The Mastermind
Therbie's PoV :
I was just playing rubix cube here in my room. Hindi ako umuwi sa condo ko galing sa Diaz's Hotel and Resort, kundi dito sa bahay ng mga magulang ko. I missed the house and I also missed my siblings. Hindi ko pa nga pala nakaka-usap si Troy tungkol sa pagsali niya sa isang gang ng hindi ko alam.
Si Xander lang ang nakakaalam na alam ko na ang tungkol sa gang nila, pero hindi ko pa nakaka-usap ang kapatid ko personally tungkol sa bagay na iyon.
Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at mula doon ay pumasok ang bunso kong kapatid, si Sophia Terry or Sofie for short.
Sophia: "Hi! Kuya Therbie!!"
Bigla-bigla itong sumunggab sa akin at niyakap ako, dahilan para mapahiga ang kalahati ng katawan ko sa kama at nasa ibabaw ko ang kapatid ko na parang hindi alintana ang daing ko sa likuran.
Sophia: "I miss, miss, miss, miss youuuuu!!!"
Therbie: "I know, Sofie, pero pwede bang umalis ka muna dyan sa ibabaw ko, ang sakit ng likod ko. Hindi ka na bata, dalagita ka na nga e. Hindi ka na magaan."
Sophia: "Eeeee!! Ang sama mo kuya! I'm on a diet kaya so hindi ako mabigat!"
Therbie: "Shh! 'wag ka ngang manalita ng malakas, bunso. Oo na hindi ka na mabigat. Pero bakit ka naman naka-diet?"
Sophia: "E kasi sabi rin ni kuya Troy tsaka ni kuya panget Xander na mataba raw ako wala na raw magkaka-crush sa akin. He's so mean to me, kuya."
Nakatayo siya sa harapan ko at naka-pout pa na parang nagtatampo talaga sa kuya niya. I tapped the space beside me and she sat there.
Therbie: "Bunso, hindi ka mataba, OK? And you're just 14, masama sa iyong hindi masyadong kumain dahil kailangan mo iyon to be more taller and healthy. And about your kuya Troy, I'll talk to him na bawasan ang pang-aasar sa'yo. Ayos ba iyon?"
Sophia: "OK po, kuya."
Therbie: "Kamusta naman ang studies mo?"
Sophia: "Ok naman kuya. My grades are all high and I was even elected as the school's student council president!"
I patted her head and gave her a double thumbs up. She's a smart girl and I'm so proud of her, as her brother. Kahit na hindi masyadong nag-s-stay sila Ma, at Pa sa bahay dahil sa mga negosyo namin sa iba't-ibang bansa, napalaki pa rin nila kami ng maayos at may takot sa diyos. Hindi kami nagtatampo kung halos hindi na sila umuwi dito sa bahay sa isang taon, ang mahalaga ay nakukumusta pa rin nila kami. Walang palyang tumatawag ang mga iyon sa akin o 'di kaya sa mga kapatid ko.
At tsaka sobra-sobra naman ang sakripisyo nila sa aming tatlo sa pagpapalaki at pag-aalaga at pagpapa-aral, kaya pinababayaan nalang namin sila na laging nagt-travel. Parang lagi silang nag-h-honeymoon because they were so much in love with each other.
Iyon ang kinahahangaan ko sa mga magulang ko at gusto ko ring mangyari sa akin iyon at sa babaeng mapapangasawa ko sa hinaharap.
And I hope that it's 'her' that I'll spend my lifetime with.
Therbie: "Kung ganoon pala katalino ang bunso namin, ibig sabihin niyan may mga umaaligid na sa'yo?"
Sophia: "Hmm.. yes, meron kuya. May mga gusto manligaw sa akin at tsaka may mga crush. Hihi!"
Therbie: "Sige pakilala mo dito at babangasan ni kuya ang mukha."
Sophia: "Ihh, kuya! Ang morbid mo."
Therbie: "No crushes and boys for now, Sophia Terry. Aral muna. Hindi naman mauubos ang mga lalaki dyan."
Sophia: "Yes po, kuya."
Ngumiti-ngiti akong tumango at marahang ginulo ang buhok nito. As usual, nainis ito sa ginawa ko. Parang may kilala akong babaeng kapag nagugulo ang buhok ay grabeng pagmamaktol ang gagawin.
Matapos ang kamustahan ay umalis na rin si Sofie sa kwarto ko at pumunta na sa room niya kaya mag-isa na naman ako. I was about to finish the rubix cube that I'm playing when I heard my phone, it's ringing.
Boss Dominic Calling...
Therbie: "Yes, boss?"
Boss: *JT, Get in here, asap.*
Therbie: "May nangyari ba, boss?"
Boss: *It's Trigger.*
Therbie: "Ok, I'll be there in a few."
Agad akong nagbihis at nagmamadaling lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. I drove faster and in just a few minutes I am inside the BDA premises. I immediately walk towards Boss's office. Pagkarating ko doon ay nakita ko si boss na tinanguan ako at napadako ang tingin ko sa isang bulto ng nakayukong babae. Tila ba ang bigat ng problema nito.
But what really caught me is the blood stains on her shirt and hands.
Therbie: "Boss."
Boss: "Mabuti naman at nandito ka na."
Therbie: "Anong nangyari sa kanya? Bakit may mga blood stains siya?"
Boss: "Hey, young man, calm down. Trigger is OK. May limang lalaki kasing in-ambush siya kanina na napag-alaman kong nautusan ng kung sino."
Agad akong lumapit kay Belle and sat beside her.
Therbie: "Belle, are you alright?"
Belle: "I am, unfortunately."
Therbie: "What--"
Boss: (bulong) "She's OK, but she's with her friend earlier when she was ambushed. Unfortunately, her friend got involved and she was shot while protecting Belle."
I was just in a dazed while processing all of it in my head. Her friend..
Therbie: "Sino sa kanila?"
Belle: "Ambia. But she's stable now, according to Selene dahil tinawagan ko siya kanina. Pero still, hindi pa rin ako matatahimik. Now that it came to this situation, I know that I really must be careful."
Therbie: "Where's the suspect? I heard you were ambushed by five guys."
Belle: "They're all dead, JT. The sniper, who was supposed to shot me, got killed right when he was about to spill the mastermind to me. Arrgh! If I found that son of a gun, I will personally put him or her to hell, permanently."
Again, I was shocked. Kung ganoon ang nangyari ay talagang planado nga ang ginawa kay Belle. Pero bakit kailangan pang may madamay at ang malala doon, kaibigan pa ni Belle. I knew how she treasures her friends, Selene and Ambia, and how she wanted to protect them and her family from harm that she may cause them. And it really happened. One of her friend got involved.
Boss: "Nagpa-imbestiga na ako sa mga Sub-agents at kasalukuyan silang nandoon sa lugar na pinangyarihan ng pagpatay. Sana may makita tayong makakapag-lead sa atin sa mastermind na iyon."
Belle: "Arrghh! I am so stressed out by all of this! I think I need to go home first."
Boss: "Mabuti pa nga at makapagpahinga ka na muna. Don't worry, we will find out who is behind all this."
Tumango lang si Belle. Naaawa ako sa hitsura niya, para na ngang hindi na niya kakayaning mag-drive pauwi dahil sa sobrang pagod at stress niya sa mga pangyayari.
Therbie: "Do you want me to take you home?"
Belle: "No, thanks, Therbie. I wanna be alone for now."
Tumayo na ito at akmang palabas na noong magsalita si Boss.
Boss: "Trigger, tungkol sa pinag-usapan natin kanina, pag-isipan mo iyong mabuti and don't forget to give me your answer within 24-hours."
Belle: "I will. I'll go now."
Therbie: "Ingat ka, Belle."
Belle: "......hm."
Mabilis itong umalis. Ilang minuto akong walang imik at nag-iisip. Ano kayang pinag-usapan nila ni Boss? Tungkol saan kaya iyon? I was bothered by that. When Boss D. called us by our code name, it means serious business.
Boss: "Kung ano man iyang pinagtatakhan mo, 'wag mo nang tangkain pang itanong sa akin. It's a private matter between me and Trigger only."
He hit the bull's eye. Because I was about to ask him about that.
Therbie: "Yes, boss. Pero ano ba talagang dahilan at pinatawag mo ako dito? I know that it's not just about what happened to Belle. I know there is something behind your sudden call."
Napatanga lang ako noong biglang humalakhak si Boss na para bang nagsabi lang ako ng isang nakakatawang joke sa kanya. Napakamot nalang ako sa sentido sa kakatawa niya.
Boss: "Therbie, therbie.. always the sharp mind-reader. And yes, I called you because of another reason. I have a mission for you and it's about Trigger."
Naging alerto ako noong mabanggit ni Boss na tungkol kay Belle ang mission ko ngayon. Parang may hinuha na ako sa kung anong misyon iyon pero hinintay ko nalang si Boss na matapos magsalita.
Umupo si Boss sa swivel chair na kaharap ng table niya at ako naman ay naupo sa isang sofa na hindi nalalayo sa pwesto niya.
Boss: "This is a serious matter, JT. May sasabihin ako sa'yong hindi ko pa nasasabi kay Belle. It's about the 'mastermind'. I have a hunch on who it could be."
Therbie: "You knew."
Boss: "Yes. Though I'm not sure at first, kaya nagpa-imbestiga ako kay Ara. Pina-check ko sa kanya ang listahan ng mga pangalan ng umuwi sa NAIA noong gabi na umuwi tayo galing sa resort ko."
Therbie: "Sino ba kasi iyan, Boss?"
Boss: "When I saw the lists, I saw his name and my hunch was answered. After 3 years, umuwi na rin sa Pilipinas si Jerome Salcedo, my old friend."
Kung kanina nagulat na ako sa mga nalaman, mas lalo na ata ngayon. Kung pagtatagniin ko ang mga impormasyong nalaman ko ngayon, Si Jerome ang posibleng mastermind ng pagpapa-patay kay Belle ngayon. Kinabahan ako at nanindig ang balahibo dahil sa nalaman ko.
Pero may hindi pa rin ako maintindihan.
Therbie: "Paano niyo naman nalaman na umuwi na nga si Jerome dito sa Pilipinas?"
Boss: "A week ago, his wife, Cassandra Salcedo, or formerly known as Cassandra Ramos, arrived at the NAIA at around 11 pm. Mula palang doon, naghinala na akong malapit na ang pag-uwi ni Jerome kaya naman lagi kong pinapa-imbestigahan kay Ara ang mga lists of arrivals na galing sa Paris, France."
Therbie: "Now I get it. Now, what will be my mission?"
Boss: "Your mission is to follow Belle. Alam naman natin ang kakayahan niya at sa ngayon, I have a hunch that she will investigate, herself, who's behind the ambush that happened. At dahil mautak si Belle, malalaman niya--"
Therbie: "--malalaman niya na ang mastermind sa pagpapa-patay sa kanya ay walang iba kundi ang parehong taong pumatay sa ama niya, tama?"
Boss: "Tumpak, Therbie. Ang misyon ay simple lang. Kailangan mo siyang bantayan. Kahit hindi naman araw-araw pero 'wag mo siyang iwawala sa radar mo at kapag may kutob kang may ginagawa siyang kahina-hinala, that's the time na magre-report ka sa akin. Understood?"
Therbie: "Yes, boss."
Boss: "Ngayon kaya ko pinaalis si Belle mag-isa ay dahil confident akong magiging ligtas siya. May agent akong inutusan para sundan siya hanggang sa makauwi siya sa condo unit niya.
Napakunot ang noo ko. Sino kaya iyon?
Therbie: "Sino naman?"
Imbes na sumagot, ay binigyan ako nito ng makahulugang ngiti na sobrang kinikilabutan ako kapag ginagawa niya iyon.
Akma na akong magsasalita ng biglang mag-ingay ang phone ni boss na kinuha nito sa bulsa niya at walang lingon-lingon na sinagot ang tumawag.
Boss: "Knight."
Si knight ang inutusan ni Boss? Sinenyasan ko si Boss na i-loudspeaker ang phone niya at ginawa naman nito agad.
Knight: *..Boss, nakakahalata na ata si Belle na sinusundan ko siya.*
Boss: "s**t! Kapag ganitong seryoso si Belle, mas lumalakas ang instinct niya at mas sensitive ang pakiramdam niya sa paligid lalo na at may nagtatangka sa buhay niya."
Knight: *I know, boss. Good thing, she's inside her condo unit now. Pabalik na ako dyan, Boss.*
Boss: "Ok, knightwalker. We'll be waiting for you. Kasama ko si Therbie."
Pinatay na agad ni Boss ang tawag. Hindi na naman ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanong ko agad si Boss.
Therbie: "Bakit si Knight, Boss?"
Boss: "Because he wanted to do the job. And we both know that he had feelings for Belle before kaya mahalaga rin sa kanya ito."
Therbie: "I know that. Mabuti naman at nakauwi na siya."
Boss: "Yeah. Sana lang pag-isipang mabuti ni Belle ang napag-usapan namin."
Now that he mentions it, I'm bothered again about that matter.
End of PoV
Jerome's PoV (Si Someone!)
Naglilinis lang ako ng baril ko. Ang baril na kumitil sa buhay ng dati kong kaibigan, si Johanne. Nangingiti ako kapag naaalala ko ang nakakaawang sinapit niya at kung paano siyang nagmakaawa sa akin na hindi ko siya patayin.
But unfortunately, my finger slipped and pressed the trigger before I knew it.
I am having a drink and I am enjoying it when I heard my wife's voice from behind.
Cassandra: "J-jerome.."
Jerome: "What, now?"
Cassandra: "G-gusto ko lang s-sanang magpaalam na p-pupunta ako sa a-anak ko."
Namuo bigla ang galit ko at ibinato ko sa glass window ang kopitang hawak ko. Siyempre nabasag iyon pero wala akong pakialam. I was already in a foul mood and it was all because of this goddamn woman!
I walked near her and grab a hand full of her hair at hinila ko siya papasok sa kwarto kung saan ko siya kinukulong. Pabalibag na tinulak ko siya sa malaking kama na iyon at kinalag ko ang sinturon ko at hinubad iyon pati ang brief ko.
Yes, this is my punishment to her, I f****d her rough and senseless.
Wala akong ibang narinig sa kanya kundi ang pag-iyak niya at minsanang pagsigaw kaya't sa inis ko ay pinagsasampal ko siya hanggang sa mamaga na naman ang mukha ng asawa ko at pumutok ang labi nito.
Pagkatapos ko siyang gawing parausan ay iniwanan ko siya doong nag-iiyak. I went back to the sofa and tried to calm my nerves.
Ang ayoko sa lahat ay iyong hindi sumusunod ang mga tauhan ko sa mga utos ko. Kapag ginawa nila iyon ay papatayin ko sila. Matagal ko na sanang napatay ang basurang babaeng iyon, noon pa sanang nakuha ko na lahat ng ari-arian niya at ng pinatay kong asawa niya, kung hindi lang sa gago niyang anak.
And speaking of Joseph, now is the time to use him. I would call him soon. Hindi niya pa alam na nakauwi na kami ng ina niya kaya alam kong masusurpresa iyon. I can't wait.
Trash calling..
Hmm, mukhang may paparating na namang magandang balita. I answer the call.
Jerome: "Yes.."
???1: *Boss Jerome, alam na dito sa BDA ang nangyari kay Trigger kanina. Nandito kasi siya at pinapa-imbestigahan niya ang nag-utos sa sniper kanina.*
Jerome: "Oh, really? They're no fun. Nag-uumpisa palang ako, naaasar na agad sila? Haha pathetic. Anyway, what is Dominic's reaction about all this?"
???1: *About that, boss, mukhang may alam na si Boss D. sa kung sino ang mastermind. Pinaimbestigahan niya kasi ang lists of arrivals from France, kay Ara, his secretary.*
Jerome: "Good job. Matalino talaga si Dom, pinahahanga niya ako. Anyway, always keep an eye to them and you will have your rewards soon."
I ended the call and I laughed really hard. Naluluha-luha pa nga ako kakatawa. Natutuwa ako sa mga nangyayari at mukhang mapapadali ang mga plano ko dahil nakikisama ang anak ni Johanne. Malapit na siyang sumunod sa ama niya ng hindi ako nadudungisan sa kamay. Such happenings, it was really entertaining.
maghintay ka lang dyan, Johanne, isa-isa ko nang pasusunurin ang pamilya mo para happy family pa rin kayo.