Chapter XVIIII

2544 Words
Ashanti's P.O.V "Anica help her, kami na ang bahala dito," bulong ko kay Anica. Agad naman kumunot ang noo niya at napairap. "My mission is to protect you, hindi ang protektahan siya," sagot nito sa akin. "Jayvee will protect me, promise susunod kami ni Jayvee doon, we just need to finished this and help others here. Kailangan namin silang mailayo para hindi na sila makapinsala pa rito," sagot ko at napatango naman sila. "May malapit na gubat dito..." "Yes, yes I know. Thanks mag i-ingat kayo," pagpapa-alam ko at malakas na sinipa ang kalaban na nasa harapan ko. Hindi ko na nakita pa ang pag alis nila dahil natuon na ang atensyon ko sa mga kalaban agad ko namang naramdaman ang paglapit ni Jayvee sa akin at ang pagtama nito sa likod ko. "Aray naman," daing ko kahit hindi naman ako nasaktan. "Nasaktan ka ba talaga?" nakangising tanong nito. Napairap ako at hinawakan siya sa braso bago umikot upang sipain ang kawal na aatake sakanya. "Nope," sagot ko at binitawan ang braso nito. "Hindi sila mau-ubos kaya kailangan na natin silang madala sa gubat," suggest ni Jayvee. I agreed kaya naman napatango ako sa sinabi nito. "Let's run," sambit ko. "What?" "Takbo, Eknerin," sambit ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at hinigit na siya upang sabay kaming makatakbo papunta sa malapit na gubat na sinasabi ni Anica. We tried to run as fast as we could hanggang sa madala nga namin sila sa gubat. Hindi na naging mahirap pa iyon dahil ang goal nila ang makuha at mapatay kami kaya talagang susundan nila kami kung saan kami mapadpad. "Where is the King? The Queen?" tanong ko kay Jayvee. Hindi ito sumagot sa halip ay ikinulong ako nito sa isang maliwanag na kahon. THE HECK?! Gusto niyang siya ang tumapos sa lahat ng kawal na naririto? "Mabilis lang 'to." Nakita ko ang pag angat niya sa lupa at ang pagliwanag ni Jayvee. Hindi naman ako nasilaw sa liwanag nito gawa narin na nasa loob ako ng isang puti na box kung saan nakikita ko parin naman siya. It looks like a transparent one. The speed lights came towards to them naging laser ang mga ito kaya naman ng tumama ito sa mga kawal ay talaga namang nabutas ang katawan nila sa lakas ng impact nito. It was a unique move though. Minsan ko lang makita si Jayvee na ganito ka brutal. Kaya naman hindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko siya. Tell me that I'm weird but I like war. Mariin ko lamang na pinagamasdan si Jayvee habang naglalabas ito ng malakas na enerhiya mula sa katawan nito. Hindi rin naman magtatagal ang enerhiyang ito sa katawan niya dahil maging siya alam niya na hindi pa siya mahusay sa pag gamit sa mahika. Ngunit kung pagbabasehan kaming dalawa ay mas bihasa ito kaysa sa akin. Natural, mas nauna itong namulat kung pa-paano gumamit ng mahika. "Jayvee! Release me! Hayaan mong tulungan kita!" sambit ko using our mind link. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap at panoorin na lamang siya sa ginagawa. Iyan naman ang gusto niya hindi ba? Ever since Jayvee only listen to his self. Kapag gusto niya gusto niya. Napatakip ako sa aking mata ng magpakawala si Jayvee ng isang nakakasilaw na liwanag. Narinig ko pa ang malakas na pag daing ng mga kawal at ang malakas na pagtama nila sa nga puno. Agad akong napahawak sa ulo ko ng may maramdamang kakaiba. "Tumakas ka na! Umalis ka na!" "No! Ayoko tutulungan kita mom, just wait here--" "Please... Listen to me. This-- This person will help you. Tutulungan ka niya. Wait for him he'll come and help you..." "Ashanti? Anong nangyayari sa'yo?" tanong niya at tinulungan akong makatayo agad naman akong napakapit sa kanya at hinila ang kamay nito. "We need to see Ken. We need to." sambit ko at napakunot naman ang noo niya. "Nasa academy si Ken, why do you need to see him? Kailangan pa nating puntahan si Lethianne hindi ba?" sambit nito. I nodded. "Yeah I know. But-- But someone needs his help. Hindi ko ito pwedenh baliwalain Jayvee. Hindi ko pwedeng baliwalain ang nakita ko kanina lamang." sambit ko. "I understand. Let's go," sambit niya at agad kaming nagteleport sa academy. Agad kong naramdaman ang pagyakap sa akin ni Jayvee upang protektahan ako sa malakas na enerhiyang papalapit sa akin. "Ayos ka lang?" sambit nito at tumango ako bago humiwalay sa pagkakayakap niya. Halos manlumo ang mga mata ko ng makita ang kalagayan ngayon ng academya na hinahangaan ko noon. No! Binabawi ko na ang sinabi ko! I hate wars! Sinabi ko lang naman iyon ngunit kabaligtaran naman iyon sa gusto ng puso ko. Who the heck will loved wars? "Snap of it Ashanti. Kailangan natin silang labanan," sambit ni Jayvee kaya naman nawala ang malalim kong pag i-isip at naglabas ng sandata. Agad akong umiwas sa papalapit na kawal sa akin. Hindi ko maunawaan kung anong nangyayari kung bakit nagkakaroon ng matinding laban sa mundong ito. Wala ring makapagpaliwanag ng sitwasyon namin ngayon ngunit sana ma-ayos at maituwid na kung ano man ang pinag mulan nito. "Jayvee kailangan ko ng mahanap si Ken! I'll go ang find him!" sigaw ko sakanya. Nilingon niya ako ng matapos niya saksakin ang isang kawal. "Mag-iingat ka, susundan kita," sambit nito. Napatango ako bago pumasok sa loob ng academy. Agad akong na alerto ng may papalapit sa akin agad ko naman silang nilabanan at natapos ko rin naman sila ng mabilis. Inilibot ko ang paningin sa madugong academy na hindi ko na mamukaan pa. Punong puno ito ng dugo at mga bangkay na wala ng buhay. Mga ulo, paa na nakasabit. Lumapit ako sa isang bangkay at hinawakaan ito. Agad kong nakita ang karumaldumal na pagkamatay nito kaya naman agad ko itong binitawan. Hindi ko maiwasang maluha. Bakit ito nangyayari? "I need to find Ken." usal ko at nag-umpisa ng tumakbo at hanapin siya ngunit may mga sumalubong na naman sa aking matatalim na espada. Sa totoo lang ay napapagod na ako. Nakakaramdam na ako ng panghihina. Pananakit ng katawan. Kailan ba kasi matatapos ito? Agad akong napayuko ng maglabas ng kapangyarihan ang nasa harapan ko ngayon. Agad napakunot ang noo ko ng makitang pamilyar ito sa akin. Sa'n ko siya nakita? I think I saw her. Agad akong umiwas ng maglabas ito ng kapangyarihan na tumama sa pader dahil naiwasan ko ito. She waved her sword at mabilis na umikot upang makalapit sa akin at ang nagawa ko lamang ay umiwas. I'm really bother to think if I know her. O kung saan ko ba talaga siya nakita. "Why won't you fight me?!" naiiritang sambit nito sa akin. Her voice was familiar too. I saw her. It was really confirm na nakita ko na nga siya hindi ko lang alam kung saan. Kailangan kong maalala! "Fvck!" I cursed out ng maramdaman ko ang kutsilyo nito na humiwa sa braso ko. Agad akong napahawak sa braso kong nasugatan niya. Dahil sa pag iisip ko ng Identity niya nasugatan pa tuloy ako! Ashanti naman! Get back to your senses. "Wh--who are you?" biglang tanong nito. I smirked at lumapit sa kanya bitbit ang sandata ko. Agad namn itong umiwas at naka iwas din naman ako kaagad sa ginawa niyang pag atake sa akin. "Wait! Just tell me who are you?" sigaw niya. Anong pakulo ng isang 'to? Kanina lamang ay kating kati siya na mapatay ako tas ngayon gusto niya na mag getting to know each other kami? Is she out of her mind? "Why? Gusto mo bang malaman ang pangalan ng taong papatay sa'yo?" sagot ko sa kanya hindi nag bago ang expression nito. "Kailangan mong sumama sa amin! Matagal ka na naming hinahanap. You are Ashanti Blood right?" sambit nito na nagpahinto sa akin sa pag ngisi. "How did you know my name?" sambit ko at pinilit pa rin ang sarili na maging alerto. Baka mamaya pakulo niya lang ito at bigla niya akong atakihin diba? But at first how did she know my name? "Ashanti!" sigaw ni Jayvee at halos takbuhin ko siya ng makitang sasaksakin niya ang babaeng kausap ko ngunit huli na ang lahat. Nasaksak na ito ni Jayvee. "Ashanti are you--" Hindi ko siya pinansin at tumakbo sa babae na ngayon ay nag a-agaw buhay na. "Tell me the full details! How did you know me?" tanong ko sa babae. Nakita ko ang pag suka nito ng dugo, hinawakan ko ito sa kamay ng maramdaman ko ang paghawak ni Jayvee sa balikat ko kaya naman agad kong inalia iyon. "Jayvee naman!" sambit ko at muling tumingin sa babae na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Can you please talk?" tanong ko sa babae. "We-- we need you... Princess-- Lyrianne needs...yo--" "Hey! Continue! Wag ka munang mamatay I need the full details! Ano ba!" sambit ko at pilit ibinubukas ang mata nito. "Ashanti, patay na--" "Bakit mo naman kasi pinatay? Hayst!" saad ko at tumayo. "I'm sorry--" "Let's find Ken," sambit ko at hinawakan ito sa braso bago kami tumakbo kung saan upang mahanap lang si Ken. We can't use our mind link to communicate them dahil nanghihina na rin kami. We use too much power. If we are going to ise our mind link it will be less in our strength. Habang hinahanap namin si Ken ay hindi parin maiwasan na may makasalubong kaming kawal mula sa ibang kaharian na kumakalaban sa amin. We did fight them to protect ourselve. Hindi ko man lubusang maunawaan kung anong nangyayari pero ang alam ko lang lahat ng ito ay konektado. As the girl said earlier. Princess Lyrianne needed me? How? Hindi ba at patay na ito? But Chime said to me na hindi ito naniniwalang patay na ang prinsesa. Tama kaya ang hinala niya? Should I tell this to Chime? "Ah!" malakas na sigaw ko ng masugatan ako sa binti agad naman akong tumalon at sinaksak ang gumawa sa akin no'n ngunit agad rin akong bumagsak sa lupa dahil sa sakit ng paghiwa nito sa binti ko. Naramdaman ko ang nakakasilaw na liwanag na tumama sa kawal na papalapit sa akin na nasisiguro kong galing sa kapangyarihan ni Jayvee. Jayvee help me to stand up. "Thank you," pagpapasalamat ko sakanya. "Ken is in the room 402, go there." sambit ni Jayvee agad namang nanlaki ang mga mata ko. "Did you use your mind link to track him?!" galit na sigaw ko sakanya ngunit hindi parin nakatakas sa boses ko ang pag- aalala. "Sige na, punatahan mo na si Ken. You need to tell him what you saw," sambit nito na agad kong inilingan. "No we go together--" "We can't go together Ashanti. Sa dami nila ngayon dito mahihirapan tayong makapunta doon, kailangan mo munang mauna habang pinipigilan ko sila na makalapit sa'yo Ashanti." Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka tumango. Kahit masakit ang binti ko ay pinilit kong tumayo, sinubukan kong gamitin ang teleportation power ko ngunit hindi na ito gumana pa kaya no choice ako ngayon kundi ang tumakbo. While running Jayvee was protecting me. Hindi ko na nagawa pang lingonin si Jayvee at nanalangin na lamang na sana maging ayos siya at ayos rin akong makapunta sa 4th floor. Agad akong gumamit ng hagdan dahil hindi na gumagana pa ang mga elevator. Nakita ko ang nagkalat na bangkay sa paligid. Hindi ko maiwasang manghina dahil sa nakikita. Marami na ang namatay. Marami na ang nawalan ng mahal sa buhay. Ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa amin. Muli akong nakarating sa ikalawang palapag ng may sumalubong sa aking kawal at agad ko itong ginamitan ng kapangyarihan. Napahawak ako sa binti at braso ko ng maramdamang humapdi iyon kaya naman ginamit ko ang kapangyarihan ko upang malinis ang sugat ko. Muli akong nakarating sa third floor at gaya sa second floor ay may mga kawal na muling umatake sa akin. Bakit hindi sila nauubos? Saan ba nangagaling ang mga ito? Ano ba talaga ang pinagmulan? Kating kati na akong malaman. Pero hindi ko alam kung sino ba talaga ang nakaka alam ng totoong nagaganap dito. How about the Class Z+? Did they know about this? Matapos kong kalabanin ang mga kawal na hindi maubos ubos kung saang mundo ba sila nangaling ay muli akong naka akyat sa third floor. But unexpectedly, the third floor waa very silent. Wala man lang sandatang sumalubong sa akin. Tanging mga bangkay lamang at mapulang sahig ang bumungad sa akin. I didn't let my guard down. Baka mamaya bigla silang magsulputan at nagtatago lamang kung saan diba? Ngunit nakapunta na ako sa 4th floor na walang kawal na umatake sa akin kaya naman agad akong tumakbo sa room 402 at kumatok ng malakas. "Hey! This is Ashanti. Let me in," sambit ko at agad namang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin si Ken. Ken look at me with his tired eyes. Agad naman itong nag bigay ng space sa akin upang makapasok ako sa loob at nakita ko si Prince Daniel na nababalutan ng dugo, mga tumalsik na dugo sa kanya to be clarified. I looked at Alyza when I saw how critical her condition is, maging si Lucianna ay ganoon rin. "Where's Jayvee?" tanong ni Sheherazade sa akin. "She stayed in ground floor," sambit ko. Tumingin ako kay Ken. "Ken I need to tell you something," sambit ko at lumapit sa kanya. " I don't know how it works but did you dreamed something or saw a place? If yes go there now. Someone needs your help, kailangan mo siyang tulungan," sunod sunod na sambit ko sakanya. He just nodded. Nakakapanibago. Pero hindi na ako nag reklamo pa. "Where is that place? We need to stay alive," sambit ni Lucianna na nanghihina. "Did you see that in your vision?" tanong sa akin ni Prince Daniel at tumango naman ako. "If that's the case then go, Ken." Ken looked at me and I smiled to him. The vision of a girl that I saw in you last time will be right. Magkikita kayo. Hindi ko alam ang mangyayari sa pagkikita niyo pero malaki ang magiging misyon ng babaeng iyon dito sa mundo namin. I feel it. "Ashanti, let's help Ken to go in the place he destined to be, and let help other alchemyst outside," napatango ako kaagad sa sinambit ni Prince Daniel at tumingin ito kanila Sheherazade. "After treating them, follow us." "Yeah. We will," napairap si Sheherazade ng sumagot ito kay Prince Daniel. "Let's go," sambit ko at nag umpisa na kaming lumabas. "Go now Ken," sambit ni Prince Daniel. Ken nodded bago ito nawala sa paningin ko. Nakaya pa niya mag teleport?! "Hold my shirt," aniya at napatingin naman ako sa damit nito at saka tumingin sa kanya. "Huwag na tayong mag teleport, we can't loose energy--" hindi niya na pinatapos pa ang sasabihin ko at hinigit na niya ako at nakapag teleport na kami sa ground floor. "Focus," sambit nito kaya naman nag concentrate na lang din ako sa pakikipag laban sa mga kawal ng mamataan ko si Prince Kyle na nakikipaglaban at tinutulungan ang mga batang alchemyst. He's Handsome and cool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD