Epilogue After 5 years... "Bestie. Ang daya mo naman eh! Kailan ka ba rito uuwi? Sabi mo dalawang taon ka lang dyan sa ibang bansa, hanggang sa naglimang taon ka na dyan!" mahabang litanya ni Z sa akin. Katawagan ko siya ngayon at nakikibalita sa akin kung uuwi na raw ba ako. Palagi naman niya iyon ginagawa sa tuwing wala akong pasok sa trabaho. Nakikibalita at kinukumbinse ako na umuwi na ng Metropolis dahil miss na miss na niya raw ako. I miss her too. I miss my family at lalo na siya kaya lang dahil sa trabaho ko ay napapadalas ang pagpunta ko sa ibang bansa. I became the CEO of my family’s company while pursuing my dream to be a popular model. Ang pagiging modelo ko ang madalas na dahilan kung bakit ako nasa ibang bansa. Meron din naman na kaya ako umalis ay dahil sa mga meetin

