Chapter 29 *** Antok na antok pa ako nang bumangon ako sa kama. 6:30 ang call time para sa breakfast para sa lahat ng estudyante ng Metro High dahil mamayang hapon ay uuwi na sila lahat pabalik ng Metropolis habang kaming magbabarkada ay nagpasya na magpaiwan rito tutal nakapagbook na rin kami ng hotel na tutuluyan namin para sa extended na stay dito sa Saubea. Kasama ang buong tropa ni Jared sa pagpapaiwan rito sa Saubea. Ganoon din si Riley at ang mga kaibigan nito. Halos patapos na ang event nang magpasiya kami ni Jared na bumalik. Nanatili pa kasi kami roon sa spot kung saan kami nanood ng fireworks at nagkwentuhan. I asked him random things kagaya ng tungkol sa pamilya niya. Akala ko nga ay hindi niya sasagutin dahil bihira ito magkwento ng tungkol sa pamilya niya. Nalaman ko na

