"Let's go to Canada, Gab. Tayo ng baby mo, si Sab at ang nanay mo. I can be the father of your daughter." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at bigla akong nagdesisyon ng ganoon. Marahil ay natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag nalaman ng kapatid ko na may anak sila ni Gab ay magkabalikan sila. Selfish na kung selfish pero kasalanan ko ba na gusto kong maging masaya? Para sa akin at para din sa anak ko. Ayaw ko kasing tanggapin sa sarili ko na may nararamdaman pa rin si Gab sa kapatid ko. Hindi ako manhid para hindi iyon mapansin, kaya natatakot ako sa posibilidad na magkabalikan sila. Ayoko. Ayoko ng muling magdusa katulad ng nangyari sa akin noon sa parehong tao. Handa akong sumugal pero pinapangako ko na hindi ako matatalo. Muli kong paiibigin sa akin si Gab katulad n

