"Naku Eja! Ang tagal nating hende nagketa," salubong sa akin ni Manang Nora. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Oo nga po. Mukhang sumesexy po tayo ah," bulong ko sa kanya. "Nako 'wag ka maengay. Nagdidiet aku." Sabay kaming tumawa sa sagot nito. Umupo ako sa tabi ni Dexter. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko ngumiti ako sakanya at nagpasalamat. Apat lang kami sa hapag kainan at wala si Manang Lilia. "Ayaw kumain." Nagtaas ang tingin namin kay Manang Lilia nang pumasok ito sa dining area. Nagkatinginan kami ni Dexter. Tumikhim ako at nagtuloy sa pagkain. "Ikaw na kaya magpakain sa kanya Dexter? Sigurado ako na kakain 'yong bata na 'yon." Napahinto ako sa pagkain at lumingon kay Manang Lilia na nag-aalala. "Kailangan niyang kumain ngayon Ijo. Lalo na kakatapos lang ng chemo ni

