Chapter 42 "Babalik po ako sa States after ng graduation." Halos magimbal ako sa sinabi ni Jared sa amin lahat. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang hinihintay ang salitang joke lang pero wala akong narinig ni isa roon. Hindi ko alam na may balak siyang mangibang bansa pagkatapos ng graduation pero eto ako at wala pa rin kaalam-alam. Kita ko sa kanyang mata ang paghingi ng tawad sa akin. Gusto ko matawa. Matagal na ba niya itong plano? Bakit hindi ko ito alam? "Baby..." Umalis ako sa hapagkainan pagkatapos ko marinig ang sinabi nito kay daddy. Agaran din niya akong sinundan. "I'm sorry..." Sorry? Sorry na naman! Kakabalikan lang namin tapos malapit na rin yung graduation! Hindi ko pa siya nakakasama ng matagal tapos aalis na naman siya. Paano kung hindi na siya bumalik?!

