Chapter 6

1885 Words
Rae POV It was a great blessed beautiful morning whe I woke up. The sun rise, the chirping birds and the morning bliss welcome me as I open my eyes. I looked away from the window, marami nang mga tao sa paligid. Bigla akong napabangon dahil late na akong nagising. Naalala kong nag-set ako ng alarm pero walang battery iyong alarm clock ko. 'Patay! Late na ako nito!' Napapakamot pa ako sa batok habang mabilis na bumabangon. Kaagad kong inayos ang aking pinaghigaan sabay kuha ng tuwalya at dali-daling tumakbo papasok sa banyo. 'May pa-great blessed beautiful morning ka pa ah, mala-late ka lang rin pala. Eksena ka girl?' Sabat na panggagatong pa ng haliparot kong utak. 'Che! Manahimik ka nga!' Napapailing ko pang sagot sa isip ko. Nako, kailangan kong bilisan ang pagkilos dahil mahaba ang pila sa pagkuha ng admission sa university at baka ma-absent ako sa una kong subject. “Lalalalla-lalalla-lalalla…” Napapahimig pa akong ganyan sa loob ng banyo, feel ko ‘yung lamig ng tubig eh. Pagkatapos kong maligo ay mabilis na akong nagbihis. Hindi ko na isinuot ‘yung eyeglass ko, ‘di ba nga back to normal na… Ay mali! Change is coming na pala tayo today, s***h change as it could be in the past. Ang panget, hindi ko gusto ‘yung pagninilay ko doon. Matagal na pala nag-change is coming, since 2016 pa. Hahahaha… Nagmadali na akong lumabas at hindi na rin ako kumain dahil mahuhuli na nga ako, kinuha ko na lang ‘yung cookies sa ref para may kainin kami mamaya ni Kim. Mabuti na lang at walking distance lang layo ng school sa dorm pero alangan namang rarampa pa ako kung mahuhuli na nga. I used walk and run hanggang sa makarating ako sa kalsada, kung saan marami akong makakasabay na estudyante. Nang humino ako sa pagtakbo ay rinig ko ang mga bulungan ng mga kapwa ko estudyante, pati na rin ang kanilang kakaibang tingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangisi habang naririnig ko ang mga salita nila and I feel proud also dahil sa kakaibang beauty na meron ako. "Girl! ‘Yan na ba ‘yung nerd-o na laging pinaglalaruan nila Zein? Grabe, ‘di ko siya nakilala and he look familiar na." Manghang bulong ng isang babae sa kaniya kasama. Palihim naman akong ngumiti habang patuloy pa rin sa paglalakad. My dragic change really makes them shocked. Naisip ko lang kung ano naman kayang masasabi ni Zein sa akin? Sana naman ay hindi na puro panlalait dahil hinding-hindi na ako magpapatalo sa kaniya. I will make sure na bagsak ang panga niya kapag nakita niya ako. 'Grabe to the highest level ‘yung effect ng back to normal change ko sa kanila,’ masayang sambit ko pa sa aking isipan. "Oo nga Sis, siya nga iyan. Grabe...ang pogi niya pala kapag hindi siya naka-nerdy get up! Wait, kuhanan natin.” Kinikilig na pag-chika naman nang isa sa kasama. Pansin kong may kinuha siya sa bulsa niya, ‘yung selpon niya siguro. Habang naglalakad ay napangiwi na lang ako nang mag-flash ito, na siya namang dahilan upang mapatingin ako sa gawi nila. Tumaas ang kilay ko at kita ko ang pagkahiya nila dahil doon. Nagtitili silang tumakbo palayo, gano’n rin ang mga tawanan at bulungan ng iba pang estudyante. Pagpasok ko nang university ay nakita ko kaagad si Kim, na nag-aabang sa may hallway at inililibot ang paningin, siguro ay inaabagan niya ako. Kumaway ako dito nang mapalingon siya sa gawi ko pero mukhang hindi niya ‘ata ako napansin kaya minabuti ko na lang na lapitan siya. "Good morning, Kim!" Nakangiti ko pang bati dito pero nangunot lang lang ang noo nito at mataray na tumingin sa akin. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. "Sino ka naman?” Taas kilay ni pang tanong sa akin pero hindi ako nagsalita at ngumiti lang. “Rae?!” Malakas niyang saad, siguro ay nakikilala na niya ako ngayon. Totoo nga, malaking pagbabago ang pagtanggal ko sa aking malalaking glasses at ang bagong style ng aking buhok, pati na kung pa’no ako manumit at maglakad. Pagkuwa’y binati rin naman ako nito at saka yumakap sa akin. Pansin ko naman ang mga matang nakatuon sa amin mula sa paligid. Nakakakuha na kami ng atensyon. Jusko, bakit ba kasi dito pa kami gumawa ng eksena? Napa-face palm naman ako at napaisip, 'Oh my God! Ako na talaga!'. Kini-claim ko na this time. "Girl sobrang ganda mo today! Ano ‘yan change for the better?" Pagbati at tanong nito bago sundutin ang tagiliran ko, na siya namang dahilan upang mapaigtad ako, may kiliti kasi ako sa parting iyon. "Ano ka ba? Ganito naman ako dati ‘no?" Natatawa ko namang sagot sa kanya sabay hampas rin dito para makaganti sa pangingiliti niya. "I like it ah, at saka mas maganda ka na sa akin. Nga pala girl may good news ako sa…" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang biglang tumunog ang bell. Sakto lang rin pala ang dating ko,na kung tutuosin ay maaga pa para maging late but I still need to get an admission slip dahil absent ako nitong nakaraan. "Mamaya na nga lang," inis na sambit pa nito sabay pout, nagmumukhang pato tuloy ang gaga. Yuck! Charot. Pinauna ko na si Kim sa classroom dahil kailangan ko pang pumunta sa guidance room para sa aking pagliban. Siguro ay mahuhuli lang ako saglit sa una kong klase pero okay lang dahil may excuse naman ako. Tinungo ko na rin ang daan patungo doon para matapos na ang lahat. Pagkarating ko doon ay kumatok muna ako sa pinto, rinig ko rin naman ang boses mula sa loob at binibigyan ako ng permiso upang pumasok. "Get in," rinig kong saad ng guidance councilor namin. Bahagya ko rin namang pinihit pabukas ang pinto pero laking gulat ko nang makita ko kung sino ito, dahilan upang mapanganga ako. Now I know how my fellow students get shock kapag nakakita ng kamangha-manghang pagbabago. 'Ate Nica?' Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking isipan. Napalingon ito sa gawi ko ang nakangiting bumungad sa akin bago tumayo sa kaniyang upuan. Nanatili lang naman akong nakatayo dito sa may pintuan habang hindi ko pa gaanong nabubuksan. "Yes, Mr. Welck?" Bungad pa sa aki ng Ate ko, ay este guidance counselor? 'Ito kaya yung good news ng babaeng ‘yon kanina?' Isip-isip ko pa, tinutukoy iyong biting balita ni Kim kanina. Nasa lahi talaga ng babaeng iyon ang pagka-chismosa, hindi na ako pagtatakang matabil rin ang dila ng nanay niya. Balik tayo kay Ate Nica, hindi na ako magtatakang ganito ang trabaho ng bruhang ‘to, malamang Psychology graduate siya kaya siya nandito. Kung di niyo alam, ngayon ay alam niyo na. Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Hindi kaya kahapon lang rin siya na-appoint pero bakit hindi sinabi ni Kim sa park? Ngumiti naman ako dito na ikinataka niya, pansin rin siguro niya ang pagbabago ko lalong lalo na ang itsura ko. I used to be cheerful and bright kasi dati, hindi sa pagmamayabang pero lagi akong nangunguna sa klase kahit na hindi ako mag-review. Inanyanyahan niya rin naman akong umupo. "It's nice to see the old Rae," formal na sabi nito. Ano ba ‘yan, parang di ako kapatid ah? Mana talaga siya kay Dad sa pagiging formal kapag nasa trabaho and that should be naman talaga, kami lang ‘ata ni Kuya ang mapaglaro. Instead na i-topic namin ‘yung sinabi niya ay iba ang isinagot ko. "New job?" Tanong ko dito na ikinatango niya. Bigla naman siyang nagpalit ng facial expression, mula sa formal ay nagging strict looking sabay lapit sa akin. Nagulat naman ako nang pingutin niya ang isa kong tenga, dahilan upang mapadaing ako sa sakit. "Oo, masaya akong makita ka pero ikaw na bata ka! Siguro may ginawa kang mali ‘no kaya ka nandito? Humanda ka, isusumbong kita kay Dad.” Sermon at pagbabanta niya sa akin habang dinidiinan ang pagkakahawak sa aking tenga. Oh ‘di ba? Hindi na rin ako magtatakang idol at favorite person niya ang ama namin. "A-Aray...stop it! Nandito ako para kumuha ng admission slip dahil lumiban ako sa klase kahapon. Masakit katawan ko ‘di ako nakapasok, ‘wag na nang maghinala. You can ask kuya dahil pumunta siya sa dorm ko kahapon." Napapa-aray ko namang sabi kaya binitawan na niya ang tenga ko. "Okay!" Sagot lang nito sabay kuha nang parang resibo sa table niya sabay konti sulat daw niya bago iniabot sa akin. Lalabas na sana ako nang tanungin niya ako ulit kaya napalingon ako sa kaniya. Hindi na ako magpapaalam na lumabas ‘no? Matapos niya akong saktan at pingot-pinutin. "Nag-usap na kayo ni Dad?" Muli niyang taong sa akin habang nakaupo sa mini sala dito sa kaniyang office. Umiling lang naman ako sa kaniya at saka sinabing late na ako sa una kong klase dahil sa kadaldalan niya. Niyakap niya rin naman ako bago lumbas nang office niyang parang kulungan dahil sa mga rehas-rehas sabay takbo pabalik sa classroom namin. Pagdating ko doon ay nagsimula na ang klase ni Sir Zach. Naningkit naman ang dalawang mata ko nang maalala ko ‘yung nangyari nito mga nakaraang araw. 'Anong sikreto mo, Sir Zach?' Tanong ko sa isip ko, na para siya sa aking kausap. May hindi ako magandang nararamdaman sa presensya niya. It’s like that bad genious? I don’t know. Minabuti ko na lamang katukin ang pinto upang mapansin niya ako.Maya-maya pa ay lumingon rin siya sa kinaroroonan ko. "Good morning Sir! Sorry, I'm late." Pagbati at paghingi ko pa ng paumanhin dito. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha, gayundin ang mga kaklase ko. May mga kinikilig at hinding hindi mawawala ang pagka-inngit. "I-Is that you Mr. Welck?" Paninigurong tanong pa nito sa akin, na nagtanggal pa nang kaniyang salamin. Tumango naman ako dito at saka ngumiti ng ngiting tagumpay upang makita ang aking mga braces sabay sabing, "Yes, Sir!" Nang dumako naman ang tingin ko kay Zein ay tinaasan lang ako nito ng kilay na may, 'humanda ka sa akin mamaya’ look kaya naman tinaasan ko rin siya ng kilay na nagsasabing, 'gulat ka ba?’ look. Over all, nagtagumpay na ako sa una kong alas dahil kitang kita ko ang pagkagulat at pagkamangha sa kaniya itsura, dapat lang dahil hindi pa ito ang lahat. Pinapasok na ako ni Sir Zach sabay kuha ng admission slip ko. Matapang ko namang tinungo ang aking upuan, na parang susugod ako sa laban. Malamang sindekato ‘tong mga nasa likod ko, daig pa ang aso sa kasagwaan ng mukha. Napapanganga naman ang mga kaklase ko sa pagbabago ko, na sobrang sarap sa feeling and I like it, I love it! Uupo na sana ako nang mapansin kong hinila ni Zein ang upuan ko kaya mabilis akong kumilos upang hindi mapaupo sa sahig at mapahiya. Ang clumsy ko naman kapag competitive akong magdala tapos mapapaupo lang sa matigas na sahig. 'Akala mo siguro ay maa-under-an mo pa rin ako hanggang ngayon? Pwes, nagkakamali ka!' Nanggagalaiting saad ko sa isip ko at pinandilatan siya ng mata, na ikinainis niya lalo. Hindi niya naman agad inaasahan na hihilain ko pabalik ‘yung upuan ko sabay bitaw ng mga salitang... "f**k off, b***h!" Bulong ko, na eksaktong maririnig niya lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD