Trigger 09 - Her lowest point

2487 Words
Her lowest point Belle's PoV : If this call isn't important, I will strangle Therbie to death. I was enjoying teasing that guy na kaibigan ni Kuya dahil natatawa ako sa mukha niya kapag napipikon siya. Ang pangit niya kapag nagagalit para siyang active volcano na anytime sasabog nalang bigla tapos ang foul-mouthed niya pa.  Anak ata iyon ni satanas, e? Laging nakasinghal sa mga tao. Sinagot ko ang tawag ni Therbie. Belle: "What, now?" Therbie: *Oh? Napipikon ka dyan? Tsaka pasado alas siyete na. Hanggang four lang ang classes sa SU 'di ba?* Belle: "Psh.." Therbie: (sigh) *Ok, ok hindi na magtatanong. Anyway kaya ako tumawag kasi may pinasasabi si Boss. of course, it's about your mission.* Shit! I am on a mission! How can I completely forgot about that? Masyado akong naging masaya at kampante dahil kasama ko si kuya Pete at ang mga kaibigan ko, hindi ko na naalala na nasa SU kami at baka may mga nagmamasid sa akin at sa mga kilos at galaw ko. s**t! s**t! Therbie: *Hey, Belle, you still there?* Belle: "Yeah. Continue." Therbie: *Oh, yeah. Para makatulong sa'yo, nagpa-imbestiga si Boss sa mga sub-agents ng inside information tungkol sa Salcedo University and fortunately, nakahanap naman sila ng few infos.* Belle: "What is it?" Therbie: *Sana handa ka sa mga maririnig mo.* Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may hindi ako magandang maririnig kaya biglang tumaas ang kabang nararamdaman ko. I still need to brace myself to whatever I'll be hearing. It's now or never. Belle: "Tell me." Therbie: *Pero.. sigurado ka ba--* Belle: "Just.Tell.Me!" I heard him sighed.  Therbie: *Sa lugar na iyan nabuo ang Red Eagles Gang, Trigger." I was surprised. I spat curses without thinking. Bigla akong nakaramdam ng galit dahil sa narinig ko ang pangalan ng gang na iyan. Ang gang na kumuha sa buhay ni Papa. I was livid. It's a miracle that I can manage to be as calm as f**k when all I am feeling right now is too much anger. Therbie: *...umm, anyway, Matagal nang nabuo ang grupo na iyan pero isang normal na samahan lang naman raw iyan noon at ang layunin nila ay sobrang layo sa pagkakaalam mo. The REG started since almost twenty-years ago but we couldn't find the original members or the founder. Pero since then, parang naging tradisyonal nang may miyembrong bago ang REG every school year. Kumbaga parang Fraternities siya.* Belle: "I don't wanna hear those details. I want to know who were the members." Therbie: *OK. Ang REG ngayon ay may apat na miyembro. One of the member, iyong second-in-command, ay tapos na ng college sa ngayon pero active pa rin siya as a member.* Belle: "And..?" Therbie: *Hayy. The fourth member is Alexander Ray Sotto, 17, engineering student. The third is Lawrence Romero, same age and course, he's my brother unfortunately, and the second--* Napamura ako at agad kong tinapos ang tawag ni Therbie. Unang pangalan palang na binanggit, kinutuban na ako ng masama at ayoko nang marinig ang tinatawag na 'second-in-command' na iyan. I knew him very well. Sa galit na nararamdaman ko ay halos masira na ang pinto sa pagkakasipa ko  nito at nakita ko silang lahat na nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat. I turned my gaze at the guy that have a similar resemblance to my father, whose now frowning. Looking at him right now, and knowing the group he belongs to, It's as if I was stabbed multiple times at the back.  Belle: "You are in a gang, kuya?! Kelan pa?" Sa pagsagot niya at pagtango palang, parang gusto ko nang maglumpasay at umiyak. Gusto kong isigaw sa kanya na ANG GANG NA SINALIHAN NIYA ANG SIYANG BUMAWI SA BUHAY NG AMA NAMIN!! Gustong-gusto ko nang isiwalat lahat pero isinasaalang-alang ko pa rin ang kaligtasan nila at ang misyon ko kaya nanatili akong tikom. Whatever his reason would be, It doesn't matter to me. Galit ako, hindi sa kuya ko kundi sa lalaking katabi niya na alam kong nag-impluwensya sa kanyang sumali sa kinamumuhian kong grupo.  I asked his name at sinagot niya naman ito. Joseph Salcedo.. Salcedo University.. he is, probably, the son of the owner of this school at siya ang magiging alas ko para mahanap ang putang inang ama niyang lider ng Red Eagles. Pero dahil sa mga iba pa niyang sinabi ay talagang nagpantig ang tenga ko sa kanya at tuluyang dumilim ang anyo ko. Belle: (bulong) "I've found the target." And I left after that. I was dragged by my thoughtlessness to this place. Dito ako magsusunog ng baga at hinihiling rin na sana ay matangay ng alak ang masakit na nararamdaman ko sa puso ko.  This is the lowest point of my life. *** Atlantic Bar and Resto I went to the bar counter and ordered a strong beverage na agad kong ininom, paulit-ulit kong ginawa iyon. Kung tutuusin ang bata ko pa at hindi pa dapat ako pinapapasok dito pero good thing I knew the owner of this Bar.  ???: "Oh, dahan-dahan sa pag-inom 'di ka tatakbuhan niyan, Trigger." Speaking of the devil. Tinapik niya ako at maya-maya ay nakaupo na siya sa tabi ko at sinabayan akong uminom.  Belle: "Carl Justin Carmona, don't call me by that name when outside." CJ: "Grabe siya sa pagsabi ng pangalan ko, parang kasuklam-suklam lang. Sorry naman kung iyon ang pinangalan ng ermat ko." I rolled my eyes and drink the alcohol like it is just water. Nakailang inom na ako pero hindi pa rin nakakalimutin ng isip ko ang nangyari at natuklasan ko kanina. Hindi man lang ako makaramdam ng hilo at sobrang linaw pa ng nangyari kanina. End of PoV CJ's PoV : Hindi ako umiinom ng alak, lalo na ng matatapang dahil alam ko ang epekto sa 'kin noon. Sabihin nalang nating mababa ang alcohol tolerance ko at isang shot glass lang ng tequila o whiskey baka tulog na 'ko agad. Who knows what will happen when I passed out, lalo na kung sa kung saang lugar lang ako mawalan ng malay-tao. Baka 'paggising ko noon kinabukasan, na-rape na ako. Naku! Virgin pa po ako. Hehe. Totoo iyon. Ang heavy-drinker lang naman dito ay ang katabi kong babae ngayon. Napakagandang babae pero kung uminom, daig pa ang umiinom ng tubig e samantalang strongest alcoholic beverage na iyang binabanatan niya. Nakayuko na nga siya e pero panay pa rin ang inom. Kapag ganito ito, alam kong naaalala na naman niya ang problema sa buhay niya. At balita ko kay Therbs, hawak na niya ang misyon na iyon ngayon. How tough can that be. Only Princess Trigger can do that. Noong o-order pa siya ng isang bote ay umiling na ako kay Will, one of my waiters, na nagse-serve, at sinabi kong ako na ang bahala. Hindi na pwedeng ganito. CJ: "Belle, halika na, iuuwi na kita. Lasing na lasing ka na." Belle: "You know Carmona, that's the thing.. hindi ako nalalasing... hahaha." CJ: "Did you bring your car? Give me the key, I'll drive you home." Belle: "Heeyy.. don't be so killjoy! I'm just warming up, K? The fun part will be next. Nasan na nga pala iyong in-order kong alak? Waiter..? Waiter...?" Napahinga na ako ng malalim. Nawawalan na ako ng pag-asa. Kailangan ko nang tawagan ang taong iyon. Ang nag-iisang makakapag-kumbinse sa babaeng itong umuwi na. Umalis ako saglit sa inuupuan at pumasok sa office ko na malapit lang sa bar counter. I dialled Therb's number. After just a ring, sinagot na niya ito agad. Therbie: *Oh, Carmona. Napatawag ka?* CJ: "She's here." Biglang nawala sa kabilang linya ang kausap ko at alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko kaya malamang papunta na iyon dito. Sana lang bilisan niya.  Naglakad na ako papunta kay Belle pero imbes na siya ang maabutan ko, ibang eksena ang nakita ko. Oh no, not again! Kaya ayokong narito si Belle, lalo na kapag nalalasing ito e. Hindi mawawala ang mga basag na kagamitan at ang mga makakaaway niya dahil sa kalasingan. Tumalima agad ako, baka mawalan na akong tuluyan ng negosyo nito. I ran towards the group of people, nakipagsiksikan pa ako para lang makapunta sa gitna at ang nadatnan ko nga ay si Belle na nanlilisik ang tingin sa isang lalaking wala nang malay ngayon at may dugo pa sa labi at ilong na tumutulo. Napailing nalang ako at inutusan ko ang tauhan ko para kumalma ang lahat ng tao. Binuhat ko na si Belle na parang may binubulong pa nga. Belle: "Pathetic, hah! I'm not pathetic.. i'm not.." CJ: "Shh.. calm down, Belle." Paulit-ulit kong sinasabi sa kanya iyon habang siya ay patuloy pa rin sa pagsasalita mag-isa. Sa pagkakakilala ko kay Belle habang nagt-training kami, ayaw na ayaw niyang maririnig na tinatawag siyang 'pathetic' o 'weakling'. Ang huling taong nagsabi noon sa kanya, ay ilang linggong na-confine sa ospital. Ngayon naman iyong lalaki kanina. Ilang buto kaya ang naputol doon ngayon?  I wouldn't even guess.  I looked at her intently and remembered that funny thing i did for her when we were training. Kinantahan ko siya ng paborito niyang kanta, iyong 'I don't love you' by My Chemical Romance, na siyang paborito niya ring banda. Parang tanga ako noon kasi feel na feel ko pa ang paghe-head bang habang parang sinasabi ko sa kanya iyong mismong title noong kanta. Yes, I had a crush on her once upon a time. Ang astig lang kasi niya, ang cool niya na parang tindig niya palang matatakot ka na, tapos ang ganda pa niya. Taliwas sa brutal niyang personalidad, she looks like an angel sent here from above. Sounds corny pero ganoon ko talaga i-describe ang ganda niya. Pero katulad ng pamosong kasabihan: Looks can be deceiving. Mukha lang siyang anghel pero kayang-kaya ka niyang dalhin sa impyerno, if you provoked her. That's how scary she is. Kahit ako na lalaki ay natatakot sa kanya. I was about to held her face when the door suddenly opened.  Therbie: "Don't touch her, Carmona." CJ: "Haha gago 'to. Alam ko iyon. Ang seloso mo at inaangkin mo pa, e hindi mo nga masabi iyang nararamdaman mo. Katorpehan mo." Tiningnan niya ako ng masama, na ipinagsawalang-bahala ko lang. Therbie: "s**t! She's a messed."  CJ: "Tell me about it. Nagwala na naman siya sa Bar ko at ang dami na namang kabawasan sa mga gamit ng bar ko." Therbie: "Oo na, i'll pay for it. Ipapadala ko nalang sa bank account mo. Mukhang pera ka talaga." CJ: "Business is business, pare. Ganoon talaga." Therbie: "Ang sabihin mo pinag-iipunan mo ang future niyo ni--" CJ: "Don't say that name or you will be dead.. to Belle." Narinig kong natawa ito at binuhat na niya si Belle na parang pang-kasal lang. Therbie: "Kung torpe ako, mas ikaw, Carmona. Noong nakaraan lang magkasama kayo sa mission bakit hindi mo nasabi sa kanya iyang nararamdaman mo?" CJ: "Hindi pagiging torpe iyon dude. Pinaghahandaan ko muna ang lahat bago ako umamin sa kanya. Hindi ko lang kasi siya gustong maging girlfriend, gusto kong makasama siya habambuhay." Therbie: "Walang forever!" CJ: "Ikaw lang iyon kapag hindi ka pa nagtapat!" Therbie: "Sige aalis na kami. Salamat sa ginawa mo." CJ: "Hindi libre iyon. Alam mo na." Therbie: "Yeah I know that." Nawala na nga rin sila sa loob ng opisina ko. Mag-isa na naman ako. At kapag nag-iisa ako, lagi siyang pumapasok sa isip ko. I wanna tell her so bad about my feelings pero lagi kong naiisip na hindi pa iyon ang tamang panahon. Isa pa, mga bata pa naman kami. That can wait. And I can wait forever, if it means that I will get her in the end. End of PoV Therbie's PoV : Nagpunta ako sa parking lot buhat si Belle. Nakita ko agad ang kotse niya at nakuha ko na rin naman ang car keys niya sa bulsa kaya agad kong binuksan ang back seat at doon ko siya inihiga ng maayos at nagpunta ako sa driver's seat. I drove to her condo. Hindi na ako nagdala ng kotse pagpunta dito dahil alam kong dala niya naman ang kotse niya. Mabilis lang ang naging byahe at nandito na kami sa loob ng condo. Inihatid ko siya sa loob ng room niya at maayos siyang inihiga. Tinanggal ko na rin ang suot niyang sneakers para maginhawaan ang paa niya. I always do this to her every time na nag-iinom siya at malalasing kaya sanay na sanay na ako at sa maliit na bagay na ito nararamdaman ko ang kasiyahan. I feel like I am one of the important person in her life and I couldn't be happier about it. Pagkatapos kong gawin iyon ay sakto namang dumating ang tinawagan kong taga-linis ng bahay ni Belle na si Manang Teresa at inutusan kong damitan niya ito at habang ginagawa niya iyon ay nagluluto naman ako ng sopas. Inihanda ko na rin ang gamot na pantanggal ng sakit ng ulo niya dahil siguradong sa dami ng ininom niya may hangover siyang mararanasan. Maya-maya ay nagpaalam na rin si Manang Teresa, at sinabing babalik siya bukas para sa weekly cleaning ng bahay ni Belle. Dumiretso ako sa kwarto niya na may dalang tray na may sopas at iyong glass ng tubig at gamot. Inilapag ko muna ito sa side table at tumabi sa natutulog na si Belle at inihiga ko ang ulo niya sa dibdib ko. Lagi kong ginagawa ito sa kanya.  Therbie: "I should've never said anything to you if you're gonna be like this, Belle.." Belle: "I was meant to know about that eventually so you don't need to feel sorry." Napatigil ako sa paghaplos sa buhok niya. Napamura ako sa isip sa gulat pero hindi ko nalang pinansin iyon at aalis na sana sa tabi niya pero hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko. I felt my heart beating so fast that I almost couldn't breathe. Be still,heart.  Belle: "Don't leave me, Therbie. I don't wanna be left alone. Ayokong maisip ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng sakit ngayon." Therbie: "As you wish."  Nanatili kami sa ganoong pwesto ng matagal hanggang sa marinig ko ang mahinang hilik ni Belle. I chuckled softly. Ang cute niyang humilik pati iyong sound noon. Knowing that she's sleeping soundly like this, I'm happy. Pero kapag naaalala ko ang sinabi ni Boss na gagawin ko, nawala ang ngiti ko at napalitan ng pag-aalala.  Sana naman hindi magalit si Belle sa gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD