Gab's POV Finally nakabalik na ulit kami sa Pilipinas pagkatapos ng mahigit limang taon. Five years old na din ang anak kong si Alexa at napakabibong bata naalala ko nung ganito din edad si Sab noon, napakasweet at napakabait na bata. Dumeretso kami kina tita Alona pagkatapos naming ihatid muna si inay sa bago naming bahay, hindi na siya sumama sa amin dahil ayaw niya ng issue kung makikita niya sina tita Alona at tito Dan. Sa totoo lang kinakabahan ako kahit alam ko na wala na doon si Xander. Pero I was hoping na magkikita pa rin kami after how many years had past. Alam na din kasi nina tita at tito ang totoo tungkol kay Alexa at excited din sila na makilala ang apo nila. Pero hindi ko sigurado kung nabanggit na ba nila ito kay Xander. Kung oo, bakit hindi niya kami sinundan sa Canad

