"What are you talking about, Alejandro? Akala ko ba ang plano mo pagseselosin mo lang ang kapatid mo at walang kasalang magaganap sa pagitan ninyo ni Gab." Pasado alas onse na ng umaga at nasa sala sina mom at dad. Habang ang mga kasambahay ay abala sa pagluluto ng tanghalian. "I'm sorry, mom. I love Gab. Akala ko kaya ko na ipaubaya siya sa kapatid ko pero hindi pala." "I will not let you marry, Gab." "Bakit mom? Wala ba akong karapatan na sumaya? Lagi na lamang ba si Xander ang masaya? Paano naman ako? I want also to be happy. Hayaan nalang natin sila ni Sandra." "Hahayaan mo siya kahit hindi siya masaya?" "Eh ako mom, ayaw mo ba akong maging masaya? Buong buhay ko, lahat ng gusto ni Xander nagpapaubaya ako. Kahit alam ko mas mahal mo siya kaysa sa akin." "Nanumbat ka ngayon? Pa

