NILIBOT ni sky ang paningin niya ng magising siya, hinanap niya agad ang anak niya at nakahinga siya ng maluwag ng nakahiga ito sa tabi niya. wala silang tali sa kamay at paa pero alam niyang may nakabantay sa labas ng pinto ng kwarto kung asan sila. hinanap niya ang bag niya at cellphone pero wala sa loob ng kwarto. "m-mama?" nilingon niya ang anak na nagising, nilapitan niya ito at niyakap. "asan tayo mama?" may bahid ng takot ang boses ng anak niya kaya kinandong niya ito sakanya at niyakap. "hindi ko alam.. pero wag ka mag alala ililigtas tayo ni papa mo, at hindi kita papabayaan" tumango naman ito sakanya. napatingin siya sa pinto ng biglang bumukas iyon at bumungad sakanila ang pamilyar na babae. "jewel......" "the one and only..." naikuyom niya ang kamao niya, hindi niya sinab

