Catching-up
Belle's PoV :
I got emotional and at the same time surprised to see him. Ang kuya Pete ko na matagal ko rin hindi nakita... hindi ko nakita ng personal. Sa apat na taong bumukod ako sa kanila and during my hell training days, kapag nalulungkot ako at nahihirapan na gusto ko nang sumuko ay pumupunta ako sa bahay ng pa-sikreto at doon masaya na akong nakikita sila ni Mama. Naiiyak rin ako noon kasi pakiramdam ko ang selfish ng ginawa kong pang-iiwan sa kanila na kung tutuusin ay pare-pareho naman kaming nawalan, si Papa, pero ako iyong parang pinakaapektado na kinailangan ko pang umalis.
Pero last year ay tinigilan ko nang magpunta sa bahay namin kasi baka madamay na sila sa delikadong trabahong pinasok ko. Ayokong mawalan ng isa pa sa pamilya ko kaya tiniis kong hindi magpakita at makita sila.
But now, I can see my brother up-close and personal.
Belle: "K-kuya.." (Crying)
Pete: "Oh my god, I thought I'd never see you again, princess.."
Naluluha na ang kuya ko pati na rin ako. I remember when I was a kid, si kuya Pete ang sumusundo sa akin sa kindergarten hanggang elementary kapag may work sina Mama at Papa or whenever they're busy. We always play and he was so diligent to me and he has long patience to me, lalo na kapag nagt-tantrums na ako at sobrang iniiyakan ko talaga siya kapag may hindi ako nakukuhang gusto ko. Kung ang parents ko ay pinapagalitan ako kapag may ginawa akong masama, si kuya ang gentle niya kapag pinagsasabihan niya ako. He spoiled me so much but even if he did that, he still scold me when I did something wrong.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at kahit medyo nasasakal ako ay hindi ko na alintana. I also encircled my arms to his waist and hugged him. I miss him so much at pati na rin si Mama.
Si kuya Pete na rin ang unang kumalas sa pagyakap namin at tinitigan niya ako at natawa ako sa hitsura niya. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mata niya.
Pete: "I still can't believe you're here. I can see you up close but I still think that you'll gonna slip out of my grasp."
Belle: "I will never leave again, kuya. Promise."
And I hug him again. Hindi na ako naiiyak at unti-unting napapangiti. I feel so happy and I suddenly remembered when we were together.. ako, sina Mama at Papa na sobrang makikita mong mahal na mahal nila ang isa't-isa, at ang kuya ko na nangingiwi ang hitsura dahil sa paglalambingan ng parents namin.
I wish I can turn back to that time.
But I know it's impossible now.
Pete: "Let's catch up sis. Ang dami mong kailangan sabihin sa akin. Ang dami nating pag-uusapan. C'mon, let's go!"
Pinilit kong ngumiti. Alam kong masasaktan si Kuya pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga bagay tungkol sa akin sa ngayon. Tama nang nagkita kami at alam kong hindi na ako makakaiwas pa ngayon sa kanila. Tama nga siguro si Therbie sa sinabi niya. That I shouldn't avoid them anymore.
I don't think I can do that anymore.
***
Dinala ako ni kuya Pete sa isang may kalakihang two-storey house na may weird color ng pinto. It's red. Bloody red. Hindi ko alam na may bahay pala sa loob ng SU. Bakit kaya ngayon ko lang ito nalaman? To think na pinlano kong mag-aral dito noon pa lang ah.
Binuksan niya ito at nagulat ako sa mga taong nakita ko at mukhang ang mga ito ay nagulat rin. Lalo na iyong isa. At kung itatanong niyo kung nandoon ang dalawang kaibigan ko? Oo, prenteng nakaupo sa red couch katabi pa nga nila iyong dalawang lalaki na pamilyar rin sa akin.
What's going on?
Pete: "Umm, Clementine, alam kong nagkaroon kayo ng hindi magandang impresyon sa isa't-isa ng mga mokong na ito pero believe it or not, they are my friends. Hindi lang nila alam na ikaw ang kapatid ko."
Selene: "Truelalu iyon, Belle. Nag-sorry na rin sila sa amin last week at sino ba naman ako para hindi magpatawad, 'di ba, ambs?"
Ambia: "Ang drama. Pero oo, tama si Selene. They are our new friends actually since last week rin."
Belle: (sigh) "OK."
Pete: "Upo ka dito, Clementine. Magluluto lang ako ng favorite mong lasagna. Dyan ka lang ok?"
I nodded. Nagtungo na si kuya sa kusina ata at noong umalis si kuya ay siya namang pagiging tahimik ng paligid. I can sense the awkwardness around them pero hindi naman ako na-a-awkward at pinili ko lang manahimik.
The guy that I punched last week, nararamdaman kong tinitingnan niya ako mula sa gilid at naiinis ako.
Belle: "Stop staring. Psh."
Mukha namang nagulat ito sa sinabi ko pero nagkunwaring balewala dito at umiwas ng tingin.
Napaangat ang tingin ko noong lumapit sa harapan ko ang dalawang lalaki na ka-kwentuhan nina Selene at Ambia kanina.
Renz: "Hi, Belle. Sorry nga pala sa nangyari noong nakaraan. I hope you forgive us."
Xander: "Oo nga, sana mapatawad mo na kami. By the way, I'm Alexander Ray Sotto. Xander for short."
Renz: "I'm Lawrence Romero. At your service."
Paano sila naging kaibigan ni kuya and how long were they friends? Kasi lahat ng kaibigan ni kuya kilala ko dahil pumupunta sa bahay ang mga iyon. I never met these set of friends of his before.
I was in the middle of thinking when my brother arrived, with a tray in his hands na may lamang platito na may Lasagnia. Kahit kailan talaga ay alam ni kuya ang paborito ko at sigurado akong masarap ito, just like before.
Pete: "Dig in guys. Princess, eat up. Matagal na akong hindi nagluluto niyan kaya hindi ko alam kung masarap pa rin katulad noon."
Tumango ako at kumain. I heard them saying how delicious it is, how the two guys bickering with each other at pati rin si Kuya at iyong lalaking isa ay nakikisali na rin. Ngayong nakikita ko silang nagtatawanan at nag-aasaran, masasabi ko ngang totoong magkakaibigan sila.
Pagkatapos kumain ay nag-prisenta ang dalawang babaeng kaibigan ko na maghugas at sasama sana ako sa kanila pero pinigilan ako ni kuya at sinama niya ako sa second floor. Sa isang silid.
This is the moment I am avoiding.
Pete: "Clementine, I want you to be honest with me. Saan ka nakatira ngayon? Anong ginagawa mo for the past four years and how did you survive being alone for years. Tell me, hindi ako magagalit."
Belle: "I'm sorry, kuya. Pero hindi ko masasagot iyan."
Pete: "But why? Bakit kahit tirahan mo man lang hindi mo masabi?"
Belle: "I'm sorry. But I assure you that I am fine. I'm living well, kuya."
Narinig kong huminga ito ng malalim. Parang gusto pa niyang magsalita pero hindi niya magawa.
Pete: "Princess.. ang laki ng pinagbago mo. Alam mo ba iyon? When I'm looking at you, natatakot ako.. especially your eyes, It has no emotions. Dati, nababasa ko ang mga nasa isip mo sa mga mata mo lang pero ngayon.. it's like, you're a different person now."
Belle: "I am still your sister, kuya. You're just saying that because you just see me after four years."
Pete: (sigh) "Guess you're right. Ok, I trust you. At sa nakikita ko naman sa'yo, mukhang nasa maayos na kalagayan ka naman kaya hindi na ako magtatanong pa. The important thing is, you're back. I love you, sis."
Belle: "Same here, kuya."
Nagyakapan ulit kami at kahit na papaano ay nakaramdam ako ng kasiyahan na matagal ko nang itinanggi sa sarili ko.
End of PoV
Joseph's PoV :
Sa totoo lang ay gusto ko nang magpakilala sa kapatid ni Pete at humingi ng tawad dito pero hindi ko naman magawa lalo na kapag tinitingnan niya ako. May kakaiba sa mga mata ng Belle na iyon.
Ngayong nakikita ko siya ay masasabi kong para siyang statwa. Hindi siya ngumingiti o nakikitawa man lang sa mga kaibigan niya. She's poker-faced and somehow I can sense that she's always on guard and I don't understand why. Akala niya ba sasaktan namin siya? Takot ko lang sa kuya niya.
Even if I'm the leader, Pete is two years older than me.
Napabaling si Pete sa akin at nginitian ako. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko sabay tapik sa balikat ko.
Pete: "Dude, hindi mo pa pinakikilala ang sarili mo sa kapatid ko?"
Joseph: "Do I need to?"
Pete: "Oo naman. Kaibigan kita e."
Joseph: "Ok."
Lumapit ako sa misteryosang babae at sa paglapit ko na iyon parang bumibilis ang t***k ng puso ko na hindi ko naman pinansin. Wala lang ito.
Joseph: "Umm.."
Belle: "What?"
Joseph: "A-ano..a--"
Belle: "What? You're saying sorry?"
Joseph: "...NO! Why would I do that? Dapat nga ikaw ang mag-sorry sa akin dahil sa ginawa mo nung nakaraan e!"
That isn't what I'm gonna say! Damn it! I couldn't stand her gaze. And I hate her guts.
Belle: "You deserved it, asshole."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig.
Joseph: "WHAT DID YOU SAY?! YOU CALLED ME A--WHAT?!"
Pete: "Hey, hey bro calm down. Kapatid ko iyan."
Joseph: "Did you hear what your evil sister said to me?! She called me an asshole!"
Pete: "Hindi nga ba?"
Mas lalong nag-init ang ulo ko at mas nainis ako dahil sa lahat ng nangyayari, nananatili lang chill at kalmado ang babaeng ito.
Joseph: "The f**k?!"
Renz: "Hey, bro, kalma lang. Natatakot iyong mga babae e. Huwag kang magmura ng magmura and tone it down."
Xander: "Oo nga naman, dude."
Joseph: "And why would I do that? Parang inosente sila e nakakarinig naman iyan sila ng mga pagmumura ah?! This is a free country so I can fuckin' say what I wanna say, damn it!"
Pete: "Hoy ba't nakapunta na tayo sa buong bansa? Sinabi ko lang sa'yo na ipakilala mo ang sarili mo sa kapatid ko hindi iyong paandaran mo kami ng pagmumura mo. Gago ito."
Joseph: "Tsk. Pasalamat ka kaibigan kita, Pete."
Ngumiti lang ito. Humarap ulit ako sa babaeng amasona na may masamang tingin sa akin pero hindi ko nalang papansinin para hindi ako mapikon. Ito ang problema ko minsan e, mabilis talaga akong mapikon.
Joseph: "Hoy, sorry sa nangyari noong nakaraan!"
Belle: "Galit ka?"
Joseph: "H--hindi na. Sorry. By the way i'm Pete's friend, J--
Fu-fudge! I got interrupted by that fuckin' loud ringing tone. Nagkatinginan kaming lahat pero noong wala sa amin ang nag-iingay na tunog na iyon, napatingin kaming lahat sa babaeng nasa harapan ko. Kalmado lang itong umalis sa pinag-uupuan nito at lumabas ng HQ.
Natahimik kaming lahat.
Narinig kong napahinga ng malalim si Pete at umupo sa inupuan ng kapatid niya at tinabihan ko na rin siya.
Pete: "Ang laki na talaga ng pinagbago ni Clementine. Sa totoo lang kapag lumalapit ako sa kanya ay nakakaramdam ako ng takot. Lalo na kapag tinitingnan ko ang mga mata niya."
Selene: "Ay, tama ka dyan kuya Pete! Sang-ayon ako. Noong nakita namin siya ulit ni Ambs, nakaramdam ako ng pangingilabot tuwing tumitingin siya sa amin.
Ambia: "I was reluctant to approach her at first, kasi mayroon siyang intimidating aura na talagang hindi niya gustong may lumapit sa kanya."
Selene: "Truelalu!"
Renz: "That much, huh?"
Xander: "Well, on the second thought. She's a beauty. Kung hindi lang rin ako natatakot sa aura niya popormahan ko iyon-- Oh, oh Pete, iyong kamao mo, joke lang naman iyon."
Napatawa kami ni Renz sa pagporma ng nakasarang kamao ni Pete na nilalapit niya sa mukha ni Xander.
Pete: "You should be. Dahil lalanding itong kamao ko sa pagmumukha mo, Alexander Sotto. Mabubuwag ang brotherhood code natin."
Xander: "Oo nga joke lang iyon. Ang seryoso nito."
Hindi ko masisisi si Pete kung bakit ganyan siya ka-over-protective sa kapatid niyang babae. Xander is known in the entire SU as a certified playboy. Need I say more?
Magsasalita na sana ako pero nabigla kaming lahat ng pabalibag na bumukas ang pinto ng HQ at ang galit na galit na Belle ang pumasok. Dumiretso ito sa harapan namin ng kuya niya.
Belle: "You are in a gang, kuya?! Kelan pa?"
Halatang pinipilit nitong magsalita ng hindi sumisigaw dahil iniipit nito ang boses niya. We were quiet for a while until Pete broke the silence.
Pete: "I..I..y-yes. I am a member of Red Eagles."
Muntik na akong mapalundag sa gulat noong nagtama ang mata namin ni Belle.
Belle: "And you're the leader, huh? What's your name?"
Joseph: "Oo ako nga! Joseph Salcedo ang pangalan ko bakit ka ba nagagalit? Masama bang maging miyembro ng Gang?"
Parang gusto ko nang magtago dahil parang may nasabi ako na nagpalala ng pagkakagalit niya. Tinitigan niya ako ng matiim at gumagalaw pa ang panga nito sa sobrang pagpipigil magtaas ng boses sa galit. She's livid.
Belle: "I've found the target."
Pabulong niya lang sinabi iyon, na parang sa akin niya lang pinarinig sabay naglakad ito palabas at binalibag na naman ang pinto.
Renz: "s**t! Iyong pinto parang masisira na."
Xander: "Pagawa nalang iyan bukas. Ano bang problema ng kapatid mo Pete? Ang weird niya ha!"
Sobrang weird talaga. Tsaka anong sabi niya? Nahanap na niya ang target niya? Sino? Ako? Bakit, ano bang ginawa ko sa babaeng iyon?