Nanginginig ang buong katawan ko at napatakip sa bibig ko. Iyak ako ng iyak habang tinitingnan siya. "Bullsh-t!" He cursed at tinadyakan niya ang maliit na kabinet at nahulog ang lampshade at nabasag ito. Sinuntok-suntok niya ang dingding at nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Humagulgol ako sa sakit ng nararamdaman ko. Bumaling siya sa akin at marahas niya akong itinayo gamit ang isang kamay niya. "De..Dex.ter." "I don't need a sh-t in my house!" he said in his gritted teeth. Kinuha niya ang passport ko at hinila ako pababa ng hagdanan. Nadaanan namin si Margarette na gulat na gulat sa eksena. "De..De.xter." Huminga ako nang malalim at hinang-hinang sumunod sa kanya. Pagbaba namin ay itinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig na may maramig bubog. Napadaing ako sa sakit at napa

