Trigger 21 - The final decision

1481 Words
The final decision Selene's PoV : Gustong-gusto ko nang dumalaw kay Ambia, kaso sabi ni mommy pumasok na raw muna ako at nakibalita na naman raw siya sa mommy ni Ambs at sinabi nitong OK na daw si Liit kaya hindi ko na kailangan mag-alala. Pero siyempre bffs kami noon e, magkasanggang-dikit kami noon kaya hindi ko maiwasang mag-worry. Kung ako hindi na mapakali habang nag-d-discuss ng pagkahaba-haba ang prof namin, si Belle naman walang imik at in fairness sa kanya, kalmado lang siya. Pero kahit kalmado siya may na-s-sense pa rin akong tensyon sa palibot niya. Para bang nagkakaroon ng war sa loob ng utak niya. Brain-war? Haha funneh, meh. I thank all the Gods and Goddesses in heaven when I heard the bell rang around the campus, it means dismissal time. Agad akong tumayo at isinukbit ang shoulder bag ko sa braso at hinintay si Belle para sabay na kaming lumabas. We were both walking side by side but we don't speak any word. Nararamdaman ko talagang may psychological war sa loob ng utak ni Belle e.  Noong hindi ako nakatiis, kinulbit ko siya. Agad naman siyang humarap sa akin. Selene: "Ayos ka lang ba, Belle? Ang tahimik mo kanina pa e." Umiling lang ito at naglakad lagpas sa akin ng hindi man lang sumasagot.  Selene: "OK sabi ko nga tatahimik na ako. Hindi na ako magtatanong. Arrgg! I'm all alone now." Pagkatapos kong mag-monologue ay naglakad na ako. Hinahanap ko pa nga si Belle pero parang nawala na agad ito. Tumakbo? Nah. She wouldn't tire herself out like that. Astig ang bffs ko kaya nag-lalakad lang iyon kapag nag-w-walk out. Mabilis akong naglakad palabas ng SU para pumunta na agad sa ospital kung nasaan si Ambs. End of PoV Belle's PoV : I hurriedly hid myself inside an abandoned house. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa pagtakbo kanina kakahabol sa tatlong mga naka-maskarang lalaki. Nakita ko sila noong saktong mag-angat ako ng tingin noong kinalabit ako ni Selene kanina. I tried to be as calm as possible and also pretended that I didn't notice them and I walked passed Selene in a slow pace, my usual walk. Noong nakalabas ako sa SU at tsaka ako naglabas ng baril na nakatago lang sa ilalim ng medyo mahabang palda ko, may naka-strap sa hita ko na lalagyan.  Nakipagpalitan ako ng putukan ng baril sa tatlong lalaking mukhang mga sniper at may kinalaman sa mga lalaking nang-ambush sa akin kahapon. Kung kanina naguguluhan pa ako sa magiging sagot ko sa pinag-usapan namin ni Boss kahapon, ngayon, nabuo na ang desisyon ko. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at saktong nakita ko silang tatlo at ganoon rin sila sa akin. I moved in a really fast motion and without blinking, I aim to their knees para hindi na sila makatakbo. Nagpaputok iyong pangatlo kong binaril kaya nadaplisan ako sa braso.  Pero hindi ko na inalintana ang kirot at nilapitan ko ang tatlong namimilipit sa sakit. ???1: s**t! ARAYYYY!!" ???2: "Arrggh!" ???3: "Shit.." Umupo ako para pumantay sa kanila and I look at them without any mercy or remorse about their situation. Belle: "Sino ang nag-utos sa inyo?" ???1: "Sa tingin mo sasabihin namin? Hindi kami tanga!" Belle: "Hindi nga kayo tanga pero mas matalino pa rin ako sa inyo."  Pinaputukan ko ang kabilang tuhod niya na sobra niyang kinasigaw sa sakit. Noong akma kong puputukan ang paa niya ay bigla itong nagtaas ng kamay na para bang pinatitigil ako. ???1: "Mag-magsasalita na a-ako.. a-ang nag-utos.. a-ay si--" Katulad na naman ng nangyari kahapon, bago pa nila nasabi ang nag-utos sa kanila ay pinatay na naman sila. Talagang walang balak buhayin ng kung sino mang nag-utos ang tatlo dahil noong pina-check ko kay Doline, BDA's weapon expert, ang bala na nakuha ko kahapon, hindi iyon ang nakapatay sa lalaki kundi ang nakalagay sa balang isang uri ng lason na madaling makapatay. Wala pa atang ilang segundo ay nawawalan na ng buhay ang sino mang tamaan nito. I get my phone in my pocket and called for the people in BDA to clean up the mess here. Mabuti nalang at walang taong dumadaan dito sa lugar na ito. Agad akong pumunta sa sasakyan ko na nasa parking lot at mabilis na pinaharurot iyon papunta sa ahensya. Pagkadating doon ay naghihintay na si Boss sa office niya at alam kong alam niya ang nangyari sa akin ngayon. Boss: "Ilan sila ngayon?" Belle: "Tatlo. I asked them but when they were about to answer who's the mastermind..." Boss: "They were killed. I knew it. Pumunta ka muna sa clinic, you have a wound on your left arm." Belle: "Yes, but before I went there. Gusto ko lang sabihin ang sagot ko sa pinag-usapan natin kahapon." Boss: "And your answer is..?" Tiningnan ko ng mataman si Boss at ganoon rin siya sa akin. I made the decision for everyone's safety. It'll be hard but I needed to do this in order for them to be in a harmless situation. Ayaw ko nang maulit ang nangyari kay Ambia. End of PoV Therbie's PoV : Kanina ko pa sinusundan si Belle, gusto ko nga sanang makisali sa barilan nila kanina ng tatlong nakamaskarang lalaki, lalo na noong makita kong nadaplisan si Belle, I badly want to join her and help her to fight those masked guys but I thought about my mission so I just stick to that and observe her from afar. Ngayon ay nandito na ako sa BDA, sa office ni Boss para ibalita sa kanya ang nakita ko. Alam kong nandito si Belle at nasa clinic na iyon malamang tapos uuwi na rin. Tapos na ata silang mag-usap ni Boss. And I kinda guess what Boss told her yesterday.  Sa mga nangyayaring ganito, hindi malayong sabihan ni Boss si Belle na itigil na ang contact niya sa mga kaibigan at kapamilya niya dahil mapapahamak ang mga ito. And now that it comes to this, I kinda knew what will be her answer. Pumasok ako sa office at katulad ng inaasahan ko, si Boss nalang ulit mag-isa doon. Nag-angat ito ng tingin at tumayo sa swivel chair niya at lumipat sa sofa. I sat across him. Boss: "So, what happened?" Therbie: "May tatlong lalaking nakamaskara ang nakalaban ni Belle kanina. Alam mo na naman siguro iyon 'di ba?" Boss: "Yeah. Trigger told me earlier. Anything you notice?" Therbie: "I'm positive now that Jerome Salcedo's behind this all. Nakita ko ang sniper na bumaril sa tatlong lalaki at pinaputukan ko ang paa niya pero nanlaban kaya.." Boss: (sighs) "You killed him, because you have no choice. That's OK, JT. Hindi man tama ang ginawa mo dahil against 'yon sa human rights at sa mata ng diyos, sa trabaho nating ito, hindi iyon maiiwasan. This was your first kill, right?" Therbie: "Yeah. Anyway, I got this."  Kinuha ko sa bulsa ng pantalon ko ang isang cellphone, ang phone na hawak ng sniper kanina. Ibinigay ko ito kay boss. Therbie: "That is the phone of the sniper. Kinalkal ko na iyan kanina at nakita ko ang pangalan ni Jerome Salcedo as the last caller of the sniper. You can check it to make sure." Boss: "No need. From the start, I'm really sure that it was Jerome's doing. Hindi ko lang matanggap noong una. Kahit na nga napatay na niya noon pa si Johanne, hindi ko pa rin mapaniwalaan na nagagawa niya itong karumal-dumal na gawain na ito. We were close friends since college and I can't help but to blame myself for what's happening now." Therbie: "Boss, wala naman kayong kasalanan doon. It was Jerome Salcedo's decision to be like himself now. Sigurado akong ganito rin ang masasabi ni Mr. Johanne Meyer kung nabubuhay lang ito." Boss: "Alam ko iyon. Kilala ko silang dalawa, lalo na si Johanne, sobrang buti ng taong iyon. Dahil sa pagiging mabuti niya, iba nga lang ang pagtanggap ni Jerome sa bagay na iyon. Naging makitid ang utak niya at nagalit siya kay Johanne, na hindi naman dapat." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Boss at noong mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang lungkot at panghihinayang sa mga mata niya. Bukod kay Belle, mukhang si Boss ay talagang apektado rin sa nangyayari ngayon. Sabagay, kung ang mga matalik mong kaibigan ay maging kaaway ang isa't-isa at hindi lang simpleng away iyon, may p*****n ng nangyari, talagang malulungkot ka at manghihinayang. Ilang sandali ng pananahimik, nagpaalam na ako kay Boss para umuwi at tumango lamang ito. Naintindihan ko naman na hindi niya kayang maging masaya sa ngayon kaya umalis nalang ako. He needs some time alone. Bukas ko nalang rin sasabihin ang nabuo kong desisyon kanina habang tinitingnan ko si Belle at ang kaibigan niyang si Selene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD