ANGELA Parang bumabaliktad ang sikmura ko paggising ko pa lang sa umaga. Ilang araw ko na itong nararamdaman kaya alam ko na ang ibig sabihin nito. Naisahan na naman ako ng aking asawa kaya naka three points shoot na naman siya. Matapos ako manganak ng kambal na sina Nikki at Nikolai na ngayon ay dalawang taong gulang na ay pinangako ko sa sarili ko hindi na ako mabubuntis ulit. Pero dahil sa kamanyakan ng asawa ko at alam ko sinadya niyang walain ang iniinom kong pills kaya ito sigurado postive na naman. Nasa Villa Angela kami ngayon at nagbabakasyon kasama ang buong pamilya namin at ng matalik nitong kaibigan na Mr. Zobelle at ang pamilya nito. At ang matalik kong mga kaibigan na sina Beatrice at si Enzo na ngayon ay may isa na ring anak at malapit na rin silang ikakasal. Ibang kla

