"Sorry boys, we're taken," sabi ko nalang sa kanila. Nagtawanan kaming tatlo bago pinagpatuloy ang paghu-hunting namin. Natanaw ko sa may bandang dulo ang karatolang MASSAGE. Kaya tinuro ko sa mga kasama ko.Nagkatinginan lang kami saka namin tinungo ang nasabing massage at tama nga ako, malayo pa lang kilala ko na ang hubog ng katawan ng asawa ko. Nakadapa siya habang minamasahi ng halos nakahubad ng masahista at gayon din ang mga kasama nitong sila Kean at Lorenzo. Tumapat kami sa bawat isa kung saan naroon ang mga lalaking kanina pa namin hinahanap at tinititigan ang mga masahistang kanina pa nakapatong sa likod ng asawa ko. Mabuti at naintindihan nila ang ibig naming sabihin kaya isa-isa silang umalis sa likod ng mga ito at saka naman kami ang pumalit. Kanya-kanya na kaming diskart

