Nica’s POV
From being a cute, cheerful and smart competitive Rae, he become introvert, rude and s**t. Nagbago siya nang malaman niya ang kamatayan ng ina namin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nga bunso siya at lagi niyang nakakasama si Mom. Alam kong mahal na mahal niya ito kaya siya nagkagano’n.
Being his big sister, kailangan ko siya intindihin pero minsan hindi ko maiwasang mainis sa kaniya dahil hindi siya makapag-move on sa mga bagay na matagal ng nangyari. Hindi naman sa sinisiraan o may galit ako sa kapatid ko pero iyon ang totoo. Daddy’s girl kasi ako kaya hindi kami masyadong close ni Mom, I even tell secrets and crushes to our Dad kasi nga feeling ko mas secure ang sikreto ko sa kaniya. Tahimik kasi ang Daddy, while Mom ay katulad ni Rae at Kuya Raven na maingay.
Rae is my real meaning of the word genious before dahil kahit ilang taon man siyang natigil sa pag-aaral ay nagawa niya paring humabol in just a month sa mga kaklase niya. He even compete as a journalist national on his elementary days at consistent honor student. Always siyang tinututukan ni Mom sa academics niya katulad na lamang ng pagre-review nila tuwing gabi bago matulog at kapag nasa kusina na kami kapag umaga. He always receives gifts from our parents na siyang kinaiingitan ko noon pero bunso siya kaya naiintindihan ko.
Seven years ba rin ang nakalipas mula nang iwan kami ni Mommy pero gano’n pa rin siya. I tried to talk with him pero iniiwasan niya ang mga taong malapit sa ama namin, except for Kuya Raven at sa mga maids sa bahay. No matter how I wanted to tell him that I’m always at his side upang punan ang iniwan ng ina namin ay hindi ko magawa dahil nilalayuan niya ako. Every birthday niya, gusto ko siya surpresahin at kayapin nang mahigpit pero hindi ko magawa dahil nagkukulong lang siya sa kaniyang kwarto. But there is also one things sa buhay niya ngayon ang hindi pa niya alam dahil sa kondisyon niya. Dad told us na hayaan daw namin siya na makatuklas dito, kung anong namang rason niya ay hindi ko alam.
After naman nang vacation ay nag-transfer siya sa ibang school without our permission. Nag-away na naman sila noon ni Dad pero wala naman kaming magagawa dahil bilang psychology graduate ay mas maganda kung hayaan namin siya sa mga gusto niya. Mas lalala kasi ang kondisyon niya kapag lagging stress at malungkot pero hindi makakaligtas sa akin ang araw-araw niyang pag-iyak sa kaniyang kwarto. Then, he also decided to live all alone at sa dorm pa talaga. Wala rin kaming nagawa kung hindi ang paunlakan ang kaniyang kagustuhan.
Nang makaalis siya sa bahay ay kinausap ako ni Dad. He said na mag-resign daw ako sa kalukuyan kong trabaho sa mental institution at sundan ang kapatid ko sa school na pinasukan niya, which I agreed quickly. Nahuli lang ako nang ilang linggo bago nakapg-apply dito sa Chivarian University, bilang guidance staff nila. Nakuha rin naman ako agad dahil magkakilala ang pamilya namin.
Ang buong akala ko ay siya ang masu-surprise pagkapasok ko sa school dahil hindi niya alam na nandito ako. Ngunit mali talaga lahat nang akala dahil mas na-surprise ako sa pagbabalik niya. Yes, guys! Alam ko na wala siya kahapon kaya nag-ready talaga ako today dahil pupunta iyon dito sa office ko para kumuha ng admission slip niya. Halos malaglag ang panga ko kanina dahil parang male version siya ni Mommy nang makita ko siya pagkabukas ng pinto.
To be honest, nagkunwari lang ako kanina and I’m happy that he’s totally back with the old and better him. Gusto ko siyang yakapin kanina at paulit-ulit na halikan sa kaniyang cheeks pero piigilan ko, mas gusto ko kasing maging propesyonal kapag ganito. Indeed, dahil may tinapos akong kurso at siguro dahil na rin sa nagmana ako kay Dad.
I’m happy na maibabalik na rin namin ‘yung dati naming samahan at maaayos na rin ang pamilya namin. Alam kong magugulat rin dito si Dad kapag sinabi ko sa kaniya ito dahil matagal na niya itong pinapangarap. Matagal na niyang pinapangarap na muling mag-work ang mga paghihirap niya kahit hindi na kami kompleto.
After kong makausap ang batang iyon, I called Dad for this happening. I opened my phone at nag-dial. Ilang saglit lang naman ay sumagot na rin ito.
"Hello, Dad,”bungad ko dito. “I have something to tell you," masaya at excited ko pang dagdag.
"Yes, Nica, bakit ka napatawag? What’s it?" Sunod-sunod namang tanong niya sa kabilang linya. Mababakas sa kaniyang boses ang pagtataka.
Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Dad, he's back!" Nakangiti ko pang sabi dito sa loob ng opisina ko kahit na hindi naman niya ako nakikita. Mukhang mali ‘ata ang sinabi ko dahil mas lalo lang siyang naguluhan, baka sabihin niyang istorbo na naman ako sa busy schedule niya. Yeah, that’s it, ganiyan kaprangka ang ama namin.
"What do you mean, Nica? Just get straight to the point," naguguluhan niyang tanong. Siguro ay napipikon na siya sa akin sa mga oras na ito.
Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa kagagahan ko. God! I’m so mess.
"Dad, Rae is back! He came here into my office at kitang kita ng dating mata ko." Nando’n ang saya sa tono ko.
"Really!? But how?" Sagot naman niya mula sa kabilang linya. Rinig ko pa ang pagtunog nang upuan mula doon, siguro ay napatayo siya. Sabin a eh, mana nga ako sa kaniya, may pagka-overacting rin minsan.
Ipinaliwanag ko naman sa kaniya ang lahat, walang kulang dahil detalyado talaga ako kung magkwento ng mga bagay-bagay. Then, he said na pupuntahan niya si Rae sa dorm nito, if he has free time. After that ibinaha ko na ang tawag at ngumiti ng matamis. Para lang akong baliw ‘no?
Minutes turns hours , busy ako ngayon sa pagdo-double check ng mga forms nang makaramdam ako ng gutom kaya lumabas na ako para pumunta ng cafeteria nitong university. Ayoko pa sanang lumabas pero no choice dahil hindi ko kayang tiisin ang gutom ko. Ewan ko ba pero hindi ako sanay na nagpapalipas ng pagkain.
Dahil bago pa lamang ako dito ay wala pa akong masyadong kilala kaya mag-isa akong tumungo sa cafeteria nang school. Nang makarating naman ako doon ay wala nang masyadong estudyante dahil tapos naman na pala ang recess hours. Napagdesisyonan kong kumuha na lang ng pagkain dito at sa office na kumain.
Masaya kong dinala ‘yung tray kung saan nakalagay ang snack ko at tumungo na sa aking silid. Habang naglalakad naman ako ay binabati pa ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko lalo na ‘yung mga boys na sa tingin ko ay nasa collge na. Ngumingiti naman ako pabalik na siyang ikinamula ng mga mukha nila. Shet, haba ng hair ko, girl!
Tutulungan pa dapat nila ako pero tumanggi ako at sinabing kaya ko naman. Napatawa na lang ako habang naglalakad dahil sa mga nangyayari. Bagong henerasyon na pero ang luluma ng mga galawan nila, baka nga panahom pa ng mga lolo nila nauso iyon eh.
Nang makarating ako sa second floor kung saan makikita ang office ko ay tanaw na ang buod field hanggang gate ng school dahil medyo mataas naman na dito. Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang may narinig akong nakakuha ng attention ko. Chismosa kasi ang lola niyo.
May mga nag-uusap sa isang silid hindi ko lang masyadong naintindihan pero narinig ko ang pangalan ng kapatid ko. I feel something strange about it at hindi ko maiwasang mag-alala. Sana naman ay hindi ito magdudulot nang masama sa amin o sa kapatid ko.
'Baka naman nandito ang batang ‘yon?' Isip-isip ko pa. Susubukan ko sanang buksan ang pino pero may hawak naman ako kaya hinayaan ko na lamang.
Rae’s POV
Matapos ang pangyayaring iyon ay lumabas na rin ako, may inihahanda daw kasi ang teacher namin para sa mga kalahok na pupunta sa presconference. Media and Information Literacy pala ang subject niya kaya ang focus nito sa broadcasting. Nakakainggit lang, sana kasama rin ako d’yan. Inuna ko pa kasing umarte ng pagkatagal-tagal kaysa sumali sa bagay na mas makakahasa sa mga abilities ko.
Naisip ko ring ang lakas ng loob nang babaeng iyon na mag-walk out dahil wala pala kamig teacher. Parang malakas ‘ata ang radar niya sa mga kaganapan dito sa university ah? Hindo ko tuloy maiwasan talagang maghinala kung anong koneksyon nila ni Sir Zach.
Naisipan kong maglakad lakad sa field para mawala ang galit ko sa demonyitang iyon. Ayokong ma-stress ngayong araw na ito. Layuan nawa ako ng mga demonyong nagtatago sa apat na sulok ng eskwelahang ito. Pero eskandalosa talaga ang babaeng iyon eh, may lahi siguro siyang pirana? Bakit ba ako ang apple of the eyes niya? Ano bang meron sa akin na hindi niya makita sa iba? Kung kagandahan lang naman ay nand’yan naman si Kim at Lenjoice. Hm…inggit lang siguro iyon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang madala ako ng mga paa ko sa pool kung saan nagte-training ‘yung mga kasali sa olympic sports, lalo na, ‘yung mga swimmer. Dapat nga bawal ako dito kasi hindi naman ako athlete, hahaha... Wala naman sigurong nakakita sa akin ta saka wala naman akong napansing estudyante dito sa labas kanina.
Tinungo ko ang pool aare at nang malapitan ko ito ay napaatras ako bigla dahil sa sobrang lalim nito na aabot sa 7ft. At kung hindi pa malalamin sainyo iyon, e ‘di kayo na ang matangkad. Madulas sana kayo, char… Parang baliw pa akong napapatawa ng mag-isa habang iniisip ang mga bagay na 'Hindi man ako marunong lumangoy, atleast marunong akong malunod! Help! Help me! Help!’ HAHAHAHA!
Hinubad ko ‘yung medyas at sapatos ko at saka hinila pataas ang skinny jeans ko bago ito ilublob sa tubig. Oh sige, pasma ang aabutin ko dito.
"Yeah…" Napapa-relax ko pang sabi sabay buga ng hangin.
'Ang ganda sa pakiramdam’yung lamig ng tubig at nakakatanggal ng stress,' marahang sambit ko pa sa aking isipan.
Habang nakalublob pa rin ang paa ko sa tubig ay biglang tumunog ‘yung cellphone ko, kaya dinukot ko ito sa aking bulsa at saka ito tingnan. Kita ko naman ang mensahe ni Kim, na nagtatanong kung nasaan ako. Mabilis ko naman itong sinagot at sinabing nandito ako sa pool area. Hindi a rin naman ito nag-reply pa, na sa tingin ko ay papunta na dito sa kinaroroonan ko.
Ilang sandali pa ay sumulpot na sa gilid ko ang hingal na hingal na bulto ni Kim.
"Oh, an’yare sayo? Bakit mukhang pagod na pagod ka?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Lalapit sana ako pero itinaas niya lag ang kamay niya at sinabing okay lang siya.
"H-Ho… E-eh kung saan-saan ako nagtatakbo para lang hanapin ka! Bwiset kang bakla ka!" Hingal na sagot nito sa akin na parang aso.
Tumaas naman yung kilay ko dahil sa sinabi niya at saka ngumisi. Sinabi ko naman sa kaniya kung nasaan ako eh? At saka, may galit bas a mga bakla ang babaeng ito?
'Masubukan nga ang babaitang to,' malokong saad ko pa sa aking isipan. Inayos ko muna ang sarili ko bago isagaw ang kalokohang nasa isip ko.
"May lahi kabang aso? Kung hingalin ka kasi ibang iba." nang-aasar kong banat sa kaniya. Sure akong maiinis ito sa akin. Ipagdasal na lang natin na walang masamang mangyari sa akin.
"Sa ganda kong ito, may lahing aso?" Pagtatanggol pa nito sa kaniyang sarili sabay turo sa sarili at dalagang pilipina pose. Kabog rin ang gagang ito eh, ang saya niyang kasama. I wonder na parehas sila ng ugali Cham-Cham, ‘yung pinasan kong baboy sa Ilocos.
“Sino ba kasing nagsabi sayo na tumakbo ka? Feeling mo namang kabayo ka, na ngayon lang nakalabas sa kwadra nang very-very long" pabulong ko pang maktol dito. Sadyang malakas ang pandinig niya, mukhang narinig niya ;ata ito.
"May sinasabi ka!?" Taas kilay pa niyang tanong pero umiling-iling lang ako habang natatawa.
"Bakit may narinig ka ba?" Mataray na pagbabalik ko naman ng tanong sa kaniya. Sige, girl, ngayon na tayo mag-away para wala na akong kaibigan. Char!
"Meron!" Aba! Nag-flip pa siya nang kaniyang hair. Ang sarap kalbuhin, ‘yung sagad hanggang anit. HAHAHAHA…
Napatakip na lang ako ng bibig dahil sa mga kaartehan naming ganito. Ang saya-saya niyang kasama, hindi ko lunos akalain na may itininatagong gintong ugali rin pala siya katulad ko.
"Narinig mo naman pala tanong-tanong ka pang bruha ka!" Kunwari ang nagsusungit ako.
Bigla naman siyang lumapit sa akin at saka ako kinonyatan sa ulo. Ang sakit ah, pikon na ba siya agad? Madaali pa lang su,uko ang mga babaeng Chivaree.
"Attitude mo!" Pikon na sabi nito kaya. Napatawa na lang kaming dalawa.
Umupo naman ito sa tabi ko at tinanong kung bakit ako nandito eh, bawal daw ang hindi kasali sa swimming team. Kung saan-saan pa ako kumalkal ng ipapalusot sa kaniya at dahil sa madaling mauto ang gaga ay mabilis na naniwala.
'Pwede na akong sumali sa mga budol-budol gang!' Natatawang isip ko pa habang pabalik na kami sa room.
Pagdating namin sa classroom ay sakto namang tumunog na ‘yung bell kaya mabilis naming kinuha ang bag namin at saka lumabas na para umuwi.
'Buti na lang at wala na ‘yung bruhang iyon mula kanina, para naman matahimik naman itong araw ko,' bulong kong muli sa aking isipan.
Patungo na kami sa may gate kung saan marami nang mga estudyanteng nagta-tap nang ID nila sa scanner para macheck kung nakalabas na sila o hindi pa, na siya namang trabaho ng mga guard para mag-ikot sa buong university kapag lumabas na ang karamihan.
Pagka-tap ko ng ID ko, agad na akong lumabas ng gate at nagpaalam na kay Kim. Uwing uwi na rin kasi ako.
"Bye, girl! Ingat sa pag-uwi," pagpapaalam ko pa sa kanya at ngumiti.
"Ikaw rin, girl!" Sagot naman niya at saka kumaway.
Tumalikod naman na ako at nag-umpisa ng maglakad pauwi sa dorm na aking tinitirhan. Pansin ko naman na pinagtitingin pa rin ako ng mga kapwa kong estudyante na naglalakad, lalo na ‘yung mga nasa senior year kagaya ko pero hindi ko na lang sila pinansin pa. Nagpatuloy sa paglalakad at nagsalpak ng earphone sa akin tenga upang hindi ko marinig ang mga bulungan nilang nakakasawa na.
Inabot rin ako ng sampung minuto sa paglalakad bago makauwi. Uwian naman kaya rumampa pa ako ng bonggang bongga! Oh, ‘di ba? Pang miss universe ang rampahan na tin ngayon. Char!
Pagdating ko naman ng dorm nagulat ako nang buksan ko ang pinto...