Trigger 06 - Man-to-man talk

2031 Words
Man to man talk Therbie's PoV : Shit! I can't contain my fuckin' smile from earlier. Niyakap ko siya! I hugged Belle, I actually hugged the love of my life. Kahit na less than 30 seconds lang ang tinagal noon masaya na ako kaso lang naramdaman ko ring nailang siya dahil sa naging mailap ang mata niya at hindi na siya lumingon pa sa akin hanggang nasa loob na kami ng Office ni Boss.  Pagkakita sa amin ni Boss, sa akin nag-landing ang mga mata niya at mataman akong tiningnan sabay ngumiti ng makahulugan and he mouthed 'I saw what you did out there'. Napailing nalang ako at sumunod na sa isa pang room dito sa office niya na nagsisilbing 'Meeting/Briefing room' namin. Boss: "Agents! The two finally arrived and I know you're excited to see them, am I right? Yeah?" Narinig ko ang famous 'Tss' ni Belle kaya napangisi nalang ako at si Boss naman parang batang ngumuso na parang nagpapa-cute. Tsk, Goodness! Boss: "Well, hindi ko na patatagalin dahil oras na ng bakbakan--este trabaho pala, excuse me." Belle: "Tss." Boss: "Oo na eto na po.. sunget ..anyway YOU TWO OUT THERE, COME IN!" Pagkasabi ni Boss noon ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang taong nakakagulat makita at hindi ko talaga ine-expect. I mean, the last time I know nasa Japan pa rin sila for a long-term mission they did there. Almost a year rin ang tinagal noon.  But now they are here. In the flesh. Boss: "I know you have questions for them pero uumpisahan ko muna kayong i-brief sa misyon na ito at kung bakit silang dalawa ang kasama niyo." Belle: "The lovers has arrived, huh? kailan pa?" ???1: "Last night. Kaya medyo jetlagged pa kami." ???2: "And mind you, kahapon lang rin namin natapos ang mission sa Japan kaya sobra pa sa sobra ang pagod namin." Therbie: "I can see that." ???2: "You look delighted, I wonder why." (Teasing tone) Masamang tingin ang binigay ko sa sira-ulong ito. Nag-peace sign lang ito at ngumiti. Sipain ko siya dyan e. Boss: "Alam niyo naman siguro na laganap ang cyber crimes sa buong Pilipinas, hindi ba? Isa ito sa mga malaking problema ng bansa at dahil may ibang tinututukan ang mga kapulisan natin ay sa atin ibinigay ang task na ito." Therbie: "Hmm.. cyber crimes pala." ???1: "I'll just remind you all na tungkol sa Cyber crimes rin ang naging misyon namin sa Japan na ang nagpapatakbo ay magka-sosyo na hapon at pilipino. So, 'yun lang." Boss: "Yes, that's right. Kaya silang dalawa ang kasama niyo sa misyong ito ay dahil ang naging mission nila sa Japan ay somehow related sa magiging mission niyo ngayong gabi. The owners of 'Hen-taku', one of the biggest company na gumagawa ng mga kababalaghan sa internet like child-pornography, cyber-s*x, etc., ay related sa owner ng 'Cranbeary'." Belle: "Cranbeary? Iyong company ba iyan na gumagawa ng mga merchandise na child-friendly? That Cranbeary?" Boss: "Yes, Trigger. That Cranbeary. Sa mata ng publiko, isa lang iyong merch store na para sa mga bata, pero ang hindi nila alam ay ang kumpanya na iyon ay nangunguha ng mga bata at binibenta nila sa ibang bansa sa malaking halaga para maging s*x slaves o i-train para sa ganoong gawain. Ginagawa nila ang transaction through internet na usong-uso ngayon sa mga kabataan. Isa rin sa ginagawa nila ay ang cyber-s*x, kung saan maghuhubad ang bata sa harap ng camera na may nanunuod na foreigners at siyempre may bayad iyon. Ginagamit nilang kasangkapan ang mga bata sa marumi nilang gawain. This has to stop before more children will be abducted and be accessories of those bastards for their evil doings." Belle: "Those fuckers." ???2: "Exactly my thought." Therbie: "But cursing at them won't make the children safe. We need to act now." ???1: "Sorry, Dada but I agree with Therbie. Let's kick the asses of those mother-fuckers." ???2: "Momo, stop cursing. Alam mo naman na lalo kang sume-sexy when you curse e."  ???1: Ihh! Dada pinapakilig mo ako. Love you." ???2: "Love you more, Momo." Belle: "That's so gross, Knight, Nicolet." Ngumisi lang ang dalawa at magkahawak-kamay na naunang lumabas ng briefing room patungong parking lot para kunin ang Van na gagamitin namin.  Ang dalawa nga palang iyon ay mga kasamahan rin namin, Si Knight Durano at ang kanyang girlfriend--Obviously--ay si Nicolet Panganiban. Their agent codenames are 'Knightwalker' and 'Heart'. They're one of the top ten agents, like me and Belle. Pagsakay namin sa Van ay agad na kaming pumunta sa 'Cranbeary Merchandise store', using our navigator. This crew van is not just an ordinary van na karaniwang nakikita natin sa kalsada. From the outside, it looks like an ordinary Van na sinasakyan ng mga artista pero kung papasok sa loob ay babalandra sa'yo ang iba't-ibang high-tech equipment na beneficial sa missions na ginagawa namin.  Habang nasa loob ng Van ay nag-usap na kami tungkol sa plano. Knight: "For this mission, me and JT will be the eye. We will give instructions and all you will be needing when you go inside the store. Are we clear, girls?" Belle: "Crystal clear" Nicolet: "Yes, Dada." Therbie: "Heart, focus muna." Nicolet: "Yes, JT." Knight: "Anything you wanna ask?" Belle: "Do we need to use guns for this?" Knight: "Parang hindi naman na since mag-s-spying lang naman tayo pero since there will be an ambush later, mag-dala na rin kayo. Clear?" Belle: "Roger." Nicolet: "Roger!" Eksaktong ala-una ng madaling araw ay nakapag-park na kami sa medyo malayo sa mismong store para walang makahalata. Naghahanda na sina Belle at Nicolet para sa pagpasok nila sa store. Nakita ko pa ngang nag-sign of the cross si Belle at ganun rin si Nicolet bago sila humarap sa amin para magpaalam. Nicolet: "We'll be going now." Nasabi nito. Nilapitan ito agad ni Knight at nagpaalamanan. I even saw Knight kissing the forehead of her girlfriend and I felt envious for a second. Inalis ko nalang ang tingin sa kanila at nag-focus kay Belle na parang nakita ko ring nakatingin sa mag-boyfriend kanina pero nag-iwas rin ito ng tingin at sa sandaling nakita ko ang mga mata nito, parang may nabanaag akong emosyon, hindi ko lang alam kung ano iyon dahil bigla rin naging blangko ang mga mata nito. Knight: "Be careful and see you later." Nicolet: "Yep, see ya." Belle: "Let's go, Heart." Nicolet: "Coming!" Nakaalis na ang dalawa. Nakikita namin sila sa mga CCTVs na naka-install sa loob ng store na ginawan na ng paraan kanina ng mga sub-agents na nasa control room. Our communication device is also set and we tested that earlier at nagkakarinigan naman kami. Habang walang ginagawa ay inalis muna namin ang communication device na nakakabit at pinanuod namin sila sa screen.  Knight: "Haayy I'm feeling uneasy, dude. Ikaw ba?" Therbie: "Lagi ka naman uneasy lalo na kapag si 'Momo' mo ang nasa field e." Knight: "Of course, I'm worried. Girlfriend ko iyon, mahal ko." Therbie: "E 'di ikaw nang in love at may GF." Knight: "Why does that sound so bitter, Therbie?" Sinamaan ko ito ng tingin na hindi naman pinansin at pinagtawanan pa ako. Ang buti niyang kaibigan grabe. With sarcasm. Therbie: "Shut up, Knight." Knight: "Pare, advice lang ah. Bakit hindi ka pa kasi umamin ng pagsintang pururut mo kay Belle? Haha, ang tagal na niyan overdue na." Therbie: "Easy for you to say." End of PoV Knight's PoV : Tinawanan ko si Therbie. Ang torpe talaga ng kaibigan kong ito. Matagal na siyang may gusto at mahal na nga niya si Belle pero hindi niya naman makayang i-amin. Natatakot siyang ma-reject ng number one emotionless at cold na si Trigger. Knight: "You're just saying that because you never even tried in the first place. You never tried confessing your feelings for her. Kailan ka pa ba aamin? Kapag huli na?" Sinuntok niya ako sa balikat. Napadaing ako medyo malakas kasi e. I knew it I hit the bull's eye kaya ganyan siya makapag-react. Pero kung naduduwag siyang umamin, hindi ko rin siya masisisi lalo pa't mukhang wala sa bokabularyo ni Belle ang salitang 'Love' sa ngayon. Masyadong focus si Belle sa paghahanap sa mga taong pumatay sa tatay niya at kung aamin si Therbie maba-balewala lang iyon at magkakasakitan pa. Mas malala kung ganoon. Knight: "Ok, Ok, hindi ko na sasabihin iyon. Naiintindihan rin naman kasi kita, kahit papaano. Naranasan ko rin naman iyang nararanasan mo ngayon e. You know how Nicolet and I started, right? Nakailang confess ako at ilang reject rin niya ang natanggap ko bago naging kami. Mahirap umamin lalo na at walang assurance na maririnig mo sa kanya ang gusto mong marinig.  Therbie: "I agree." Knight: "Pero pare, iyon ang love. Tatanggapin mo ang rejection kahit masakit, pero hindi ka susuko. Kasi ni-reject ka pa lang naman, wala naman sinabi sa'yo na hindi ikaw ang mahal o kung anuman. Sinuwerte lang siguro ako nung payagan ako ni Nicolet na ligawan siya. Therbie: "Ang sabihin mo kinulit mo kaya sumuko na rin siya at pinayagan ka nalang. Kakaiba ka kaya mangulit. Tsk." Natawa ako. May tama naman kasi siya ro'n. Late ko rin kasi na-realised na mahal ko si Nicolet at noong nalaman ko ang nararamdaman ko, agad akong umaksyon. Ganoon kasi ako. Hindi ako nagpapaligoy-ligoy at sinasabi ko agad ang gusto kong sabihin, I never sugarcoat my words, straight to the point akong nagsasabi. Kaya nga rin minsan ilag sa akin ang mga tao kasi prangka ako. Nitong huli ko nalang natutunan na magdahan-dahan sa pananalita at sa choice of words ko. Naging tahimik kaming dalawa. Naisipan kong buksan ang radyo at para nga namang nananadya kay Therbie ang kanta na biglang nag-play. Natawa tuloy ako. Narinig ko namang napa-'tss' si Therbie. Nagagaya siya kay Belle. Namamatay na ang mga rosas sa tabi di ka parin bumubili Nauubos na ang oras sa kahihintay pero ni sulat ni tawag wala   Knight: "Ang tadhana na ang nagsasabi kung ano ka, Therbie." Therbie: "Ulol! Patayin mo nga iyang radyo!" Knight: "Nope, masaya nga iyan e. Walang pikon p're." Therbie: "Sana hiwalayan ka ni Nicolet." (Bulong) Ngumisi lang ako. Hindi mangyayari iyan, malabo. Sobrang in love at patay na patay sa akin si Momo kaya imposible iyan. Siyempre MAS deds na deds ako sa kanya. Wooshoo! Bilisan mo na ngayon Kasi tumatakbo ang tren Bilisan mo na ngayon Iiwanan ka, iiwanan   Ayoko ng torpe(8x) Pero gusto kita...   I was laughing hard doon sa bandang huling lyrics. Talagang inuulit-ulit pa iyong salitang magde-describe kay Therbie. TORPE! I missed laughing hard like this. Matagal kami ni Momo sa Japan e lagi kaming serious mode. Buti nalang nakakahanap pa rin kami ng time sa isa't-isa pero sobrang limitado. Sabagay, pagkatapos nitong mission na ito, vacation time kami. Kailangan kong dumalaw sa pamilya ko sa Tarlac at ganoon rin si Nicolet sa pamilya niya na nasa Cavite lang naman. And if you'll ask kung alam nila ang work namin, Oo, Especially ako dahil open ako sa parents ko. They were against at first, sino ba namang hindi? Pero eventually napapayag ko sila with Boss' help. Noong natapos ang kanta ay pinatay ko na ang radyo at ikinabit ang ear-plug para marinig namin pati na rin ang maliit na micky, para makausap namin sila.  Wala pa mang ilang sandali ay nakarinig kami ni Therbie ng two gun shots sa device. We both stiffened from our seats until a familiar voice spoke from the other line. Nicolet: "We finished the mission, but Trigger got shot at the back. We need help and back-up." Therbie: "I'll go there now. Back-up request granted." Si Therbie na ang pumunta sa store at ako na ang tumawag ng back-up at pati na rin si Boss sinabihan ko na ihanda ang ambulance ng BDA. What the hell happened to Trigger?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD