"Oh God!" Nakahinga ako nang maluwag noong yakapin ko ang anak ko. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni mommy? 'Di ba sabi ko 'wag kang aalis sa tabi ko?" tumingin ako sa kanya na nakasimangot at hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses. "Paano kung nawala ka? Paano kung may kukuha sa 'yong stranger gusto mo ba iyon?" Umiling siya ng paulit-ulit. "Mommy, sorry. Sorry Mommy." Nakahinga ako ng maluwag at inayos ang buhok niya. "'Wag mo na ulit gagawin 'yon ah?" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "Opo mommy, sorry." Tumayo ako para magpasalamat sa taong kausap niya. Nanlaki ang mata ko noong makita siya. Kailan pa naging kanya itong mall na 'to?! Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Namuo ang galit sa puso ko. Sa loob ng anim na taon, mas lalong tumigas ang feature

