Chapter 28 "So okay na kayong dalawa?" tanong ni Z sa akin. I simply nodded while applying a face powder. Kasalukuyan kaming nasa loob ng bahay ni Z dahil ngayon ang punta namin sa Saubea. Naghahanda kaming dalawa dahil mamaya ay susunduin na kami ni Jared. May sariling campus bus na pinoprovide ang Metro High pagdating sa mga ganitong out of town trips pero mas ninais namin na hindi sumali sa mga estudyanteng sasakay sa nasabing bus at magcommute na lang. Hindi rin ako umuwi sa unit ko dahil nga naki-overnight ako rito kela Z. Syempre, tinawagan ko si Jared noong mga oras na ‘yon para ipaalam sa kanya na hindi ako uuwi kaya nalaman ni Z na okay na kaming dalawa. Nagkasundo rin kaming dalawa na magkikita na lang sa Saubea dahil ihahatid naman kami ni Z ng driver nila papunta roon.

