One year ago... Madalas ako makaramdam ng hilo. Iniisip ko na baka stress lang ako at madami ang iniisip. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko dahil sa paghihiwalay namin ni Xander. Ang daming beses na sinubukan ko na makalimot pero nakikita ko na lamang ang sarili ko na umiiyak dahil sobrang hirap pala. Pakiramdam ko hindi ko na kayang mabuhay nang hindi rin si Xander ang makakasama ko. Hanggang isang araw bumisita sa akin sina Carlo at Bella. Hindi na din kasi ako pumupunta sa bahay dahil galit sila sa akin dahil sa nangyari kay Sandra. Nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari dahil hinimatay na ako. Nagising na lamang ako at nasa hospital na ako. Nasa tabi ko sina Carlo at Bella na kapwa nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang mga ngiti ni

