She knows
Selene's PoV :
Ambia: "Sels, peel an apple for me, please."
Walang klase ngayon dahil weekend kaya nag-prisinta akong magbantay kay liit. Bukas naman kasi lalabas na siya kasi OK na naman. Hindi naman daw fatal iyong tama ng bala at tsaka ang mahalaga ay mabilis siyang nadala sa ospital bago pa raw maraming dugo ang nawala. Kung natagalan raw bago ma-admit, doon na magiging fatal.
Noong tinanong kami kung bakit nagkaroon ng tama ng bala si Ambia, sinabi namin iyong sinabi ni Belle, na nagkaroon ng muntikang kidnap-pan mabuti nalang raw at nakatakbo sila ng mabilis pero may nagpaputok ng baril kaya tinamaan si Ambs. At tsaka sabi rin ni Belle nahuli na raw ang mga suspect kaya wala nang ikaka-worry pa ang parents ni Ambia.
Speaking of Belle, tatlong araw siyang hindi pa pumapasok at kakaiba ngayon kasi walang excuse sa mga teachers namin ang absences niya. Malapit na pa naman ang midterms. na-move kasi iyong midterms, dapat noong thursday to friday iyon.
Tiningnan ko si Ambia tapos lipat sa basket ng fruits, kung saan may apple, tapos lipat sa maliit na knife na nakatabi doon. Tapos balik ulit kay Ambia.
Selene: "I don't know how."
Ambia: "Sige na, Sels. Gusto ko ng apple e."
Selene: "Iyong orange nalang, madali lang i-peel 'yan."
Ambia: "Ihh! Ayoko ng orange, gusto ko apple!"
Selene: "E hindi ko nga alam magbalat niyan e! Tsk."
Ambia: "Please na, sige na naman madali lang naman iyan."
Selene: "Hindi ko nga alam! Wait, tatawag ako ng nurse--"
Ambia: "Hindi na! ayoko na! Hmp!"
Bigla itong nag-taklob ng kumot na siyang ikinakunot ko. Sa three days na dumadalaw ako at nagbabantay sa kanya, lagi siyang nag-t-tantrums ng ganyan. Parang iba ang epekto ng pagkakaril sa utak niya. Para siyang naging spoiled brat. Kapag hindi mo sinunod ang gusto niya mag-iinarte.
Lalapitan ko na sana si bansot para amuhin pero bigla akong napalingon sa pinto noong bumukas iyon at ang nakita kong pumasok ay si Tita Fem, ang mommy ni Ambia.
Lumapit ako kay Tita at nag-bless.
Selene: "Good morning po, Tita Fem."
Fem: "Good morning rin, Selene hija. Tulog yata ang anak ko."
Selene: "Ay hindi 'yan tulog, tita. Nag-iinarte lang iyan."
Fem: "Huh, bakit naman?"
Selene: "E kasi tita, gusto niya ng apple kaso hindi ako marunong mag-peel."
Napailing nalang si tita sa kwento ko sabay tumingin sa direksyon ni Ambia na nakatalukbong pa rin pero alam ko nakikinig iyan. Spoiled brat.
Selene: "Ay, Tita. Magbabantay na po ba kayo sa kanya? Kasi po pupunta po sana ako sa National bookstore, may bibilhin lang po."
Fem: Oh, you can go now, hija. Ako nang bahala sa maarte kong anak."
She winked after she said that. I giggled softly before I get my bag and went out.
Napamulagat naman ako noong makita ko na papalapit sa room ni Ambia ang dalawang lalaking kilalang-kilala ko. Ang isa pa nga doon ay kras ko e. Lumingon ang dalawa sa akin at nginitian ako ng kras ko, siyempre ngingiti rin ako. Kinikilig ako e.
Xander: "Galing ka ata dyan sa room na iyan. Iyong kay Ambia ba 'yan?"
Renz: "Sorry ngayon lang kami nakadalaw. Kung hindi pa nga sinabi ni Pete, hindi namin malalaman e."
Selene: "Haha Ok lang iyon. Papasok ba kayo sa loob? Ah, nandoon nga lang ang mommy ni Ambs kaya nga um-exit na ang beauty ko e."
Nagkatinginan pa silang dalawa at parang naging tense ang aurahan ni Xander na ikina-kunot ko. May na-s-sense akong something ah. Oh-Em-Gee!! May kras si Xander kay Ambs?! Really?! Ok, na-excite ang tsismosa radar ko sa naisip ko.
E si Renz kaya? Ihh ang landi ko lang!
Xander: "Umm, selene..?"
Selene: "Ay malande! Ay ano ba iyon. Ano ngang sinasabi niyo?"
Renz: "Cute. Ang sabi ni Xander hindi na siya tutuloy sa loob. Lalabas na naman ata si Ambia bukas 'di ba? Iyon kasi ang narinig namin sa isang nurse kanina noong nagtanong kami."
Selene: "Ah, oo. Magkikita na naman kayo sa university sa monday, papasok na iyon."
Medyo nakakailang naman ito. Nakatingin lang kasi si Renz sa akin kaya kay Xander naman ako tingin ng tingin, umiiwas ako sa mata ni kras.
Xander: "Siya nga pala, saan ka pupunta niyan? Uuwi?"
Selene: "Ay! Hindi pa. Sa NBS lang. May bibilhin."
Renz: "Pwede sumama? Para hindi na maulit iyong nangyari kay Ambia babantayan ka na namin."
Xander: "Sus, sabihin mo na kasi na--"
Renz: "'Wag mo nang pansinin ang baliw na 'to. Ano, tara?"
Selene: "Ah, sige."
Wow! A date?! Ay hindi pala. May third party e. Third person? Ah, basta kasama ko si Kras ayos na iyon!
Nagsimula na kaming maglakad. Nasa unahan ako at silang dalawa nasa likuran ko at para pa ngang may bubuyog sa likuran kasi iyong bulungan nila parang tunog bubuyog. Mabuti nalang talaga at medyo malapit ang hospital sa mall kung saan may NBS kaya ayos lang maglakad. Medyo mainit nga lang dahil mag-l-lunch time na, pero keri lang.
Renz: "Nga pala, Selene. Bakit hindi na namin nakikita si Belle? Absent?"
Xander: "Malamang! Hindi mo nga nakita e, siyempre absent iyon."
Renz: "Gago, nagtatanong lang!"
Selene: "Ah oo, absent. Baka sa monday pumasok na rin iyon."
Xander: "Speaking of Belle, I saw her yesterday."
Renz: "Huh? Saan mo naman nakita? Sa Bar? 'Di ba nandoon kayo ni Jo, kagabi?"
Xander: "Oo nga. Nasa bar counter siya at kung hindi ko lang alam na kasing-edad natin siya, iisipin ko talagang mas mature pa siya sa atin."
Renz: "Why?"
Xander: "She doesn't look drunk pero ang daming tequila glass sa tabi niya. Mga siyete ata. At hindi mo pwedeng sabihin na baka sa kasama niya iyon kasi nag-iisa lang siya doon kagabi. Well, may bartender pero makiki-inom ba iyon?"
Habang nag-uusap sila ay nakikinig lang ako at napapamulagat sa mga nalalaman ko. Si Belle ba talaga iyong nakita niya? At kailan pa naging lasinggera si Belle? Kung sabagay, hindi namin siya nakasama ng apat na taon at mahigit pa. Hindi ko na alam masyado ang tungkol sa kanya.
Renz: "Wow.. umiinom ba kayo noon ng alak, Selene?"
Selene: "Ha? Naku, hindi no! Magalit pa si Mommy at daddy sa 'kin. Tsaka noong huli naming nakasama si Belle, 13 palang kami noon. Masyado pa kaming bata para uminom ng ganoong inumin."
Xander: "Hmm... my first drinking experience is when I was 14. Empe agad at walang halo."
Renz: "Same. Kasama ko pa nga si kuya noon. May pahintulot naman ni Papa."
Xander: "Nice!"
Nag-apir pa silang dalawa pero ako nakatahimik lang sa gitna nila at parang na-OP ako sa usapan nila. Iniisip ko pa rin kasi iyong pag-inom ni Belle ng alak ng ganoong karami. Doon ko lang naisip na, hindi na nga namin siya kilala, maraming nagbago sa kanya at para bang hindi na namin siya kasing-edaran ni Ambs kasi masyado siyang mature mag-isip.
Ngayon ko naiintindihan si Ambia kapag sinasabi niya sa aking medyo na-a-awkward siya kapag sila lang dalawa ni Belle ang magkasama.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakahinto na pala ang dalawa kaya ang nangyari ay nabunggo ang ilong ko sa likuran ni Renz. Sisigawan ko na sana ito pero may nakakuha ng atensyon ko.
May lalaking nakatayo sa harapan namin. In fairness, ang gwapo. May kamukha siya.
Xander: "K-kuya Therbie? A-anong ginagawa mo dito?"
Kilala pala ni Xander. Kuya raw e. Kapatid? Ay hindi, nabanggit niya pala dati na only son siya. Si kras ang wala akong masyadong alam, hindi ko alam kung may mga kapatid siya o wala rin.
Ngumiti ng bahagya si kuya Therbie raw, at binalingan naman nito si Renz. May kakaiba siyang tingin sa kras ko. Don't tell me.. jelly siya? Kasi gusto niya ako? Hehehe ang imagination ko na naman.
Renz: "Kailangan mo ba ako, kuya?"
What!? I heard it right. So, this handsome papabol is Renz' brother. Kaya pala ka-mukha.
Therbie: "Not you, but the girl behind you."
Ako? Ako lang naman ang nasa likuran ni Renz. Tumingin-tingin pa nga ako sa likuran tsaka sa gilid ko pero ako lang talaga nasa likuran ni Renz e. Tinuro ko pa nga ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala. Binigyan ako ni Papabol ng isang makalaglag-panty na ngiti.
Therbie: "Yes, you. Ikaw si Selene Abyssa Atienza, 'di ba?"
Selene: "Oo. Ako nga yata.."
Therbie: "Haha, silly girl. Pwede ba kitang makausap? Don't worry, I'm not a stranger, kapatid ko si Lawrence."
Renz: "Kuya, paano mo nakilala si Selene?"
Therbie: "I'm in a hurry, Troy. Selene?"
Selene: "Y-yes, sasama na ako. Pwede ko bang malaman kung saan tayo pupunta at kung anong pag-uusapan?"
Therbie: "Can I tell you that when we're in my car? Nagmamadali talaga ako e. Kailangan nating magmadali. She needs to see you."
Naka-drugs ata itong kapatid ni kras, well, poging naka-drugs. Kung ganito lang lahat ng mga drug-addict sa mundo baka nagpagumon na ako. Joke lang! Say no to drugs! Say yes kay pogi!
Naglakad na ako at sinusundan ko si Papabol na huminto rin sa isang maganda at sosyal na sasakyan! Sorry kras pero sobrang astig ni kuya Therbie mo! He has a nice car, he's handsome, he looks kind, all in all perfect na nga ata siya e! Is that possible?
Therbie: "Sakay ka na."
Selene: "Ah, ok."
And sumakay na nga ako. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa passenger seat at naamoy ko ang manly scent niya. So bango!
Umikot siya papuntang driver's seat at ilang sandali lang ay bumibyahe na kami at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
Therbie: "Pasensya na kung naabala kita. Mukhang may pupuntahan ata kayo ng kapatid ko."
Selene: "Ah, hindi naman masyadong mahalaga iyon. A-ano ba kasing pag-uusapan natin? Tsaka paano mo nalaman ang name ko?"
instead na sagutin ang tanong ko ay binigyan lang ako nito ng makahulugang ngiti. Ano naman ibig sabihin mo niyan, kuya?
End of PoV
Belle's PoV
Boss: "And your answer is..?"
Belle: "I'll cut any contacts I had with them. Maraming mas mapapahamak kapag patuloy pa akong pumasok sa SU. Kahit na masakit sa damdamin at mabigat sa pakiramdam. Kung para naman sa kaligtasan nila.. I am willing to sacrifice because I would be doomed if they get killed while being with me."
Boss: "I know how it feels to leave your family and friends, I understand how you're feeling. Pero dahil sa gagawin mong ito ay mas malaki naman ang tsansa na makikita mo pa ulit sila.. someday soon, probably. You can go to the clinic and be treated."
Belle: "Yes, Boss."
Until now, masakit pa rin sa damdamin lalo na kapag naaalala ko ang tawanan, ingay sa paligid na ginagawa nina Selene at Ambia. Hindi ko alam na mami-miss ko rin pala ang ingay nila. I laugh humorlessly at the thought.
Sa tatlong araw, wala akong ginawa kundi matulog, magmukmok, kumain, at balik tulog ulit. Minsan gusto kong umiyak dahil sa isipin na hindi ko na mapupuntahan sina Mama at kuya Pete, pero kapag naaalala ko ang mangyayari kapag kasama naman nila ako, naiisip kong tama ang naging desisyon ko.
There's no turning back now. It's like I just went back to when I was alone, again.
I woke up from my reverie when I heard the door bell rang. I don't wanna get up but I'm wondering who will visit me at this hour. Or is it an enemy?
Sa isiping iyon naging alerto ako at agad na kinuha ang baril ko sa ilalim ng kama at dahan-dahang lumabas ng kwarto papunta sa pinto. Sumilip ako sa peephole at laking gulat ko ng isang pamilyar na mukha ang makita ko.
Itinago ko ang baril sa shoerack na nasa malapit lang at tsaka ko binuksan ang pinto.
Selene: "Belle! Oh my gosh, you're here!! In this expensive condo unit!"
Belle: "What are you doing here? How did you know that I live here?"
Selene: "E kasi--"
Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil biglang may isang lalaki ang lumabas mula sa gilid. I look at him incredulously and then I feel mad.
Therbie: "Dinala ko siya dito, Belle."
Pumasok silang dalawa at noong nasa living room kami ay agad kong kinompronta si Therbie. Hindi ko tinitingnan si Selene dahil napapaiyak lang ako.
Belle: "Bakit, Therbie? Bakit mo siya dinala dito?! Alam mo naman na nasa panganib ang buhay ko e! Of all people, why did you do this, Therbie?!"
Therbie: "Hindi ko intensyon na magalit ka, Belle. Kaya ko dinala dito si Selene dahil sa nakikita ko ngayon sa'yo ay alam kong makakatulong siya na mapagaan ang loob mo. Huwag mong kimkimin lahat. Kung nasasaktan ka, sabihin mo sa kanya! Karamay mo siya!"
Hinampas ko ang mga gamit na nasa lamesa at napasabunot nalang ako sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. Nagagalit ako sa ginawa ni Therbie ng walang pahintulot ko, pero parang naginhawaan ako kahit papaano kasi may mapagsasabihan na ako ng mga sikretong matagal kong itinago. Mahirap rin naman kasing kimkimin lahat kung gusto mo nalang isiwalat lahat para hindi ka ma-stress.
Pero natatakot pa rin ako dahil may panganib sa buhay ko at ayoko siyang madamay. Kaya nga nag-desisyon akong lumayo na sa kanila, pero sinama naman ni Therbie si Selene dito.
Napatigil ako sa pag-iyak noong maramdaman ko ang malamig na braso na yumakap sa akin at pilit akong pinapatahan. Niyakap ko rin si Selene at sumubsob ako sa leeg niya at napahagulhol.
Selene: "Belle, tahan ka na. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron kayo nitong si Papa--este si kuya Therbie, pero kung ganito ka-seryoso ang sitwasyon mo, kailangan mo nga ng karamay. Don't get mad at him, he's just trying to help you."
Belle: "Pero.. mapapahamak ka... a-ayokong mangyari..s-sa'yo iyong nangyari.. kay Ambia.. t-tsaka k-kay Papa..Ayoko.."
Naramdaman kong napatigil siya sa pag-haplos sa buhok ko at humiwalay siya sa pagkakayakap. Nakakunot siya at para bang naguluhan sa sinabi ko.
Selene: "Anong ibig mong sabihin? Namatay si Tito Johanne dahil sa isang aksidente, 'di ba?"
Dahil sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ako makasagot sa kanya. Gusto kong ipaliwanag lahat pero nauunahan ako ng pag-iyak.
Until I heard Therbie's voice.
Therbie: "Selene, hindi isang aksidente ang nangyari sa Papa ni Belle. Mr. Johanne Meyer was killed brutally and Belle saw the whole thing."
Selene: "Wha..t?
Tiningnan ako ni Selene at parang sa akin niya gustong marinig ang lahat. Wala akong nagawa kundi tumango. Nakita ko na ring naiyak siya at mas lalo akong niyakap.
Selene: "Why didn't you tell your parents?! Bakit mo sinarili, Belle? ano ka ba naman! Kaya ka ba biglang nawala four years ago, because of this?"
Belle: "Oo, Selene. K-kilala ko na ang mga pumatay sa Papa ko. I-i can get my revenge sooner."
Selene: Belle, mali iyon! Hindi mo dapat ilagay sa kamay mo ang hustisya! Ang diyos ang bahala sa mga kaluluwa ng mga masasamang pumatay kay Tito! Ano ba?!"
Belle: "No, there's a way. Hindi ko naman papatayin ang pumatay sa Papa ko. Selene, do you wanna know why I left and had been missing for four years?"
Selene: "Oo, oo gusto kong malaman. Matagal ko nang gustong malaman pero hindi ko lang maitanong sa'yo kasi hindi mo naman sinasagot."
Belle: "Selene, I am a part of an agency. Black Diamond Agency is an agency na tumutulong sa mga ka-pulisan sa Pilipinas at sa ibang sangay nito sa ibang bansa. It was a secret agency, though. And I am a secret agent of BDA."
Narinig kong napasinghap siya at tulalang nakatitig lang sa akin. Noong muli akong tumango ay tuluyan na itong natulala. I know, it's not easy to accept that easily.
Selene: "You are.. an agent.. a secret agent! Wow.. in just a day, sobrang daming bombang sumabog."
Belle: "Sana ay hindi ito malaman ng ibang tao, especially not my parents and Ambia, Selene. Can I trust you?"
Selene: "Of course! Ngayong nalaman ko ito ay talagang hindi ako magsasalita. I promise!"
Belle: "Salamat--"
Selene: "But!.. on one condition."
Belle: "What?"
Selene: "No secrets anymore, Belle. Sasabihin mo sa akin lahat. Lahat ng mga nangyari sa'yo noong nawala ka. Deal?"
Belle: "Tss. Deal."
Selene: "Great! Well, you can start telling me, maybe later. Magpupunta ako ng NBS, gusto kong samahan mo ako. 'wag kang magkulong dito sa big condo mo."
Napailing nalang ako sa kanya. Sobrang dali niyang tinanggap lahat ng mga nalaman niya. Kakaibang babae talaga si Selene.