Rae’s POV
Palubog na ang araw nang maisipan naming umuwi ni Kim. Napatingin naman ako sa aking relo at alas singko na ng hapon ang nakarehistro doon. Gusto niya sana akong ihatid pero hindi ako pumayag dahil kaya ko namang umuwing mag-isa at saka hindi rin naman na ako bata para ihatid.
Habang naglalakad ay napapangisi pa ako nang maalala ko ‘yung sinabi niya sa akin kanina. Ipapakilala raw niya ako sa isa niyang matalik na kaibigan, na lubhang nagkakagusto sa akin. Bahagya pa akong napahinto at sumeryoso dahil sa iniisip ko.
‘Loko ka talaga Kim! Sino naman ang magkakagusto sa talunang kagaya ko?’ Napapailing ko pang asik sa isip ko habang binabagtas ang daan pauwi.
'Gaga! Cute ka kaya, kung hindi ka lang naka-nerdy get up.' Bigla namang sabat ng utak kong balimbing.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarting na rin ako sa tinutuluyan kong dorm o masasabi kong tirahan dahil itinuturing ko na rin naman iyon bilang bahay. Nakaramdam naman ako ng saya dahil kahit pinili kong mag-isang tumuloy doon ay nailalabas ko naman ang sama ng loob ko sa bawat sulok niyon nang walang nakakakita.
Nandito ako ngayon sa kusina naisipan kong magbake ng cookies para naman may panghimagas ako minsan dito. Sayang rin kasi kapag hindi ko magagamit ‘yung oven e, ang mahal ng bayad sa kuryente dito. Naisipan ko ring dalhanl si Kim nito bukas para hindi na kami pumunta pa ng cafeteria upang bumili ng pagkain at makakaiwas pa ako sa gulong dala ng grupo ni Zein sa school. Sino pa ba? Bago pa ako masiraan ng bait kakaisip sa malditang iyon ay mag-umpisa na lang tayo sa pagbe-bake at nang makarami.
Kung nais niyo namang malaman kung saan ako natutong gumawa ng masarao ng cookies ay sa aking lolo at lola, na ngayon ay sumalangit na. Si Mamang at Papang ang naguro sa akin, iyon ang lagi naming bonding time dati noong nabubuhay pa sila. Dahil nga sa mahilig sila sa sweets kagaya ko ay siyang dahilan upang tumaas ang blood sugar level nila at nagkaroon ng diabetes, na siya namang sanhi ng kanilang kamatayan.
‘Huwag naman sanang matulad ako sa kanila,’ saad ko sa isip ko ng nag-aalangan.
I remember the time na tinuturuan niya akong gumawa ng dough at magmasa, which is sobrang nakaka-enjoy dahil ang lambot hawakan iyon. Meron pa ‘yung naghahalo kami noon ng mga ingredients nang akalain niyang sugar ‘yung salt kaya ayun lasang dagat ‘yong cookies na ginawa namin. Hahaha!
Napangiti pa ako ng kaunti nang maalala ko ang mga alaalang iyon. Napayuko na lamang ako ng ma-realize ko ang lahat na mag-isa lang pala ako dito sa sobrang tahimik na silid. Bago pa ako makaramdam ng lungkot ay isinindi ko ‘yung radio upang masilbing ingay ngunit mas lalo lang ‘atang lumala dahil sa kanta.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that you could go wrong along the way
May mga bagay at tao talagang hanggang sa alaala na lang dahil hindi naman permanente ang lahat sa mundong ating ginagalawan. Alam kong may dahilan ang lahat naman ng iyon at hindi ka naman nila iiwan kung ‘di mo kaya, bagkus ay magsisislbing inspirasyn mo iyon upang mas lalong maging matatag. Totoong mali ang desisyon kong magpaka-introvert sa kabila ng pagkawala ni Mommy at ngayon ay unti-unti ko ng natatanggap na wala na siya pero alam ko namang masaya na rin siya kasama ang diyos.
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try
Sabi nga nila, ‘get fail seven times but you need to stand up eight times.’ Ngingiti ako, tatayo, babangon at lalaban muli sa lahat ng pagsubok. Napagtanto kong hindi solusyon ang pagbabago upang matakasan ang problemang ating dinadala. Dapat ako maging isang puno, na sa kabila ng maraming bagyo ay naroon parin, matatag na nakatayo at lumalaban.
Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
Mahirap mang makalimot pero alam kong sa pagdaan ng mga araw simula ngayon ay isasapuso ko na sila. Wala man sila sa tabi ko ngunit dadamhin ko ang pagmamahal nila sa aking dibdib at itatanim ko ito sa aking puso magpakailanman.
When there closing all the doors.
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway
Pagpapatuloy ng kanta habang pinupunas ko naman ang mga tumulong luha sa aking mga pisngi. Napatawa ako bigla, I’m happy as well dahil nagising rin ako sa katotohanan. Minsan talaga ay napaka-ilusyonanda ko.
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.
Napangiti ako, gaano man kahirap ang buhay sa mundong ating ginagalawan ay kailangan nating gumawa ng saya sa ating mga labi. Magsisilbi itong gabay at motibasyon sa matarik na daang ating tatahakin, maniwala tayo sa ating mga sarili at doon ay makakamit natin ang lahat n gating pangarap.
‘Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song
With a smile
Sumilay muli ang isang malawak na ngiti sa aking mga labi, ngayon wala akong nararamdamang lungkot kung hindi ay nakaramdam ako ng relief dahil sa kanta. I will not promise na hindi ulit mabigo at masaktan because efforts are more than promises.
'Hindi ko na kailangan pang magtago sa dilim kung may sinag na nang liwanag ang aking mundo,' masayang sabi ko pa sa aking isip at saka tumindig na parang palaban. Nagbago ako dahil sa galit pitong taon na ang nakalipas at oras na para bumalik ang dating ako, oras na rin para makilala nila kung sino talaga ako. I wanted them to see and looked amaze at my bright and genuine side gaya nang kay Mommy dati.
Umupo ako sa may lababo habang hinihintay kong maluto ang mga gawa ko. Pagkalipas ng bente minutosa ay luto na rin ito. Kaagad kong nilabas ang mga cookies sa oven at talaga namang matatakam sa sa amoy dahil sa vanilla extract na inilagay ko kanina, na talaga namang nagpabango sa mga katakam-takam nitong itsura. Naiisip ko na tuloy kung anong masasabi ni Kim dito kapag natikman niya.
Dahil nga sa ayoko namang mapahiya sa gawa ko ay mas mabuti kong tikman ko muna ito. Dumampot ako ng isa at kinagat, then I find it good. It’s sweet taste at lasang lasa mo talaga ‘yung vanilla, sakto rin ang pagkaluto kaya over all, masarap talaga siya. I feel proud naman sa sarili ko lalong lalo na sa mga grandparents ko dahil sa magandang pamana nila sa akin. Pwede ko rin siyang gawin sa pamilya ko at pwede ring business soon.
'Sigurado akong magugustuhan mo ito Kim,' saad ko saad ko sa aking sarili habang ngumunguya.
Matapos iyo ay isa-isa ko na silang inilagay sa container box at isinilid sa ref, kumuha na rin ako ng tubig na maiinom dahil nga sa matamis ‘yung kinain ko. I needed to brush my teeth too, baka kasi masira lalo na’t alagang alaga ko ang mga ito dahil ni isa ay walang sira. Nagligpit na rin ako sa kusina, nagtagal lang talaga ako sa paghuhugas kasi gumamit ako ng mantika.
Nang matapos akong maglinis ay pumasok ako sa sala upang manood ng TV. Saktong namang iyong paborito kong k-drama ang palabas ngayon, ang 'Tale of Nokdu' kaya napaayos ako ng upo sa sofa at itinuon ang mga mata sa telebisyon. I wonder how kung bakit ba kasi ako adik na adik sa mga Korean drama, maliban na lang sa nakakakilig sila.
Habang nanonood ay ‘di ko tuloy maiwasang humagikhik dahil sa kilig scene ng palabas, napapaisip tuloy ako ng kung anu-ano.
'Sana ako na lang ‘yung babae,’ napapangiting isip ko pa. Hahaha…ang landi ko talaga, palibhasa walang love life eh.
'Inggitera!' Sabat naman ng utak ko. 'Mag-boyfriend ka na kasi…' Dagdag pa nito pero ‘di ko lang pinansin, pakialam ko d’yan.
Natapos ang palabas at may breaking news. Nagulat ako nang marinig at makita ko kung sino ang nasa balita. Si Dad, nakaisa na namang successful operation sa isang batang artista na may sakit sa puso. Hindi na ako magtataka dahil alam kong magaling siya at kayang kaya niya iyan. Hindi naman siya sisikat at kikilalanin kung hindi siya magaling ‘di ba?. Marami mang pagkukulang ang Dad ko sa akin pero hindi pa naman huli ang lahat para magkaayos kami. I want feel how he love me again, gaya nang pagmamahal sa akin ni Mom at alam ko ring doble pa doon ang ibibigay niya sa pagkakataong ito.
Malalim na rin ang gabi kailangan ko nang magpahinga dahil maaga akong gigising bukas, magse-set na lang ako ng alarm upang maagang magising. Bago matulog naisipan ko pang magshower muna dahil pinagpawisan ako kanina kaya naman tumungo na ako sa banyo para makapag-freshen up. About 15 minutes, natapos na akong mag-shower medyo natagalan pa nga ako kasi naglagay pa ako ng facial cream para naman linis kinis! Ha? Anong gamit ko? Secret! Hahaha…
Papasok na sana ako sa kwarto nang mapansin kong bukas yung bintana sa sala kaya tinungo ko ito para isara. Habang palapit ako ay may napansin akong isang lalaking naka-black hoodie jacket sa labas. Kinusot ko pa ang dalawang mata ko upang makasiguro, baka kasi namamalik-may na naman ako. Nang tingnan ko naman ulit ito ay wala na. Ilang beses ko na itong napapasin ah, una ay sa classroom tapos ay ito.
'Baka guni-guni ko lang ‘yon,' turan ko pa sa aking isipan. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili upang ‘di matakot. Mag-isa pa naman ako dito, ‘yang mga kapit bahay ko naman ay walang pakialam.
Agad ko naman itong isinara bago umakyat sa aking kwarto. Tiningnan ko muna ang oras, ‘9:15 PM’, malalim na ang gabi kaya humiga ako at ipinikit na ang aking mga mata. Bago ako tuluyang sakupin ni Sleeping Beauty at dalhin sa kaniyang kaharian ay napabulong pa ako.
"Good night."