MAAGANG bumangon si luther para magluto ng agahan para sakanyang mag-ina, mahimbing parin ang tulog ni sky. "papa tulog parin po si mama?" nilingon niya ang anak at nginitian "yes kiddo, do you want sandwich for your breakfast?" "opo! may gulay po papa ha?" "okay!" nilabas niya ang tinapay at naglagay sa toaster. nag prito na rin siya ng bacon at egg para sa sandwich na gagawin niya sa anak. nang natapos siya pinalaman niya na ang bacon at egg na may lettuce at kamatis nilagyan na din nya ito ng cheese dahil gusto din ito ni lander. pumalakpak naman ang anak ng makita nito na tapos na at nahiwa na. "whaaaa! ang bago po papa" ginulo niya lang ang buhok nito at umupo sa harapan, nag simula na din ito kumain. sinabayan niya ang anak na maganang kumain. "oh mama! good morning!" luming

