"I will marry, Dice." Isang mahabang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko masabi ang mga katagang iyon. Sa totoo lang ay hindi ako gaanong sigurado sa desisyon kung iyon. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para sabihin iyon. Nung nag-usap kami ni Dice tungkol sa kalagayan ni Sab ay may kirot sa puso ko. Alam ko ang pakiramdam na kulang sa buhay mo. Sobrang malapit ang kalooban ko sa batang iyon, pero hindi ko alam kung ako ba talaga ang karapat-dapat na maging bagong ina niya. Kasabay non ay ang pagtatapat sa akin ni Dice na mahal niya pa rin ako kahit maraming taon na ang lumipas. At aaminin ko sa sarili ko, may nararamdaman pa din ako sa kanya pero sa kabila ng lahat, may parte pa rin sa isip ko na iniisip si Xander. Ewan ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko

