Chapter 38 "You got an offer?" tanong ni daddy sa akin. Tumango ako sa kanya. "Yes Dad. Gusto ko ituloy iyong pagmomodelo ko. Sayang naman kung hindi ko itutuloy,” mahabang paliwanag ko sa kanya. Tahimik kaming kumakain rito sa hapagkainan kasama si Jared. “I thought you want to handle the company? Mas maganda kung matututo ka ng maaga. Tumatanda na rin ako.” Pinagmasdan ko ang mama ni Honey. Mukhang naalarma sa sinabi ni daddy subalit hindi ito nagsalita. “I think I can do both Dad. At isa pa, hilig ko talaga ang pagmomodelo,” sagot ko sa kanya. I got an offer from famous clothing brand na pretty girls ang pangalan. Gusto nila ako maging model for their brand. At sino ba ako para tumanggi? Tumingin si daddy kay Jared. "Ano ang masasabi mo hijo? Kailangan ay alam mo ang ginagaw

