Chapter 37 "It's because she's pregnant with my child Sir." Halos magpantig ang tenga ko sa sinabi niya kay daddy. Buntis? Is he kidding me? Paano ako mabubuntis? May nangyari lang sa aming dalawa ng isang beses pero hindi ako buntis! "W-What the hell are you saying?” gulat na sabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Jared ngayon. Is he trying to make up stories para magawa akong ipakasal sa kanya ni daddy? Para wala siyang choice at wala na akong kawala? Talaga bang nababaliw na ba siya? Nasiraan na ba siya ng bait at nabagok ang ulo kaya ganoon ang dahilan niya? "Daddy. Huwag ka makinig sa kanya! He's only making up stories para magkaayos kami!" sigaw ko sa kanya. Nababaliw na ba ata talaga siya para makuhang kumbinsihin si daddy na magpakasal

