Chapter 34 Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos dahil may klase ako. Dapat ay hapon pa iyon pero hindi available ang professor ko sa hapon kaya namove iyon sa umaga tutal ay exam lang naman kami. Namumugto ang aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Nanatili ang bigat sa dibdib ko at hindi nawala iyon kahit buong gabi akong umiyak nang dahil sa kanya. I cried until I fell asleep dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay alam kong hindi rin ako makakatulog. Mukhang bumalik na rin si Jared sa unit niya dahil wala na akong narinig pa na nangungulit kagabi. Hindi ko na rin dapat siya isipin. Hindi ko na dapat siya pagtuusan ng pansin dahil tapos na ang lahat sa amin simula nang marinig ko sa kanya na isang laro lang pala ang lahat. Inayos ko ang sarili ko at nagmadali na pumunta sa campus p

