ulo. 'Mag-over heat sana ‘yang mga bibig niyo!' Sumpa ko sa kanila. Naglakad na ako at inilagay ang mga basurang hawak ko sa harapan, nandito kasi ang compospite. Napapailing na lang ako habang iniisip ang mga pangyayari ngayong araw na ito. I thought it was a good start but I didn’t turn out to be like that. Akala ko ay nasa akin ang huling halakhak ngayong araw na ito pero nakuha pa rin ni Zein ang trono. Well, hindi na ako magtataka pa dahil alam ko naman sanay iyon sa mga ganitong bagay. Pero sisiguraduhin kong huli na to para sa kaniya. 'Wala na talagang nangyaring maganda sa araw na ito!' Nanggigigil ko pang bulong sa aking isipan habang Nakakuyom ang mga kamay ko. Ang sarap suntukin sa mukha ang babaeng iyon. Sure akong nagsasaya na siya ngayon dahil sa ginawa niya. Kung gusto talaga niya nang gyera ay bibigay ko, kahit pa magka-bad record ako sa huling taon ko bilang high school. Nang mailagay ko ang mga basura ay agad na akong pumasok sa loob. Pabagsak akong umupo sa sofa at napabuga ng hangin habang nagpupunas ng pawis dahil sa pagod. Napatingin ako sa selpon ko para makita kung anong oras na at mag-aalas otso na pala ng gabi, naisipan kong kumain na lang ng oatmeal sa kusina dahil iyon lang ang meron ako sa ngayon. Patungo na ako sa kusina nang mahagip ng mga mata ko ang mga letrang nakasulat sa isang papel na nakasiksik sa sofa. "Prepare for fight soldier! Patikim pa lang ‘yan!" Pagbabasa ko sa nakasaad. So, tama nga ang hinala ko. Well, let’s have a good fight, girl. Siguraduhin mo lang na may bullet proof ka kapag pinaulanan kita ng bala at granada. Be ready, dahil dadanak ang dugo mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD