Chapter 35 Pinili ko muna umuwi ng mansion. Ayoko muna manatili sa condo dahil nandoon si Jared. After the stunt that he pulled, I realized na hindi doon natatapos iyon lalo na at hindi ko naman talaga siya pinakinggan ng maayos. Patuloy niya lang akong kukulitin at ayokong marinig ang kahit na ano pang dahilan niya. Sapat naman na iyong mga nalaman ko kaya hindi ko na kinakailangan pa marinig iyong side niya. Lalabas din naman iyong totoo. Busy ang lahat sa nalalapit na kasal nila daddy. Hindi na ako nakisali dahil hindi naman ako interesado roon. Baka imbes na tumulong ako ay mas lalo pa akong tumutol. Baka guluhin ko lang ang ginagawa nilang preparasyon para sa kasal. Most of the time, nanatili lang ako sa kuwarto. Pero dahil kailangan nila ng tulong ay minsan pinapatawag ako para

