"Ano pong meron, mom? May sasabihin po ba kayo?" Nagtatakang tanong ko. Kakauwi lang naming dalawa ni Sandra galing meeting sa wedding organizer at sa designer. Yes. Ikakasal na kami ni Sandra. Ang gusto ko sana ay ikasal na lang kami sa munisipyo pero mas gusto daw ni Sandra na ikasal sa simbahan. Hinayaan ko na lang. Siya nanam ang bahala sa lahat ng preparation. Sinamahan ko lang siya kanina dahil nagpumilit siya para daw masukatan ako. Malaking sugal ito sa buhay ko dahil hindi ko naman talaga mahal si Sandra. It's still Gab. Pero alam ko sa dami na ng nagawa kong mali sa kanya ay hindi na niya ako mapapatawad kahit kailan. Sobrang pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon. Flashback... Nung nasa hospital kami dahil dumugo si Sandra, hindi ko sinasadya ang naging pagtrato ko sa kanya n

