Chapter 39 "Where are we going?" Pangatlong beses ko na ito itinanong sa kanya pero hindi pa rin nito sinasagot ang tanong ko. Basta na lang ako hinila nito pagkatapos ng nangyari kanina. Buong akala ko nga ay ihahatid na niya ako pauwi pero imbes na ihatid sa mansion ay nag-iba pa kami ng daan. "Hindi ba tayo hahanapin nila Daddy?" tanong ko sa kanya. Pinanood ko siyang imaneobra ang sasakyan. The veins on his arms are showing that made him look sexier. "He already knew about this..." Tinignan ko siya na hindi makapaniwala. Alam ‘to ni daddy at pumayag siya? Masyado na niya atang pinapaboran si Jared na kahit anong gusto niya ay pumapayag na lamang ito. Napapaisip na tuloy ako kung sino ba talaga ang anak niya sa aming dalawa. Hindi na lamang ako nagsalita dahil alam ko na wala

