XANDER'S POV Nang makakuha ako ng kopya ng cctv na dinukot si Gab ay kaagad akong humingi ng tulong sa mga pulis. Alam ko na gusto ng mga dumukot sa kanya na wag magsusumbong sa pulis, pero wala akong tiwala sa kanila. Ayoko din naman na maghintay lang, kailangang may gawin ako. Nireview ng mabuti ng mga pulis ang cctv footage, baka may makita din sila ng ibang clue doon. Nakatingin din ako ng mabuti sa bawat detalye ng cctv footage. Ilang saglit lang ay may napansin ako na isang lalaki sa gilid ng isang sasakyan, nakatingin lang ito habang tinatangay ng lalaki si Gab. Tinitigan kong mabuti ang lalaki, pero kahit na madilim ang paligid ay napagtanto ko kung sino ang lalaking iyon. Hindi ako pweding magkamali, iyon ang lalaking kaklasi ni Gab. Nakaramdam ako kaagad ng hinala sa kanya

