"Gen!" umirap ako ng marinig ko muli ang nakakairita niyang boses. Ipinasok ko ang headset sa tainga ko at nagpatugtog ng K-pop song. It was Navillera by G-friend.
Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng pinto.
Welcome to the real speaker.
My sister.
"K-pop ka ng K-pop jan! Tulungan mo daw ako maglaba sabi ni mama!" sigaw niya na ikinairap ko ulit kung hindi lang nakadikit itong mata ko kanina pa siguro nahulog.
"Ako na ang naghugas kanina ako na lang magsasampay mamaya niyan okay?" sambit ko at hindi na siya pinansin pa kaya hindi ko alam kung lumabas na ba ito ng kwarto ko. The Navillera song was done muli kong inilipat sa Mic drop ng BTS. I was singing the whole song ng magulat ako ng may mabigat na pumatong sa akin. My eyes was closed dahil maging ang cellphone ko ay tumama sa mata ko.
"What kind of trash is this?" inis na sambit ko at buong pwersang itinulak kung sino man ang nakapatong sa akin ngayon.
Nang sandaling maitulak ko siya at makita kung sino iyon ay halos mapasigaw ako sa nakikita.
"r****t!--"
Hinigit ako nito at tinakpan sa bibig hindi tuloy ako makasigaw dahil sa ginawa niya kaya naman sinipa ko siya sa pag mamay-ari niya dahilan kung bakit niya ako nabitiwan at napapilipit ito sa sakit.
"s**t," rinig kong mahinang mura niya. Napatitig ako sa lalaking hindi ko kilala na bigla na lamang pumasok dito sa kwarto ko. He looks handsome and manly.
"Paano ka nakapasok sa kwarto ko ha?!" sambit ko. Nanatili siyang nakahawak sa pag mamay-ari niya at tumingin sa akin. I smirked. Masakit nga siguro 'yun.
"Let me explaine first..." sambit nito. Kinuha ko ang cellphone at headset ko sa kama at inilagay sa desk ko.
Tumayo ang lalaki at lalapit sana sa akin ng muli akong lumayo sa kanya.
"Huwag kang lumapit sa akin! Paano ka nakapasok dito? Sino ka?" tanong ko sa kanya habang naglalakad paatras sa kanya papunta sa may pintuan para naman makalabas ako kaagad kapag may ginawa siyang masama sa akin.
"I need you."
"Ha?" gulat na sambit ko. Baliw ba 'to? Sayang naman at gwapo pa.
"Isa ka na naman sa mga stalker ko no? Kung ayaw mong isumbong kita sa mga police umalis ka na dito. " inis na sambit ko sa lalaki. Kahit gwapo siya hindi ko siya papatulan. Saka anong meron sa suot niya? He looks weird.
"F-folise?"
"Police." pagta tama ko sakanya.
"Alis na!" sambit ko sabay turo sa bintana. Napatingin naman siya doon. Lumapit siya sa bintana at pinagmasdang ang kapaligiran.
"Kailangan mong sumama sa akin." sambit nito. I smirked.
"Crazy stalker! Mama! Ate!" malakas na sigaw ko agad ko naman nakita ang pagkataranta nito. I was about to get out in my room ng hilahin niya ako at ipahiga sa kama. My eyes wided.
"You smell nice..." bulong nito sa tainga ko. Nanindig ang balahibo ko dahil sa malamig nitong boses. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.
Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Nagkatitigan kaming dalawa. I saw the color of his eyes and my reflection in his eyes.
Hindi ako makagalaw.
"Gen! Bumaba ka na mag sampay ka rito!" sigaw ni ate kaya natauhan ako at itinulak ang lalaking nakapatong sa akin ngayon.
"Malandi ka daw sabi ni mama! May mga deliver na naman yung mga manliligaw mo dito!" muling sigaw niya.
"Get out in my room. You jerk! Baka kung ano pang isipin ni mama ko at ng ate ko kung bakit ka narito at kung sino ka. I'm not going to report you so please get out in my sight and don't bother me anymore." sambit ko at lumabas na ng kwarto upang bumaba at magsampay ng nilaba ng bruha kong kapatid.
"Sabi ni mama buti daw hindi kasama yung kama sa pagbaba mo!" natatawang sambit ng ate kong hindi tumatanda ang pag i-isip.
"Correction. Sabi mo hindi sabi ni mama," inis na sagot ko at lumabas ng bahay dahil doon ako magsasampay.
TAHIMIK lamang akong nagsasampay mabilis ko rin namang natapos ang ginawang pagsasampay dahil hindi naman ganoon kadami ang nilaba ng ate ko.
"Gen! Dalian mo mag ayos diyan kakain na." sambit ni mama.
"Opo! A-ayusin ko lang po 'to!" sigaw ko at nagmadaling ayusin ang mga ginamit na timba ng ate kong hindi man lang inayos kanina.
Pag-pasok ko ay nasa hapag na si mama at ate ko na tutok na tutok sa cellphone niya. May pag ngiti pa ito habang abala sa pag ta-type, kausap nito siguro ang boyfriend niya.
Umupo ako sa tabi ni mama at kumuha ng kanin.
"Lea, itigil mo na yang pag ce-cellphone mo." suway sa kanya ni mama. Hindi ko sila pinansin at nagdasal muna bago kumain. Gusto ko na kaagad matapos sa pag-kain para naman makapunta na ako sa kwarto ko.
It was saturday. Wala kaming pasok kaya namam nandito lang ako sa bahay naghihintay kung kailan mag a-aya ang mga kaibigan ko upang gumala kung saan kami mapadpad. Kaso wala paring nag me-message--
Speaking of message? Nasa kwarto nga pala ang cellphone ko!
Inubos ko muna ang kinakain ko bago magpa-alam kay mama na aakyat na ako ng kwarto.
"Manonood nanaman ng K-pop yan ma!" ani ng ate kong kontrabida na lang lagi palibhasa mas gusto niya raw ang mga chinese.
Hindi ko na lamang siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko. I opened my door at agad hinanap ng mata ko ang cellphone ko.
"Ano ang maliit na bagay na iyan?" nagulat ako ng may magsalita mula sa likuran ko dahil sa gulat ay hindi ko naiwasang mapasigaw.
"Ma! Ate!" sigaw ko at nagmadaling lumabas ng kwarto ko. Gulat namang napatingin sa akin si ate at mama.
"Ma! May tao sa kwarto ko!" naiiyak na sambit ko. "Tumaas yung balahibo ko at nanlamig ako pakiramdam ko hindi tao 'yun ma!"
"Ano bang pinagsasabi mo jan Gen?" naiiling na sambit ni mama kaya mas lalo akong humawak sa kanya.
"Samahan moko sa taas ma!" sambit ko habang ipinapadyak ang paa.
"Tigilan mo yang kaka cellphone mo! Kaya ka nakakaramdam ng ganyan dahil halos dumikit na ang mukha mo sa cellphone." sermon ni mama kaya naman napabuntong hininga ako tumingin kay ate na naiiling.
"Ate! Mama! Seryoso ako!" iritang sambit ko.
"Kung hindi ka tutulong dito ay magkulong ka sa kwarto, siguraduhin mo lang Gen na hindi ka matatangal sa pagiging honor student mo dahil pag nangyari yun malilintikan ka sa'kin." sermon ulit ni mama at napanguso naman ako at nagdalawang isip kung pupunta pa ba ako ng kwarto ko.
At the end of long thinking napagdesisyunan ko na mag punta ng kwarto dahil baka namamalik-tainga lang ako at sa mismong cellphone ko narinig iyon. Nagmadali akong pumunta sa kwarto at dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto, ramdam ko pa ang malakas na kabog ng aking puso habang dahan dahang binubuksan ang pintuan ng aking kwarto animo'y nasa isa akong horror movie.
Gosh! Wake up Genevieve! WALANG MULTO SA BAHAY NAMIN OKI?
Nakahibnga ako ng maluwag ng makitang wala namang kung ano sa kwarto ko ngayon. Siguro nga tama si mama na nasosobrahan ko na ang kaka-cellphone ko.
Pero--
Pero hindi talaga! May narinig talaga akong nagsalita kanina.
"It's me."
"OEMMMMG---"
"Don't make a noise, they wont be able to see me."
Jusmee! Nakakarinig nanaman ako ng kakaiba.
And take note ha! Nakatakip pa siya ngayon sa bibig ko!
"I'm real. I'm not a ghost." malamig na sambit nito at binitawan ako habang ako ay naiwang nakatulala sa kawalan hindi ko mawari kung haharap ba ako sa kanya o ano.
"Look at me and see for your self that I'm real." walang ganang sambit nito. Humarap ako sakanya at nakita ang lalaking stalker ko?
"I'm not a stalker. I'm here to take you out of here and to bring you to your right place." sambit niya at kita ko naman sa mata niya na seryoso ito.
Huminahon ako at tumingin sa kanya mas nakita ko ngayon ang kabuuan ng kanyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mas suriin ang mukha niya dahil nakaka-akit ito.
His eyes was a bit round and he has a thick eyebrows that curved beautifully. He has a brown eyes and a perfectly shaped red lips. He's handsome indeed.
Napatingin ako sa kanya ng mapangisi ito.
"Anong ibig mong sabihin sa 'You will take me to the right place?" tanong ko sakanya.
Lumapit siya sa akin kaya naman dahan dahan akong napaatras habang papalapit siya sa akin.
"What are--"
Nagulat ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Mabilis ko ring naramdaman ang pag tayo ng balahibo ko sa akin braso at maging sa binti. Nanatili nanalalaki ang mga mata ko dahil hindi ko mawari kung ano ba ang dapat na maging expression ko.
"Your lips is soft and-- can I kiss you again?" my mouth left half open, muli niyang inilapit ang labi sa akin at hinapit ang bewang ko naramdaman ko ang pagtama ng likuran ko sa pader habang patuloy niya akong hinahalikan.
I followed his rythmn gusto ko siyang itulak pero kalahati sa sarili kong gusto ko ang nangyayari ngayon.
Humiwalay ito sa akin at naiwan parin akong nakatulala.
"Sorry I got caried away." sambit nito kaya naman natauhan ako bigla.
"What?" inis na sambit ko.
"Nagustuhan mo rin naman diba?" sambit niya na ang pakunot sa noo ko.
"Anong sabi mo?"
"Nagustuhan mo." ulit niya.
"Gago! Ang kapal ng mukha mo!"
"May manipis bang mukha?" nakangising sambit niya.
"Ipapakulong kita! Manyak! r****t! Tresspasser!" inis na sigaw ko at agad lumabas.
"Ma! Ate! May tao sa kwarto ko!" halos maiyak na sambit ko sakanila.
"Malamang nandoon ka, edi may tao nga." sagot naman ng ate kong baliw.
"Ma! May nakapasok sa kwarto ko! Magnanakaw yon!" desperadang sambit ko at gusto ko na lamang silang hilahin papunta sa kwarto ko.
"Kung magnanakaw yun hindi ka na makakalabas ng buhay, malamang papatayin ka na dapat no'n." sagot ng ate ko. Lumaput ako kay mama at hinigit siya.
"Ano ba naman Gen!" suway ni mama sa akin pero mas pinilit ko paring hilahin si mama.
"Ma please, tignan mo lang okay?" sambit ko at pumayag nalang si mama hanggang sa makarating kami ng kwarto.
Nakita ko ang lalaking prenteng nakahiga sa kama ko.
"Ma! Ayan oh!"
"Saan?" takang tanong ni mama.
"Hindi mo ba siya nakikita ma?" tanong ko sabay turo sa kama ko.
"Naku Gen! Kung tanghaling tapat at nakakakita ka ng multo ipapa check up na kita. Nababaliw ka na." ani ni mama at iniwan akong mag isang nakatayo sa harap ng pintuan ko.
"I told you they won't not be able to see me." sambit niya. Pumikit ako.
"Kalma Genevieve, hallucination mo lang ang lalaking nakikita mo ngayon." sambit ko at mahinang tinapik ang ang akung dibdib.
"Halikan ba kita ulit para malaman mo na hindi ka nag ha-halucinate?" sambit niya kaya agad kong binuksan ang mata ko at pumasok ng kwarto at isinarado ang pinto.
"Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko sakanya.
"Kailangan mo sumama sa akin Genevieve." sambit niya. Ilang beses ko na itong narinig sa kanya.
"Bakit? At saan?" taking tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit ako nagtitiwala kaagad sa isang ito ngunit siya lang ang makakpagsabi at makakapag paliwanag sa akin kung bakit ako lang ang nakakakita at nakakarinig sa kanya.
"We're not a human. We are elementalist." he said. My lips moved a bit.
"Elementalist?" taking tanong ko sakanya.
"We are not human? So, multo ka nga?" naguguluhang sambit ko.
"I can poses magics and you can too." sagot niya sa mga tanong ko.
"Wait. So ang ibig mong sabihin hindi tayo tao dahil kaya natin mag palabas ng kapangyarihan? Like apoy?" natatawang sambit ko at napapailing na lamang sa naiiisip.
"Yes." sagot niya.
"Baliw ka?" takang tanong ko sakanya habang natatawa at napapailing.
I leave out a heavy sigh at nakataas ang kilay na tinignan siya.
"I don't know if I'm really seeing a ghost right now and if I'm really talking to a ghost now... Just please don't bother me okay? Hindi kita matutulungan sa gusto mo." sambit ko at kinuha ang cellphone ko at inilagay sa tainga ko ang headset.
"I'll gave you time to think. I'll come back here again tomorrow." sambit niya at sa isang iglap biglaan na lamang itong naglaho na parang isang bula.