Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng mangyari ang ginawa sa akin ni Xander. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga kinikilos ni Xander. Parang hindi ko na siya nakikilala. Malayong-malayo na siya sa Xander na una kong nakilala. Ang Xander na minahal ko ay mapagmahal, maagalaga, masayahin at malambing pero ngayon ay agresibo at mainitin na siya ng ulo. Araw ng sabado at sakto din day-off ko sa part time job ko kaya nasa bahay lang ako maghapon. Kasalukuyan akong nasa sala at tinatapos ang project ko na ipapasa sa lunes nang biglang magring ang phone ko. Unregister ang number na iyon. Nung una ay ayaw kong sagutin dahil baka wrong number lang kaya hinahayan ko lang. Nagsilent mode ako para hindi maistorbo sa ginagawa ko. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto, muli ak

