Sheherazade's P.O.V
Nanatili ang titig ko ng makalabas sila Ashanti, Ken at Daniel sa kwarto. I've been thinking this for the whole time. But I think it all makes sense to me.
"Kaya niyo na ba?" tanong ko kay Lucianna at Alyza.
"Yeah, we think we're okay," sagot ni Lucianna.
"If okay naman na kayo, let's help them," sambit ko at tumango naman sila bago tumayo at sabay sabay kaming lumabas. As we get outside, the silence was bothering me. Mukhang madaling nakalabas sila Jayvee dahil wala naman palang kalaban sa floor na ito. Maybe lahat nasa underground?
"Zade!" agad kong naramdaman ang paghila sa akin ni Kyle kaya naman agad ko ring naramdaman ang pagtumba namin sa semento.
Agad akong lumingon sa kalaban at sinunog ito gamit ng kapangyarihan ko. Agad namang lumayo sa akin si Kyle at inilahad ang kamay nito sa akin na agad ko namang tinangihan.
"Thanks," maiksing pagpapasalamat ko at nagumpisa na kaming bumaba hanggang sa makarating kami sa ground floor.
Naging mahirap din ang pagbaba namin sa ground floor 'cause were encountered enemies everywhere.
Honestly we are all tired. My powers becoming weak also.
"Pagod na talaga ako! Tangina kelan ba sila mauubos?" inis na sigaw ni Alyza. Napangisi ako. She's the weakest among us.
"Learn to upgrade your stability and stamina." sagot sa kanya ni Lucianna.
"Nahiya naman ako sa'yo cianna! Matalino ka lang pero mahina ka rin sa pakikipag laban!" bulyaw sa kanya ni Alyza.
"Yeah atleast I have brain. Ikaw? Anong meron ka?" sagot ni Lucianna. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa sagot ni Lucianna. It was a good answer. Savage.
Napahinto kami ng makarinig ng malakas na pagsabog.
"Shera Academy?!" malakas na sambit ko agad namang lumapit sa akin si Lucianna Alyza at Kyle.
"Yeah. they are," sagot ni Lucianna. What are they doing? Ganoon ba nila ka hate ang Crestview para umanib sila ng ganito sa mga kawal mula sa Ardelaine.
"I'm sorry, umabot pa ang lahat sa ganitong paraan. I can't pursuade my father, mukhang may malalim pang dahilan kung bakit ganito ang ginagawa niya," sambit ni Kyle. Kyle is a silent type of a person. But once he talks. We really listen to him. He is just an observant. But I think he really can't understand also what's happening.
"We are here to help," sambit ng isang lalaki mula sa Shera Academy na ikinangisi ko.
"Oh? Help? Talaga lang ha? Anong kapalit niyan?"
"Sheherazade stop," pagpigil sa akin ni Alyza. Tumingin ako sa kanya at napataas ang kilay.
"Why? Nagtitiwala na kayo agad sa Shera?" inis na tanong ko sakanya.
"Wala na tayong panahon para mag talo pa, kailangan niyong umalis dito at magtago," sambit ng isang babae.
"Magtago? Why?" tanong naman ni Alyza. Napatingin ako kay Lucianna ng makitang nakatitig siya ng mariin sa isang babae na tila may sinasabi ito sa sakanya.
Hindi agad nakasagot ang babae dahil may umatake mula sa likuran nito. I looked at the side and punch the guy who want's to attack me.
"Crinofleia! Magkita-kita tayo doon!" sigaw ng babae. Agad akong lumapit kay Lucianna.
"Do you know them?" tanong ko sakanya.
"They said something to me. I don't know if I will believe them but half of me saying yes," sagot niya sa akin. I breath out at hinila si Lucianna at umikot para sipain ang mga kalabang papalapit sa amin.
"Malakas din ang kutob ko na alam nila ang nangyayari ngayon!" sigaw ni Alyza.
"If that's the case! Let's tell this to Daniel!" malakas na sigaw ko dahil mas nanaig ang lakas na pagsabog mula sa hindi kalayuan sa amin.
"Let's find him first! Kasama niya si Ashanti diba?" Alyza asked.
"Yeah!" malakas na sigaw ni Lucianna at saktong sinipa niya ang taong nasa harapan niya. I smirked and played with my powers. Pinaikot ko ang apoy sa aking palad at gumawa ng maliliit na apoy at inihagis ang mga apoy na iyon sa kalaban na papalapit sa akin.
"I saw them!" I gladly said ng makita ko si Daniel at Ashanti agad aking nagteleport upang mabilis na makalapit sa kanila at naitutok pa sa akin ni Daniel ang kanyang espada.
"Chill it's just me," I said.
"Jayvee is missing, nakita mo ba siya?" tanong ni Ashanti.
"Diba kasama niyo bakit sa akin mo hahanapin?" iritang sagot ko. Mukha ba akong hanapan? Umiwas siya ng tingin at nag aalalang tumingin sa paligid. Napansin ko rin ang pag atras ng ibang kawal. What the heck is happenig? Hindi naman sa hindi ko gustong matapos ang laban na ito pero bakit sila umaatras ngayon?
"Umaatras sila!" sigaw ni Lucianna.
Alam namin.
"Crestian pay attention!" nakarinig kami ng salita mula sa mga speaker na nakapalibot sa buong academy. It was ma'am siorsogo's voice.
"Go to the gymnasium are now, for the announcement." dugtong pa niya.
Woah.
Ano 'to?
Naglaro lang kami?
Wow.
"4."
Agad akong napatingin kay Lucianna ng marinig namin ang pagsasalita ni Daniel through our mind links. I smirked. 4 is our code if it is emergency. We have a secret place that Class Z+ and Jade A+ known.
Sa abot ng makakaya naman ay napadesisyun naming magteleport kaagad sa lugar na tinutukoy ko kanina lamang. Pagkarating sa lugar na iyon ay agad akong napaluhod dahil naramdaman ko ang matinding panghihina ng katawan ko.
THIRD PERSON'S P.O.V
AGAD naalerto ang lahat ng makita nila ang pagbagsak ni Sheherazade maging si Alyza at Lucianna ay nanghihinang napahawak sa kanilang mga puso na tila nahihirapang huminga. Isa ito sa mga sanhi kapag na sobrahan sa pag gamit ng kanilang kapangyarihan. Makakaramdam sila ng matinding sakita at panghihina.
Maging si Ashanti na hawak hawak ni Daniel ay hindi rin kinaya ang panghihina at nawalan ng malay tanging si Daniel at Justin lamang ang nanatiling gising ngunit bakas rin sa kanilang katawan at kanilang nga mata ang matinding panghihina.
Lumabas ang isang matanda. Ang matandang nagbabantay ng kanilang mahiwagang lugar na tanging sila lamang ang nakaka-alam.
"Veran inorika inveno!" (Anong nangyari sainyo?).
Agad nagmadali ang matandang babae sa paglapit sa kanila bakas sa mata nito ang matinding pag-aalala.
"Vince iskoredo dyeto!" (Vince tulungan mo ako dito!)
Lumabas ang isang lalaki ang apo ng matandang kalalabas lamang kanina. Agad lumapit ang apo nito at inunang buhatin si Sheherazade dinala niya ito sa loob at ganoon rin ang ginawa niya sa iba.
Napatingin ang lalaking apo ng matanda kay Ashanti dahil ngayon lamang niya ito nakita.
"Mavaneso byvvegorino siya memborivo," (Maaring bagong miyembro nila iyan.) sagot ng matanda sa nagtatakang mga mata ng kanyang apo. Tumango ang lalaki at dahan dahang dinala si Ashanti sa loob. Nagmadali ang matandang kunin ang mga gamot na maari niyang igamot sa mga prinsipe at prinsesa maging ang gamot sa kanilang mga sugat ay kinuha nito.
Hinawakan ng lalaki ang babaeng si Ashanti pinilit nitong tignan ang kanyang nakaraan ngunit hindi niya ito makita, binitawan niya si Ashanti dahil naramdaman nito ang kakaibang enerhiya dito na nagpahina sakanya.
"Veronivodia vevevan dedian siya," (Kakaibang babae ito).
Usal ng kanyang apo tumango ang matanda sa iwinka niya dahil maging siya ay naramdaman niya ang kakaiba sa babae na naramdaman niya rin sa mga prinsipe at prinsesa na hindi pa niya naramdaman sa mga ibang namuno sa kanila noon. Maging ang special na babae mula sa mundo ng mga tao ay hindi niya rin naramdaman na may kakaiba sa kanya kapag nakikita o nahahawakan ito.
Ilang oras pa ang lumipas at nagkaroon narin ng malay ang mga prinsipe at prinsesa kapwa sila napatitig sa isa't isa ng tahimik ng magsalita si Ashanti.
"Kailangan nating hanapin si Jayvee." usal nito napatingin sa kanya si Sheherazade maging ang iba maliban lamang kay Daniel.
"Jayvee knows this place, makakapunta 'yun dito." sagot ni Sheherazade.
"Paano pa siya makakapunta rito kung may masama ng nangyari sa kanya? If he recieved the message edi sana kanina pa siya--"
"We are going to find him, for now let's tackled something and know something." sagot ni Daniel sa kanya. Daniel stood up at saktong bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang babaeng matanda at ang apo nitong lalaki.
Agad yumuko ang matanda maging ang apo nito sa kanila ngumiti ang mga prinsesa at prinsepe.
"Marvena geska ske," (Mabuti at gising na kayo).
"Avelos Akresyo," bati ng mga prinsipe at prinsesa maging si Ashanti ay bumati rin sa kanila at tumungo.
"Marvena isdo erko umprena esto metein." (Mabuti at nandito na kayo upang maumpisahan nanatin ang pagpupulong.
Sumunod ang mga prinsipe at prinsesa sa matandang babae saglit pang napasilip si Ashanti sa labas at nagbabakasakaling naroon na si Jayvee ngunit nabigo ito. Palihim namang napatingin sakanya ang apo ng matanda hindi niya maiwasang mamangha sa ganda nito lalo pa at ngayon lamang niya ito nakita.
Nakarating sila sa isang malaking bilugang lamesa na nababalot ng hiwaga ito ay ang mahiwagang secregadian kung saan makikita mo ang nga nakaraan at mangyayari sa kasalukuyan depende sa panahon at oras.
Hindi maiwasang mamangha ni Ashanti lalo at bago pa lamang sa kanya ang lugar na ito. Kahit makaluma na ang itsura ng lamesang iyon ay naroon parin ang itsurang nakakamangha nito.
"Henua pagsivernisio?" (Ano ang dapat pag usapan?) tanong ni Lucianna sa matanda pagkatapos nilang maupo sa mga upuan na naroon katabi ng mahiwang lamesa o ang secregadian.
"Movure disieto?" (Bakit ka nandito?) tanong ng matanda habang nakatitig ng mariin kay Ashanti. Nagtatakang napakunot ang noo ni Ashanti sa sinabi ng matanda. Hindi ba siya dapat naroon?
"Movure?" tanong ni Ashanti. Lumapit ang matanda sa kanya at hinawakan ang kamay nito sinubukan niyang tignan ang nakaraan ni Ashanti ngunit kagaya ng kanyang apo ay hindi niya rin ito makita at mas lalo lamang nanghina ang matanda.
Agad naman nahawakan ni Kyle ang matanda at ipinaupo sa isang upuan.
Hindi maunawaan ni Ashanti ngunit nakita niya sa matanda ang isang pangyayari na alam niyang magyayari pa lamang sa kasalukuyan. kamatayan.
Alzea's P.O.V
"Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit niyo ito ginagawa?!" sigaw ni Lethianne sa akin. Lumapit ako sakanya habang pilit parin siyang kumakawala.
"Huwag mo ng tangkaing maka alis dito, gusto lang namin malaman kung nasaan ang kapatid ko Lethianne na matagal niyo ng itinatago sa amin!" sigaw ko sakanya.
"Hindi ko nga alam yang pinagsasabi mo! Itigil mo na 'to!" sambit muli ni Lethianne. Umiwas ako ng tingin sa kanya. I was young back then but I know everything. I'm not dumb.
Flashbacks
"Umalis na kayo dito!" sigaw ni ama sa aming dalawa ni Ina habang naririnig ko ang malalakas na pagsabog. Umiling ako at pinilit i-abot ang kamay sakanya.
"Kailangan niyong mabuhay, kailangan niyong mahanap ang kapatid mo Alzea." sambit ni ama at tumingin kay ina habang umiiyak. Muli kaming nakaring ng malakas na pag-sabog, nakita ko ang paglabas ng hari ng Ardelaine. Agas akong napatingin sa kanya at lumapit.
"Tulungan niyo po kami. Tulungan niyo po si ama." pakiusap ko sakanya habang hindi maiwasang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Lumuhod ito upang mas magtama ang mga mata naming dalawa.
"Your dad did this." sagot nito sa akin na mas lalo kong ipinagtaka. Hindi na importante kung sino o saan nagsimula. Buhay ni ama ang nakasalalay rito. Hindi niya ba maaring tulungan ito?
"Kailangan ni ama ng tulong--"
"Hindi!!"
Agad akong napatingin sa kinaroroonan ni ama at ni ina tuluyan ng nahulog si ama. Nawalan ng kapangyarihan si ama dahil sa kasalanan nito maging si ina ay tinaggalan rin nila ng kapangyariham tanging ako lamang ang hindi pa tinatanggalan dahil hindi pa naman lumalabas ang aking kakayahan.
"Ama!" agad akong lumapit kay ina at hinawakan naman ako kaagad ni ina ng tangkain kong tumalon doon.
"Ina! Si-si ama..." tumango si ina at niyakap ako.
Napatingin ako sa hari ng Ardelaine. Maging ang ibang hari mula sa iba't ibang kaharian ay naroon rin.
Wala man lang silang ginawa. Wala man lang silang inintindi. Hindi muna nila inunawa si ama. Masyado silang mapanghusga. Masyado nila kaming minaliit.
MATALIK na magkaibigan noon ang Ardelaine at ang Steelfire. Masaya naman kaming namumuhay, mapayapa dahil narin sa tulong ng prinsesa mula sa mundo ng mga tao. Kung hindi ito dumating sa mundo namin ay hindi namin mararanasan ang kapayapaan. Dahil sakanya at dahil rin sa mga hari at prinsesa mula sa ibang kaharian ay nagtagumpay sila na maging maayos ang mundong kinabibilangan namin ngayon.
Nagsimula ang lahat sa babaeng inalagaan ng prinsesa. Hindi nila matukoy kung saan ito nagmula ngunit inalaagan parin ito ng prinsesa hanggang sa ika pitong kaarawan nila ay nalaman nilang may kakayahan ito sa itim na mahika.
Nabahala ang marami. Nabahala rin ang prinsesa ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya sa bata. Mabuti rin ang ginawang pagpapalaki sakanya ng prinsesa ngunit sadyang ang kapangyarihan niya ay konektado pa sa mga kasamahan niyang may itim na mahika at doon muling sumiklab ang gulo dito sa mundong kinabibilangan namin.
Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan ng mga nasa kabilang panig kung bakit gustong gusto nilang pabagsakin ang prinsesa hindi na mahalaga pa sa akin iyon.
Kinausap ng Lightannia ang aking ama na magpupulong sila kung ano ang gagawin sa batang may itim na mahika. Hindi ko narin batid ang naging daloy pa ng kanilang pagpupulong ngunit ang alam ko lamang ay niloko nila si ama.
They betrayed my father and let him die.
Steelfire ay kilala sa pag gawa ng mga malalakas na sandata. Simula ng mamatay si ama ay hindi na muli pang nakalikha ng mga sandatang matatalim at kasing lakas ng kanyang pag gawa. I can make though. Kaya nga iniingatan nila ako. They treasure me because I can make swords like my father.
"Alvea!" napatingin ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni Jayvee. Mariin itong tumingin sa akin at sinuri ang kabuuan ko agad ko namang ini-iwas ang mata ko sakanya.
Naglakad ito papa-lapit sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan.
"Itinuloy mo parin ang plano niyo?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko itinuloy Jayvee. Kusang umayon sa akin ang panahon ng dahil din kay Lethianne." sagot ko sakanya at aalisin na sana ang pagkakahawak niya sa akin ng mas diinan niya ito. Kita ko ang galit sa nga mata niya. Hindi ko siya masisisi at naiitindihan ko siya. Pero sana maging ako ay maintindihan niya.
"Stop this Alzea," sambit nito.
"Stop this at hayaan si Lethianne sa kamay ng kanyang ama? Alam mo kung gaano kamahal ni Kyle ang kapatid niya. Hindi ka ba naawa? I can save Lethianne." sambit ko. Binitawan niya ang kamay ko.
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo Alzea..."
"Hindi mo na kailangang alamin pa. Hindi mo na ako mapipigilan dahil nasimulan ko na ito Jayvee." sumenyas ako sa isang kawal sa likuran. Itinakip niya kay Jayvee ang pampatulog. Napatingin sa akin ai Jayvee habang unti unting pumipikit ang mata.
"You'll be forever in pain if you--will continue this Alzea..."
Tuluyan ng bumagsak si Jayvee kinuha naman siya ng kawal at ikinulong kung saan hindi niya magagamit ang kaoangyarihan niya upang makatakas at makawala.
LETHIANNE'S P.O.V
One. Two. Three.
"Ang sakit na ng kamay ko letche naman!" hasik ko habang pinipilit na alisin ang tali sa aking kamay dahil ramdam ko na talaga ang sakit no'n parang dumudugo na nga e!
"Hoy! Luwagan niyo naman 'tong tali! Mapuputol na kamay ko!" sigaw ko sa mga tagapag bantay sa labas. Hindi sila lumingon sa akin o sumagot lamang.
If I didn't run away hindi ito mangyayari. Pero hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Ang tanda tanda na ng haring yon! Tas doon pa ako magpapakasal? What the heck?
Are they kidding me?
"Kumain ka muna." napatingin ako sa inilapag na pagkain ng isang kawal. Tumingin ako sa kanya bago ito lumabas. Agad naman akong natakam sa pagkaing nasa harapan ko. Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom.
They want me to marry the king from Uzertopia. Matalik na kaibigan ng bansa naming Gershey.
Ayoko naman magpakasal sa matandang yun no! Kinuha ko ang pagkaing ini-abot sa akin at nag umpisang kaininin iyon. Pakiramdam ko sobrang sarap ng kinakain ko ngayon samantalang dati ay hindi ko naman gusto 'to.
Nagulat ako ng ipasok nila ang isang lalaki hindi ko gaano makita ang mukha nito at pabagsak nila itong inihagis mukhang pinatalug ata siya.
I look to the person that laying in the ground now. Pamilyar ito sa akin ng sandaling makalapit ako sa kanya at makita ang mukha nito ay hindi nakatakas ang pagkagulat sa sistema ko.
"Sabi na! Jayvee! Gising!" sambit ko at pilit siyang ginigising pero hindi parin ito nagigising. Hinila ko siya at dinala sa sulok ng kwartong ito at ipinahiga upang hindi naman siya mukhang suman.
"Gusto ko na ring malaman kung ano na nangyari sa Himofilton." pag kausap ko sakanya.
"Alzea is filled with heartred... Puno ng galit ang puso niya tanging paghihiganti lamang ang nakikita niya." napabuntong hininga ako.
"We need someone to enlighten her. Hindi lang siya ang nahirapan hindi lang siya ang may problema sa buhay..."
"She just make things more conplicated. Mas lalo siyang mahihirapan sa ginagawa niya. So wake up Jayvee we need to do something."
NAPAMULAT ako ng maramdamang may gumigising sa akin. I saw Jayvee kaya agad akong napamulat at naupo upang makita siya ng ayos.
"Gising ka na pala!" I said. He nodded.
"So, Alzea locked you here." sambit niya.
"Yeah, obviously." sagot ko sakanya. Tumayo ako at kinuha ang itinira kong pagkain para sakanya.
"Hmm, kain ka muna." sambit ko at inilapag ang plato sa kanya. He thanked me and eat. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at napatingin na lamang sa kawalan.